Yaz feel be like
Mapapagod ba kong maghintay,
Kung mauuwi rin naman na walang saysay,
Kung hindi naman ako ang gusto n'ya,
May dahilan pa ba ko upang hintayin s'ya.Sa mga gawi n'ya sa 'kin dapat ba ko makampante,
Sa buhay ba n'ya ako ba ay isa ng importante,
Wala namang kami bakit ako maghihinakit,
Hanggang kelan ko matatagalan ang kinikimkim na sakit.Sapat lang nga ba sa akin na s'ya'y nakakasama,
Naghihintay din ako na matugunan ang aking nadarama,
Hanggang kelan ako maghihintay sa kanya,
Sana sabihin sa akin kung ako ay pinaaasa lang n'ya.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji
PoetryAng mga tulang nakapaloob dito ay alay ko para sa nararamdaman ng bawat karakter ng istorya ni Maxinejiji na LOVE WITHOUT LIMITS. Ang ilang tula rito ay SPOILER din sa bawat kabanata ng istorya. Album 4 Rank 1 in Love without limits. 05/21/20 ...