Istorya na naging sorpresa,
Sa kanyang masugid na mambabasa,
Istorya ni Zaimin Yaz Marchessa,
Dalaga na naghihintay at umaasa.Sa He's into her biglang dating ng karakter n'ya,
Ate pala s'ya ng maingay na si Zarnaih,
Nagtungo sa Laguna upang makalimot s'ya,
Unang pagkikita nila ni Del Valle ay natulala sa kanya.Kay Maxpein s'ya ay naging malapit,
Wala s'yang paki sa kuya nitong masungit,
Isang araw ito na lang ay kanyang kinulit,
Wala s'yang paki kung ito ay mapikon at magalit.Kay Maxwell na masungit s'ya'y humanga,
Dahil ito isang kuyang maalaga,
Kinulit ito kahit nagmumukha na s'yang tanga,
Namalayan na lamang nadarama ay lumalim na talaga.Nag-aral muli para makasama s'ya,
Iyon pala wala itong sineryoso sa sinabi n'ya,
Ilang beses na rin s'ya nitong inihiya,
Lahat ng mga sinabi kanyang kinaya.Nagkalayo man sila ng matagal,
Nanatiling ito lang kanyang mahal,
Makita ang bunso ay natulala,
Pagbabago nito ay kanyang ikinabigla.Ayaw n'ya tanggapin ang napapansin dito,
Kapatid lang talaga ang turing n'ya rito,
Puso n'ya tila nag-umpisang malito,
Kinukumbinsi na humahanga lamang ito.Hanggang ito umamin ng damdamin sa kanya,
Ang balewalain ito ay nahirapan s'ya,
Dalawang magkapatid tila nagkokompetensya,
Ang lalaking mahal ang pinili n'ya.Hindi naging madali ang kanilang umpisa,
Dahil may isang tao patuloy na umaasa,
Nagkamali s'ya nabigyan ito ng pag-asa,
Nasaktan n'ya tuloy ay hindi iisa.Biglang nagbago ang buhay nilang tatlo,
Dalawang magkapatid sa kanya ay nagkatalo,
Puso at isip n'ya ay biglang nagtalo,
Lalaking mahal ay nasaktan n'ya lalo.Lalaking mahal kanyang nasaktan,
Puso nito ay labis n'yang sinugatan,
Ginawa hindi mabilis kalimutan,
Lumayo bago sila lalo magkasakitan.Sa kanyang paglayo hindi naging madali,
Laging naaalala ang ginawang pagkakamali,
Nananalangin lalaking mahal mayakap muli,
Marinig ang boses nito kahit sandali.Hanggang isang araw binigyan s'ya ng dahilan,
Ang umasa pa at maghintay pa ay tigilan,
Subalit sa puso n'ya ay hindi ito na wala kahit kelan,
Pagmamahal sa sarili kanyang muling sinimulan.Nagbabalik ang unang minahal n'ya,
Hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin s'ya,
Binigyan muli n'ya ng pag-asa upang maging masaya,
Pero pagkakataon ba ay nagbibiro sa kanya.Lalaking hindi lubos sa puso n'ya nawawala,
Sa harap n'ya susulpot na lang bigla,
Tila mga nagawa n'ya ay nababalewala,
Sakit na dulot nito bumalik sa kanyang alaala.Napapailing s'ya sa inaasta nito,
Kung kelan hindi na s'ya umaasa biglang nandito,
Lahat ng hinanakit ay nasabi n'ya rito,
Lakas loob na pinagtatabuyan na ito.Nagmamakaawa ngayon sa oras n'ya,
Sinasabing mahal pa rin s'ya,
Bakit sakit na ang dulot sa kanya,
Hindi ba dapat s'ya ay masaya.Maxwell Laurent Del Valle Moon,
S'ya ay hinahabol na ngayon,
Sinasabi na ang kanyang emosyon,
Walang paki sa mga matang nakatuon.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji
PoezjaAng mga tulang nakapaloob dito ay alay ko para sa nararamdaman ng bawat karakter ng istorya ni Maxinejiji na LOVE WITHOUT LIMITS. Ang ilang tula rito ay SPOILER din sa bawat kabanata ng istorya. Album 4 Rank 1 in Love without limits. 05/21/20 ...