PAG-IBIG NA WALANG LIMITASYON

148 2 0
                                    

Yaz feel be like

Hindi ko pa kaya ang sumuko,
Kahit tila pinaaasa mo lang ako,
Dahil ikaw ay mahal na mahal ko.

Sa namamagitan sa 'tin, ano nga ba ang tawag?
Aminado ako ang tanungin ka, ako'y naduduwag,
Magiging sagot mo matatanggap ko ba ng maluwag?

Pag-ibig na walang limitasyon,
Halo-halo na ang aking naging emosyon,
Saya o lungkot, ano ang mas nananaig sa dalawang 'yon?

Napapangiti kapag naririnig ang iyong ngalan,
Ang saya na nadarama ikaw din ang dahilan,
Tinatanong ang sarili hanggang kelan?

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon