Maxwell feel be like
Ngayon lamang nagkaganito,
Na sa isang babae sobrang nagkagusto,
Dahil sa kanya sinimulan na ang pangarap,
Na nakikita ang sarili na s'ya'y kasama sa hinaharap.Pasimpleng inaalam ang kanyang mga hilig,
Sa kanyang ingay lamang nawiwiling makinig,
Bawat kilos n'ya palihim kong kinakabisa,
Tanging luto n'ya ang hinahanap ng aking panlasa.Ang matagal ko nang minimithi sa buhay,
Maipatayo ang pinapangarap kong bahay,
Pangarap na hindi inaakala na maisasakatuparan,
Masaya at nagtagpo ang aming kapalaran.Nakangiti na habang hawak ang kanyang kamay,
Babae nasa hirap at ginhawa aking makakaramay,
Zaimin Yaz Marchessa pinakamaganda sa aking mga mata,
Babae na matagal ko nang iniingatan at sinisinta.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji
PoetryAng mga tulang nakapaloob dito ay alay ko para sa nararamdaman ng bawat karakter ng istorya ni Maxinejiji na LOVE WITHOUT LIMITS. Ang ilang tula rito ay SPOILER din sa bawat kabanata ng istorya. Album 4 Rank 1 in Love without limits. 05/21/20 ...