Chapter 41

595 18 0
                                    

Yaz feel be like

Nagkukulong ako sa kuwarto,
Mas masakit para sa akin ito,
Kaysa sa nauna kong pagkikipaghiwalay,
Sa sakit tila ayaw ko nang mabuhay.

Nag-aalala na magulang ko sa akin,
Nawalan na ko ganang kumain,
Hindi ako nakatiis na tawagan s'ya,
Ako kaya namimiss din n'ya.

Kailangan tanggapin na wala na,
Katawan ko ay unti unti nang nanghihina,
Biscuit lang aking kinakain,
Tubig lang kontento na ko inumin.

Lumilipas ang mga araw at buwan,
Simula nang s'ya'y aking iwan,
Hanggang 'di pa rin ako nakakabangon,
Sinubukan ibalik ang dating ako noon.

Napabalikwas ako sa boses ni Naih,
Ako ay sinermunan pa n'ya,
Lumabas na raw ako sa kuwarto,
Si Maxpein daw ay kasama nito.

Dinalaw nga ako ni Maxpein,
Nahihiya ako na s'ya'y kausapin,
Humingi ako ng tawad sa kanya,
Nagkuwento rin s'ya tungkol sa mga kapatid n'ya.

Kaharap ang buo kong pamilya,
Lahat ng nangyari ay ikinuwento ko sa kanya,
Kuya n'ya raw ay hindi ako susundan,
Kung gugustuhin ay kaya akong kalimutan.

Si Naih panay ang pambabara sa akin,
Nagugulat na lang ako sumasabat si Maxpein,
Ayaw daw ng tamad ng kuya n'ya,
Ang sabi ko ang magtrabaho ay 'di ko pa kaya.

Matapos ang ilang buwan, lumabas na ko,
Kay Katley ay nakipagkita ako,
Lahat ay naikuwento ko sa kanya,
Anim na buwan na kong malaya.

Isang araw nanonood ng tv mga magulang ko,
Sa telebisyon si Keziah ay nakita ko,
Nakangiting na kuwento ni Kimeniah,
Na may boyfriend na ate n'ya.

Nakita ko sa screen ang mukha n'ya,
Nakangiting nagpapakilala pa s'ya,
Ang telebisyon pinatay ng mommy ko,
Namalayan ko umiiyak na pala ako.


Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon