Yaz feel be like
Ano ang tanging laban ko,
Ay minamahal kitang totoo,
Sa susunod magmamahal na ng buo.Ikaw pa rin ang inspirasyon,
Ikaw pa rin ang sentro ng determinasyon,
Kahit sa 'yo balewala na ko ngayon.Aalisin sa sarili ang mga agam-agam,
Susubukan na maging walang pakialam,
Upang gumaan ang aking pakiramdam.Puso ko dinadalangin maging manhid,
Luha sa aking mga mata napapagod ng magpahid,
Ang hindi muli piliin sakit ang s'yang hatid.Umaasa lamang pala ko sa wala,
Ang totoo pala ako ay balewala,
Salamat na lang sandaling alaala.Sandaling alaala na niyakap mo,
Sandaling alaala na minahal ako,
Sandaling alaala na masaya tayo.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji
PoetryAng mga tulang nakapaloob dito ay alay ko para sa nararamdaman ng bawat karakter ng istorya ni Maxinejiji na LOVE WITHOUT LIMITS. Ang ilang tula rito ay SPOILER din sa bawat kabanata ng istorya. Album 4 Rank 1 in Love without limits. 05/21/20 ...