YAZWELL

337 8 0
                                    

Sa kanyang mga mata s'ya'y prettiest,
Sa kanyang mga mata naman s'ya ang the best,
Ang kanilang pag-iibigan ay tinetest,
Pag-iibigan na papatunayan na greatest.

Sa kanya tila anghel s'ya na hulog ng langit,
Sa kanya naman wala ng mas makakahigit,
Sa pag-iibigan nila patuloy na kumakapit,
Sa kamay ng isa't isa humahawak ng mahigpit.

Ilang alaala man ang mawala,
Parating may natatapos at nagsisimula,
Ilang beses subukin ang katatagan nila,
Sa pagsuko ay hindi papadala.

Gabing madilim s'ya ang liwanag,
Pagsapit ng umaga iba ang maaninag,
Pag-iibigan hindi basta mabubuwag,
Wagas na pag-iibigan na matatawag.

ZAIMIN YAZ

Araw-araw handa kong ipaalala,
Mga masaya naming alaala,
Ngayon pa ba ko susuko,
Kung kelan mas higit kailangan n'ya ko.

Alaala man n'ya ay nawala,
Ramdam sa puso n'ya nais akong maalala,
Naghintay ako sa kanya ng maraming taon,
Binigyan muli kami ng panibagong pagkakataon.

Bumabalik man ang lahat sa umpisa,
Hanggat ako'y humihinga ay may pag-asa,
Tadhana man ilang beses akong subukin,
Gagawin ko lahat bumalik lang s'ya sa akin.

Magmula nang makilala ko s'ya,
Lahat ng akin ay unti-unting binago n'ya,
Nagkaroon ako ng bagong ambisyon,
At iyon ay mahalin s'ya na walang limitasyon.

MAXWELL LAURENT

Burahin man ng isip ko ay iyong alaala,
Aking puso't damdamin muli kang nakikilala,
Ibang Zaimin Yaz ang aking nasasaksihan,
Na mas lalong aking nagugustuhan.

Mayroong man kaming distansiya,
Nais kong nasa tabi ko lamang s'ya,
Buong mukha n'ya ay nais kong titigan,
Humahanga sa kanyang katatagan.

Araw-araw n'ya sa akin ipinapakita,
Ang damdamin na 'di nakikita ng aking mga mata,
Puso ko tahimik na nararamdaman,
Na puso n'ya ako ang nilalaman.

Pagmamahalan namin nais maalala,
Sa buhay ko nangangamba na s'ya ay mawala,
Binibigyan man s'ya ng dahilan na ako'y kanyang iwan,
Natatakot ang puso't damdamin na ako'y kanyang bitawan.

Pagmamahal na nadarama ay sinusubok ngayon,
Pagmamahal na alay n'ya ay walang limitasyon,
Nais ko maramdaman muli ang aking liwanag,
Liwanag sa dilim na ako lamang ang kanyang naaaninag.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon