Dalawang karakter,
Na nakilala sa He's into Her,
Sa kanilang maikling eksena,
Atensyon ninuman ay maaagaw na.Nalungkot sa pag-aakala,
Na hanggang doon lang sila,
Bigla na lamang natigilan,
Sarili nilang istorya ay sinimulan.Dalawang panganay,
Ang isa ay mataray,
Ang isa ay masungit,
Aakalain sa isa't isa ay galit.Nadarama pala ay itinatago,
Sa malamig na pakikitungo,
Sinusungitan kapag kaharap,
Kapag wala ay hinahanap.First born Del Valle,
May pagkatorpe,
Sa bawat kilos pala nakabantay,
Tamang panahon pala ang hinihintay.First born Marchessa,
Akala ay walang pag-asa,
Walang pagod na naghintay,
Muntik nang tuluyang bumigay.Dalawang tao,
Naghahanap ng mamahalin ng totoo,
Natagpuan ang isa't isa,
Hanggang ang tinitibok ng puso ay naging iisa.Dalawang tao sa unang minahal,
Nadarama ay hindi nagtagal,
Kaya pala tadhana may balak,
Pag-isahin ang daan nilang tinatahak.Dalawang tao na magkaiba ang mundo,
Kung magmahal ay bigay todo,
Naglarawan ng kakaibang pagmamahalan,
Na hindi mo susukuan kahit kailan.Malapit na matapos ang kanilang kuwento,
Pero hindi matatapos ang kanilang yugto,
Yugto kasama ang bumuo lalo sa kanila,
Simbolo ng wagas na pagmamahalan nila.Ang magmahal ay hindi biro,
Marami itong itinuturo,
Iyan ang pinatunayan nila,
Na mas nagpatatag sa kanila.S'ya ang kanyang buwan,
S'ya na hindi s'ya binitawan,
Pagmamahal sa isa't isa ay LOVE WITHOUT LIMITS,
Pagmamahalan nila na abot hanggang langit.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji
PoetryAng mga tulang nakapaloob dito ay alay ko para sa nararamdaman ng bawat karakter ng istorya ni Maxinejiji na LOVE WITHOUT LIMITS. Ang ilang tula rito ay SPOILER din sa bawat kabanata ng istorya. Album 4 Rank 1 in Love without limits. 05/21/20 ...