Isang sanggol na hindi nila inaasahan,
Nagdagdag ng kakaibang kasiyahan,
Kasiyahan na sa kanila'y walang kapantay,
Kasiyahan na matagal na nilang hinihintay.Bunga ng pagmamahalan nila,
Hindi iisa, kundi dalawa sila,
Sanggol na nagpakumpleto sa kanila ngayon,
Unang babaeng Moon sa kanilang henerasyon.Maximilienne Laureen ang kanyang pangalan,
Tining ng pag-iyak n'ya ay 'di mapipigilan,
Kahit sino ay kanyang magigimbal,
Pati paghimbing ng kanyang kakambal.Sa kanyang paglaki kanino kaya magmamana,
Kung sa kaingayan walang duda mula sa kanyang ina,
Sa kanilang henerasyon ano kanyang mapapabago,
Sa kanyang mukha hindi maitatanggi pinagmulang dugo.Kulang sa kanilang puso ay napunan,
Nang silang dalawa nasa kanyang sinapupunan,
Silang dalawa sa kanila tunay na bumuo,
Bumuo upang pangarap tuluyang magkatotoo.Maximilienne Laureen Del Valle Moon,
Isa sa bunga ng pag-ibig nilang walang limitasyon,
S'ya kasama ang kanyang pinsan at kakambal,
Sa tamang panahon sa emperyo sabay-sabay na magpapagimbal.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji
PoetryAng mga tulang nakapaloob dito ay alay ko para sa nararamdaman ng bawat karakter ng istorya ni Maxinejiji na LOVE WITHOUT LIMITS. Ang ilang tula rito ay SPOILER din sa bawat kabanata ng istorya. Album 4 Rank 1 in Love without limits. 05/21/20 ...