Chapter 43

496 14 0
                                    

Yaz feel be like

Dahil sa pagiging abala sa trabaho ko,
Nagiging maayos na rin ako,
Naaalala ko pa rin naman s'ya,
Hindi na masyadong malungkot akin ng kaya.

Unti-unti ko nang nauunawaan ang lahat,
Sa ospital, malaking responsibilidad ang kaakibat,
Tila akin na rin nararamdaman kalagayan n'ya,
Isipin ang lahat ng aking mali, ako'y nakokonsensya.

Si Katley ay may problema sa bayarin n'ya,
Kaya walang alinlangan na tinulungan ko s'ya,
S'ya ay nag-iisa kong sandalan at kaibigan,
Noong una s'ya ay nag-aalinlangan.

Nang makauwi ako sa bahay namin,
Si mommy nakiusap sa akin,
Na si Rem ay aking pagbigyan,
Inamin ko sa kanya aking nararamdaman.

Wag na raw  akomaghintay sa walang kasiguraduhan,
Ang magmahal muli ay akin nang subukan,
Aming nakaraan ay aking pilit inaalala,
Pero sa alaala n'ya doon ako nahihila.

Nakatingin sa akin si Rem na nakangiti,
Gusto kong alalahanin ang meron kami dati,
Ang luto n'ya ay pinuri ko,
Sa usapan nila ni daddy ay nakinig ako.

Sa pag-aasawa ay handa na s'ya,
Mapapangasawa na lang kulang sa kanya,
Ihahatid n'ya raw ako bukas, pumayag ako,
Sa panliligaw, s'ya rin ay pinayagan ko.

Kitang kita ang saya sa mga mata n'ya,
Kalalaking tao ay kinikilig yata s'ya.
Kinabukasan ay sinundo n'ya ko,
Sa bulaklak na bigay n'ya ay napangiti ako.

Nakakaya ko na ang lungkot kapag naiisip s'ya,
Kay Rem kahit paano nakaramdam ng saya,
Kinabukasan ay nakatanggap ako ng sorpresa sa trabaho,
Kanino galing ang magandang bulaklak na ito?

Mr. Best ang pakilala ng nagpadala,
Iisang Mr.Best lang ang aking kilala,
Sariling iniisip ay nagawang kontrahin,
Sarili ko pagod na kong paasahin.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon