Maxwell feel be likeHindi hahayaan na sila'y makalapit,
Sa aking kamay higpitan mo ang kapit,
Ako'y iyong lubos na pagkatiwalaan,
Saktan ka hindi ko sila hahayaan.Nagkamali sila nang hinahamon,
Nalimutan na ba n'ya na isa kong Moon,
Nalimutan n'ya na ako ang panganay,
Hindi maitatanggi na meron akong husay.Napaamo ko ang mga tigre at leon,
Kaya nagkamali s'ya nang hinahamon,
Sipa lang mapapatumba ko sila,
Hindi ako natatakot sa kanila.Ano ngayon kung s'ya ang pinakamahusay na rango,
Iba ang husay sa laban ng pinagmulan ng aking dugo?
Nagkakamali s'ya nang lahing binabangga,
Mali s'ya nang akala na wala kong ibubuga.Bilis ko ay isa ring hangin,
Talasan nila dapat ang kanilang paningin,
Para sa kaligtasan namin ng mapapangasawa ko,
Makikilala nila ang tunay na ako.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji
ŞiirAng mga tulang nakapaloob dito ay alay ko para sa nararamdaman ng bawat karakter ng istorya ni Maxinejiji na LOVE WITHOUT LIMITS. Ang ilang tula rito ay SPOILER din sa bawat kabanata ng istorya. Album 4 Rank 1 in Love without limits. 05/21/20 ...