Ikaw ang katuparan ng mga pangarap,
Ikaw na ang kabiyak na matagal ko nang hinahanap,
Ngayon sa kanya sabay na tayong haharap.Kaytagal kitang hinintay,
Kaytagal ninais hawakan ang iyong kamay,
Makakasama na kita habang nabubuhay.Ikaw ang dahilan ng kislap sa aking mga mata,
Ikaw ang nais makasama sa bago kong kabanata,
Pangako, mas pakamamahalin kita.Mamahalin kita ng walang limitasyon,
Kasabay kita mangangarap mula ngayon,
Ikaw ang natatangi kong inspirasyon.Pagmamahalan nating ito ay wagas,
Ating pagmamahalan ay hindi magwawakas,
Ikaw ang aking ngayon at bukas.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji
PoesíaAng mga tulang nakapaloob dito ay alay ko para sa nararamdaman ng bawat karakter ng istorya ni Maxinejiji na LOVE WITHOUT LIMITS. Ang ilang tula rito ay SPOILER din sa bawat kabanata ng istorya. Album 4 Rank 1 in Love without limits. 05/21/20 ...