DEL VALLE MOON TWINS

300 7 0
                                    

Hindi nila pareho inaakala,
Na sila'y magiging kambal pala,
Dahil wala pareho sa lahi nila.

Kambal, isang lalaki at isang babae,
Na mga pangalan ay may pagkamaarte,
Ipinangalan ng kanilang daddy na maarte.

Pag-uugali kanino nila makukuha,
Daddy nila ang kanilang kamukha,
Sigurado sa kanila tayo ay mamamangha.

Sila kaya ay isang tahimik at isang maingay,
Pagiging guwapo  at maganda ay maliit na bagay,
Mamanahin kaya ang ugali nilang mapagbigay.

Sila kaya ay lalaki na ugali ay magkasalungat,
Pero sa kakayahan at talino ay angat na angat,
Lalaki kaya pareho handang magpahilom ng ilang sugat.

Sila ang matagal nang hinihintay ng kanilang magulang,
Napunan lahat ng pasakit mga naging pagkukulang,
Sa buhay nila, sila pinakamahalagang nilalang.

Maximillian Laurentius at Maximilienne Laureen,
Kambal na panibago nating mamahalin,
Kambal na bunga ng pagmamahalan nina Laurent at Zaimin.

Dalawang nilalang dagdag sa pamilya ng mga buwan,
Kambal na sa paglaki isa't isa ay hindi bibitawan,
Isa't isa hindi nila tatalikuran at hindi iiwan.

Del Valle Moon ang kanilang apelyido,
Kamukha ng kanilang daddy na minsan ay wirdo,
Pero kung magmahal ay buhos at bigay todo.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon