Chapter 59

231 6 0
                                    

Yaz feel be like

Natigilan ako sa tanong n'ya,
At bahagyang napalingon sa kanya,
Pag-usapan daw namin ang kasal namin,
Nakatulala lang ako sa harap ng salamin.

Akala ko ba may amnesia s'ya,
Naiinis na naman ako sa kanya,
Sa upuan sa akin nakikipagsiksikan,
Balikat ko ay kanyang hinahalik-halikan.

Sa pagiging tahimik ko hindi s'ya nakatagal,
Ayaw ko na raw ba magpakasal,
Ang sagot ko gusto ko kapag nakakaalala na s'ya,
Hindi raw lahat ay nakalimutan n'ya.

Hanggang sa nainis na naman ako,
Noong unang gising n'ya ay naalala ko,
Pinagtalunan na naman namin si Keziah,
Nagseselos daw ba ko tanong pa n'ya.

Sinagot ko s'ya nang may pagkasarkistiko,
Hindi ko alam kung naintindihan n'ya ba ko,
Kumuha ako ng comforter sa aming cabinet,
Lumabas ako sa aming kuwarto, nakasunod s'ya ang kulit.

Hinanaan ko ang aircon sa sala,
Sa sofa ayun naka upo na s'ya,
Naiinis ako sobra n'yang kulit,
Pinababalik ako sa kuwarto nagpupumilit.

At s'ya pa talaga ang may ganang magalit,
Naiinis ako sa kanya, ako na ang masungit,
Ako pa talaga ay sinisigawan pa n'ya,
Sa inis ko ay tinalikuran ko na lang s'ya.

Ayoko nga s'yang makita,
Ayoko s'yang makatabi nakakairita,
Nahiga ako at hindi s'ya pinansin,
Natigilan ako nang kanyang yakapin.

Ako ay hinarap n'ya sa kanya,
Sa sofa na rin s'ya matutulog sabi pa n'ya,
Nakangiti na s'ya at nag-iimagine,
Kasya raw kami roon kasama ang anak namin.

Pero ako talaga ay naiinis,
Kaya naman s'ya ay aking pinaalis,
Natigilan ako sa mga sinabi n'ya,
Pero hindi sapat 'yon para sundan ko s'ya.

Nagising ako kinabukasan,
Nang may mga boses akong napakinggan,
Mabilis akong napabangon,
Sina Tita Maze at Tito More ay nandon.

Mabilis akong nagpaliwanag sa kanila,
Na ako ang gustong matulog sa sala,
Nasa kusina naman si Maxrill,
Sa ginagawa nito ay kanilang pinatitigil.

Si Tita Maze ay inutusan ang asawa,
Sa usapan nila ay 'di ako tumawa,
Nagpatuloy kami ni Tita Maze sa pag-usap,
Sinabi ko na tila palabas lang at si Maxwell ay nagpapanggap.

Nararamdaman ko ang tingin ni Maxwell sa akin,
Pati si Maxpein matalim ang kanilang pagkakatingin,
Habang pababa sila sa hagdanan,
Hindi ko alam hindi ko na maintindihan.

Si Maxwell lumapit sa amin,
Nanghihingi ng morning kiss sa akin,
Nagpaalam ako saglit sa kanila,
Umakyat ako pero ramdam ko pa rin ang tingin nila.

Nagtungo ako sa kuwarto at pumasok sa banyo,
Pagkatapos magsepilyo ay napaisip ako,
Napatingin ako sa aking tiyan,
Nag-aalala muli naluluha na naman.

Hanggang sa marinig ko s'ya,
Naiinis na naman ako sa kanya,
Talagang pinipilit n'yang ako ay buntis,
Mga madampot kong gamit sa kanya aking hinahagis.

Talaga naman lahat ng aking mga binabato,
Ay walang hirap n'yang nasasalo,
Sure raw s'ya boy ang baby,
Naiinis ako sa kanyang sinasabi.

Nang wala na kong maibato sa kanya,
Sa akin ay lumapit at ang mga hawak ay ibinigay n'ya,
At sinenyasan pa ko na ibato na ang ulit,
"I hate your face" sigaw ko sa kanya sa galit.

Hindi n'ya ko nilubayan at nakasunod talaga s'ya,
Nagmamasid sa mga ginagawa ko, sabi ko distansiya,
Hanggang bumaba na kaming dalawa sa hapagkainan,
Napansin ko nawala ang ibang mga upuan.

Nautakan na naman n'ya ko,
Sa kanya naiirita ako,
Plato n'ya ay hindi ko pinunasan,
Hanggang sa ako ay kanyang drinamahan.

Nagsalita si Maxpein na kinatigil ko,
Totoong may amnesia raw ito,
Hanggang napatingin ako sa kanya,
Ayun nakangisi na s'ya.

Matapos s'yang asikasuhin,
Sinimulan ko ng kumain,
Sa salad ako ay takam na takam,
Sa aking paligid ay walang pakialam.

Sa salad ay talagang ako'y sarap na sarap,
Wala kong pakialam kay Maxwell na aking kaharap,
Pinuri ko kanina ang salad ni Maxrill,
Lahat sila nakatingin sa akin kaya ko napatigil.

Matapos kumain nagpunta ako sa kuwarto,
Sa pinapanood ay napasimangot ako,
Si Maxwell nagsalita aalis na raw kanyang pamilya,
Sagot ko, ako ay magpapahinga sumama s'ya kung gusto n'ya.

Doon na rin daw s'ya at naupo s'ya sa aking likuran,
Ikinulong ako sa yakap habang hinahaplos ang aking tiyan,
Bumulong sa akin masarap daw ba ang salad tanong n'ya,
Inis na sinagot at nilingon ko s'ya.

Ngayon daw n'ya titikman,
Titikman sa labi ko kaya ako ay hinalikan,
Pagkatapos ay nagtanong pa s'ya,
"Salad o ako" kaya napamaang ako sa kanya.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon