Chapter 39

1K 34 0
                                    

Yaz feel be like

Pinuntahan ko si Heurt,
Sinabi ko sa kanya lahat,
Ako ay pinayuhan n'ya,
Sa sarili ko lalo akong nahiya.

Ikinuwento n'ya ang sitwasyon nila noon,
Na maitutulad sa sitwasyon namin ngayon,
Sino raw ba hindi mahuhulog sa Del Valle kakaiba sila,
Guwapo, matalino, pilyo at marami pang iba.

Magkakaiba raw ang pangangailan ng tao,
'Yong iba sa ibinibigay nila ay kontento,
'Yong iba raw ay nakukulangan sa natatanggap,
At naghahangad pa na sobra ang matanggap.

Lahat ng relasyon ay binubuo ng pagpapakatotoo,
At tiwala payo sa akin ang mga ito,
Kung 'di raw kami maniniwala at magtitiwala,
Sa isa't isa ay hindi kami uubra.

Ang sitwasyon namin ay kumplikado,
Kaming tatlo ay nagkamali ang pare-pareho,
Pagkakamaling umintindi ,
At pagkukulang sa pang-intindi.

Mas naging kumplikado dahil sa akin,
Na s'yang akin naman inaamin,
Sigurado raw ba ko sa aking nararamdaman,
'Di ako alam paano sasagutin para paniwalaan.

Lahat ipinaintindi at ipinaliwanag n'ya,
Nalilinawan na ko dahil sa kanya,
Sinabi ko sa kanya ang pag-alis ko,
Hindi raw naman siguro nagpapahabol ako.

Kung aalis ako, akin daw ba makakaya,
Kakayanin ko, ang sagot ko sa kanya,
Masaya s'ya na pinipili ko muna ang sarili ko,
Mawala na raw ang lahat, 'wag lang sarili mo.

Si Maxwell ba raw ay kaya kong kalimutan,
Sa naisip kong mangyayari ako ay nasasaktan,
Kapag umalis ako at kanyang pinalaya,
Ako raw maaring kalilimutan n'ya.

Kung para sa sarili ko ay 'di n'ya raw ako pipigilan,
Ako ay muli n'yang pinayuhan,
Isalba raw ang pagmamahal ko,
Hindi naman daw iyon ang magbabago.

Sarili ko raw ang aking piliin,
At si Maxwell baka ang hangad ay iyon din,
Nang makauwi ako kinagabihan,
Nakatitig sa kisame at nasasaktan.

'Di ko matanggap na maaring makalimutan n'ya,
Dahil sigurado ako na mahihirapan akong malimutan s'ya.
Patuloy ang aking pag iyak, nang si Maxwell ay makita ko,
Kung sarili ko pipiliin ko, tanong ko kalilimutan n'ya ba ako.

Sumakay na s'ya sa kanyang sasakyan,
Ang pag-iyak ay akin nang nakatulugan,
Nagising ako sa tawag ni Keziah,
Humingi ako ng tawad sa kanya.

May kumatok sa may pintuan,
Si Tito More aking nabungaran,
Narito raw s'ya para sa mga anak n'ya,
Ang nangyari ikinuwento ni Tita Heurt sa kanya.

Kahit magpahinga raw ako, kaya raw ako buhayin ng anak n'ya,
Napamaang ako, at sa huli ay napayakap sa kanya,
Pinag dala n'ya raw ako ng makakain,
Pero bungkos ng bulaklak ang nakatawag sa aking pansin.

Inamoy ko ang bulaklak,
Hindi ko maiwasan ang 'di mapaiyak,
Akala ko ay galing ito kay Tito,
Kinuha ko ang letter na kasama nito.

"There is no distance for me, baby. I still like the way you make me feel even when you're nowhere. I guess my love for you has no limits."

All yours,

Maxwell

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon