Yaz feel be like
Lumipas ang ilang buwan,
Setyembre akin nang kabuwanan,
Nakahiga kami nang gisingin ko s'ya,
Manganganak na ko sabi ko sa kanya.At talaga naisipan pa n'ya magsepilyo,
Namimilipit na ko sa sakit dito,
Narinig ko ang mga yabag nila,
Sa akin ay bumati pa sila.Manganganak na ko sabi ko kay Maxpein,
Natural buntis daw ako ang sagot pa n'ya sa akin,
Pinabukas n'ya kay Maxrill ang mga bintana,
Mabilis naman itong sumunod sa utos n'ya.Naghugas s'ya ng kamay at pumuwesto,
Si Maxwell ay tinulungan ito, at kinabitan ako ng suwero,
Itong si Maxrill nag-alok pa ng kape sa kanyang kuya,
Si Maxwell ay sinigawan ko na s'ya.Iba talaga ang magkakapatid na 'to,
Sa iisang tasa ng kape ay nagsalo,
Itong si Maxrill ay naghanap pa ng pandesal,
Sa sobrang sakit na ng tiyan 'di na ko makatagal.Pinagsabihan s'ya ng asawa ko,
Napigilan ang katakawan n'ya sa oras na ito,
Tinanong pa n'ya ko kung masakit,
Gusto pa n'yang sumilip nagpupumilit.Mabuti napigilan s'ya ni Maxpein,
At s'ya ay lumabas na rin,
Sa mga kamay ni Maxwell ang higpit ng hawak ko,
Sa pag-iri ay napapagod na ako.Hanggang sa lumabas na ang baby namin,
Isa pa ulit utos ni Maxpein sa akin,
Nagulat kami ni Maxwell sa sinabi n'ya,
Kaya sinikap kong sumunod sa kanya.Nangilid ang luha ni Maxwell buhat ang anak namin,
Hanggang ito ay ipinatong n'ya sa akin,
Ginawa ko ang lahat upang isa pa ay lumabas,
Pagkalabas nito naubusan ako ng lakas.Nagising ako sa iyak ng anak namin,
Buhat ni Maxwell ay twins,
Isang lalaki at isang babae,
Mga pangalan nila ay maarte.Binuhat ko si Maximillian,
At ito ay aking hinalikan,
Karga ni Maxwell si Maximilienne,
Sila ang bunga ng pagmamahalan namin.Sa paglilinis ng katawan,
Si Maxpein ako ay tinulungan,
Tinanong ako kung may lahing kambal sa amin,
Ang sagot ko ay wala kaya ako ay nagulat din.Sa kanila din daw ay wala kina Deib meron sabi n'ya,
'Di ko alam paano sila nagkasya sa aking tiyan sabi ko sa kanya,
Tingin n'ya raw ang kambal ay matangkad pareho,
Maganda at guwapo dagdag ko.Itinulak ni Maxpein ang wheelchair pabalik ng kuwarto,
Si Maxwell naabutan namin sa may kuna napangiti ako,
Inutusan daw nito si Maxrill sa mall kuwento ni Maxpein,
Nang malaman n'ya kambal ang anak namin.Labis na kasiyahan ni Maxwell aking nakikita,
Mas higit pa roon nababasa ko sa kanyang mga mata,
Tinutusok n'ya ang pisngi ni Maximilienne,
Hinalikan n'ya ko, muntik namin malimutan nandon pa si Maxpein.Breastfeed lang daw ang maipapayo n'ya,
Si Maxwell ay nagpasalamat sa kanya,
Hyung ang tawag sa kanya nito,
'Di ba dapat ay Oppa tanong ko.Masyado raw girly sagot ni Maxwell ayaw ni Maxpein,
Sabi ko Oppa ang tawag n'yan kay Maximillian ni Maximilienne,
Titig na titig si Maxwell sa anak namin dalawa,
Gusto na raw n'ya nasa bahay na lang kaya ko natawa.Sa labis kong saya s'ya ay hinalikan ko,
Biniro ko s'ya alalahanin n'ya ang mga rango,
Pinalalim n'ya kasi ang halik namin dalawa,
Sa kanyang reaksyon ako ay natatawa.Nagpapasalamat ako sa lahat ng sakit,
Kung ito naman ang naging kapalit,
Nagpapasalamat ako sa lalaking ito,
Minamahal ako ng labis higit sa inaakala ko.Akala ko noong kinasal kami ng dalawang beses ang pinakamasaya,
Pero hindi pa pala, ito na buo na kami isang buong pamilya,
Sa lahat ng naranasan ko nagpapasalamat ako ngayon,
Wala na kong mahihiling pa, dahil sa saya na nararamdaman ko na walang limitasyon.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji
PoesíaAng mga tulang nakapaloob dito ay alay ko para sa nararamdaman ng bawat karakter ng istorya ni Maxinejiji na LOVE WITHOUT LIMITS. Ang ilang tula rito ay SPOILER din sa bawat kabanata ng istorya. Album 4 Rank 1 in Love without limits. 05/21/20 ...