Hawak namin ang kamay ng isa't isa,
Lumaban ako ipinakita na hindi s'ya nag-iisa,
Sabay kaming lumalaban sa mga rango,
Takot ay pilit kong nilalabanan at itinatago.Wala na kong pakialam kung nasusugatan,
Ang lakas ng mga ito hindi ko mahigitan,
Patuloy pa rin ako sa pagsipa,
Hanggang dumadampot na ko ng lupa.Si Maxwell ay mas kanilang pinalilibutan,
Ako ay walang tigil nilang sinasaktan,
Pinipilit ko ang sarili na malapitan s'ya,
Lumalaban ako upang hindi maging pabigat sa kanya.Masyado silang marami para sa aming dalawa,
Sa aming dalawa ay wala silang mga awa,
Walang kasing ganid itong si Hwang,
Nakita ko ang hawak n'ya bibig ko napaawang.Galit na galit s'ya kay Maxwell nais n'yang patayin,
Ako na lang ay aking naisigaw na rin,
Sa akin ano raw mapapala n'ya,
Si Maxwell ay nagmamakaawa na sa kanya.Nagmamakaawa na pakawalan na ko,
Ibibigay ang lahat sa mga ito kanyang pangako,
Pero ang gusto nitong kapalit ay buhay n'ya,
Kitang-kita ko kung paanong nasaktan s'ya.Hindi ako sa kanila makalapit,
Ang sabunot sa aking buhok ay sobrang higpit,
Sa sumunod na nangyari tila wala na kong marinig,
Kay Maxwell at Hwang ako'y napatitig.Hahampasin muli sana s'ya ni Hwang sa ulo,
Hanggang may pana tumama sa balikat nito,
May bumaril sa mga may hawak sa akin,
Sina Maxrill at Dirk nagawa kaming sagipin.Napasigaw si Dirk kaya kay Maxwell mabilis na lumapit ako,
Dalhin namin ito sa ospital kay Maxrill ay agad sinabi ko,
Hindi raw puwede at kay Hwang ay galit na galit s'ya,
Walang alinlangan na ito ay pinana n'ya.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji
PoetryAng mga tulang nakapaloob dito ay alay ko para sa nararamdaman ng bawat karakter ng istorya ni Maxinejiji na LOVE WITHOUT LIMITS. Ang ilang tula rito ay SPOILER din sa bawat kabanata ng istorya. Album 4 Rank 1 in Love without limits. 05/21/20 ...