YAZWELL

150 3 0
                                    

Unang pagkikita natin ika'y nagtaray,
Ikaw ay maganda at may pagkamaingay,
Sinasabi sa akin ni Pein na tayo ay bagay.

Pareho raw kasi tayong maarte,
Pero ikaw iba rin kung mag-inarte,
Paulit-ulit ka pa na isa ka ring ate.

Kung alaala ay aking babalikan,
Sa ospital noon pinagdala mo ko ng ponkan,
At kapag hindi kita binitawan ako ay tatadyakan.

Nagbago ang ihip ng hangin,
Nagkaroon ka sa akin ng pagtingin,
Maganda ka naman sa aking paningin.

Iyon nga lang ikaw ay makulit,
Kaya sa iyo madalas akong nagsusungit,
Kay Keziah ikaw ay naiinggit.

Damdamin mo ay hindi itinatago,
Gusto mo pa rin ako at hindi nagbabago,
Kahit na nalilito ka na sa aking pakikitungo.

Hindi ko alam kung ano kaya kong ibigay,
Madalas din tayo kung mag-away,
Pag may kasama kang iba hindi rin ako ay mapalagay.

Tayong dalawa ay kanila na ring tinutukso,
Damdamin mo para sa akin ay seryoso,
Pinaparamdam mo na ako ang nilalaman ng iyong puso.

Mga ikinikilos ko ay hindi mo inaasahan,
Alam ko na sa akin ika'y naguguluhan,
Minsan sarili ko ay hindi ko rin maintindihan.

Ayoko na may iba kang kasama,
May kung ano akong nadarama,
Masaya rin ako pag tayo ay nagkakasama.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon