LOVE TRILOGY

277 8 0
                                    

LOVE WITHOUT LIMITS (LWL)

Buwan noon ng Marso,
Pinakabog n'ya ating mga puso,
Napatanong sino bidang lalaki rito,
Parehong Del Valle sadyang nakakalito.

Love without limits,
Isang lalaking masungit,
Isang lalaki na mata'y naniningkit,
Puso ng iisang babae ninais masungkit.

Ilang beses pinaluha,
Atensyon ninais makuha,
Sakit na kanyang na ilikha,
Nawalan ng emosyon ang mukha.

Mga kamay ayaw bumitaw,
Puso pilit na humihiyaw,
Hindi nais atensyon mo maagaw,
Ako ang iyong buwan at liwanag ko ay ikaw.

Masasayang mga alaala,
Sinubok pansamantala,
Ito man ay nawala,
Pagmamahal ko nagbigay himala.

Himala bigyan ang sarili magpakatotoo,
Na sa buhay ko ikaw lang s'yang bubuo,
Hindi ako sinukuan kahit na nagkaganito,
Sa pagmamahal at paghihintay ay 'di ka huminto.

Naghalo-halo ang mga emosyon,
Nagkaroon ng mga 'di sang-ayon,
Nararapat ng matinding desisyon,
Upang makamit ang pag-ibig na walang limitasyon.

Sakit ng kahapon mag-iwan man ng bakas,
Hindi dahilan ito para nadarama sa 'yo ay magwakas,
Ikaw ang nananatiling nais makasama sa susunod ko pang bukas,
Ikaw ang dahilan ng aking kahinaan at lakas.

LOVE WITHOUT BOUNDARIES (LWB)

Pangalawang aklat,
Na kanyang isinusulat,
Na siguradong mangugugulat.

Nakatitig sa liwanag ng buwan,
Nahihirapan pa s'yang bitawan,
May bakas pang naiwan.

Kasabay ng malakas na pag-alon,
Ulap tila pati rito ay nakiki-ayon,
Nakikiramay sa nadarama natin ngayon.

Ang pag-ibig na 'di pa nagsimula,
Bumabalik ang munting mga alaala,
Mula nang ika'y makilala.

Sa ating pagsalo iisang payong,
Puso ay naririnig na ang binubulong,
At mga mata ay nagsasalubong.

Ano ulit ang iyong ngalan?
Ngalan na 'di na limutan kahit kailan,
Ating pag-uusap nais lamang tagalan.

Ating pagkikita nag-iwan ng bakas,
Ito na simula at hindi magwawakas,
Pag-ibig na dala hanggang may bukas.

Pag-ibig na walang hangganan,
Handa na ko sa kahihinatnan,
Ikaw ang pangarap na nais maging katotohanan.

LOVE WITHOUT FEAR  (LWF)

Huling aklat ng kanyang kuwentong pag-ibig,
Mga bida rito handa na ring magpakilig,
Sino ang mga bida matinding katanungan?
Kaya ito ay nararapat nating abangan.

Kanya-kanya na ring mga hula,
Sa pamagat pa lang dalang-dala,
Isip ay kung saan saan na nagtungo,
Pananabik ay hindi na maitago.

Pag-ibig na walang takot,
Tanong malapit na rin masagot,
Puso na takot pang sumubok,
May walang takot na papasok.

Papasok para tibagin ang paniniwala,
Sumubok umibig para pangamba ay mawala,
Papalitan ng lakas ng kalooban,
Na nararamdaman ay ipaglaban.

Ihanda muli ang mga mata sa pagluha,
Ihanda ang sarili sa pag-asim ng iyong mukha,
Ihanda ang puso sa halo-halong nararamdaman,
Nakakagawa nito ay si Maxinejiji lang naman.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon