Chapter 48

376 16 0
                                    

Yaz feel be like

Ginamot s'ya nina Randall at Keziah,
Mabilis dumating ang ambulansiya,
Kanyang kamay ay aking hinawakan,
At ito ay mariin kong hinalikan.

Huwag s'yang matutulog sabi ko sa kanya,
Sagot n'ya sa akin ay ayos lang daw s'ya,
Dinala namin s'ya sa ospital kung saan kami nagtratrabaho,
Kailangan na maagapan ang sugat n'ya sa ulo.

Sinisisi ko sa nangyari ang sarili ko,
Mga luha ko walang patid sa pagtulo,
Sina Keziah panay ang pakalma n'ya sa akin,
Nag-aalala ko ng maalala si Maxpein.

Si Naih ay agad na tinawagan ko,
Kay Maxpein siguradong lagot ako,
Nang dumating sila malamig ang tingin,
Ang ipinukol sa akin ni Maxpein.

Si Rembrandt ay hinahanap n'ya,
Kitang kita na galit na galit s'ya,
Sina Tito More ay kinausap ako,
Buong nangyari aking ikinuwento.

Si Maxrill ako ay tinabihan,
Si Maxpein akin namang naiintindihan,
Ang laki ng kasalanan ko,
Si Rembrandt ay sinapak n'ya ito.

Si Maxwell ay tapos nang operahan,
Kaya naman s'ya'y aking pinuntahan,
Si Maxpein ay kinausap ako,
Huling pagkakataon na ito.

Hindi ako umalis sa tabi n'ya,
Ako ang nagbabantay sa kanya,
Paulit ulit sinasabi na s'ya'y mahal pa rin,
Hanggang si Maxrill dumating may dalang pagkain.

Ang nakasulat sa singsing ni Maxwell sa ipinabasa n'ya,
Naalala ko ang sakit na idinulot ko sa kanya,
Si Maxrill ay pinipilit ako kumain,
Ayoko at wala kong ganang kumain.

Gusto ko raw ba magpasubo sa kanya,
Nagulat ako nang isumbong n'ya ko sa kanyang kuya,
Kaya naman naiiyak na lumapit ako,
Gising na pala si Maxwell at kinamusta ko.

Si Maxrill ang sumasagot sa mga tanong ko,
Ang pagkakasagot n'ya ay sarkastiko,
Sabi ko ay kumain na lang s'ya,
Si Maxwell ay sinubuan muna n'ya.

Pinaupo ako ni Maxwell sa tabi n'ya,
I love you sabi ko agad sa kanya,
Narinig n'ya raw ako,
Yaz ang tawag sa akin nito.

Iniba ko na lang usapan namin,
Nararamdaman n'ya aking kinamusta rin,
Naiinis na sinisi ko si Rembrandt sa nangyari sa kanya,
Sumang-ayon s'ya na si Rembrandt ay gago talaga s'ya.

Mukhang hindi pa raw ako natutulog sabi n'ya,
Sagot ko nag-aalala kasi ako sa kanya,
Nagising daw s'ya humihilik daw ako,
Hindi ako humihilik sabi ko.

Puwede na raw s'ya magtrabaho sabi pa n'ya,
Baka raw ang directress ay miss na s'ya,
Ang kamay n'ya sa beywang ko ay aking inalis,
Halatang ako ay kanyang iniinis.

Hindi ko na raw s'ya iiwan sabi pa n'ya,
Kaya muli akong tumabi sa kanya,
Naalala n'ya pa ang huli naming usapan,
Gusto n'ya ay amin ng pag-usapan.

Si Maxrill ay bigla na lamang nagsalita,
Sagot ko kay Maxwell magpagaling muna s'ya,
Sumakit muli ang kanyang ulo,
Saan ang masakit at ikikiss ko.

Si Maxrill ay hindi na nakatiis at umalis,
Bulong ni Maxwell ako ay kanyang namiss,
Sinagot ko na miss ko lahat sa kanya,
Sa pisngi at labi ay hinalikan ko s'ya.

Kinuha ko ang gitara at kinantahan ko s'ya,
Nang kanta na alay ko para sa kanya,
Lumingon at magsasalita sana ako,
Subalit mga labi n'ya ay sinalubong na ko.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon