Pag-ibig ko sa 'yo ay hindi limitado,
At iyon ay aking sinisigurado,
Kahit na ika'y lumisan,
Nadarama sa 'yo ay 'di mababawasan.Kahit na tayo ay magkalayo,
Asahan na ako ay iyong-iyo,
Kahit na tayo ay hindi magkita,
Ikaw lang ang aking sinta.Makakaasa na matiyagang maghihintay,
Pag-ibig na alay ko ay walang kapantay,
Pag-ibig ko ay walang limitasyon,
Puso kong ito ay sa 'yo pa rin ang direksyon.Asahan na ika'y hindi malilimutan,
Nadarama para sa 'yo ay iingatan,
Pagkakatandaan ako ay iyong iyo,
Ang puso ko ay titibok lamang para sa 'yo.
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji
PoetryAng mga tulang nakapaloob dito ay alay ko para sa nararamdaman ng bawat karakter ng istorya ni Maxinejiji na LOVE WITHOUT LIMITS. Ang ilang tula rito ay SPOILER din sa bawat kabanata ng istorya. Album 4 Rank 1 in Love without limits. 05/21/20 ...