EPILOGUE

373 7 0
                                    

Yaz feel be like

Sa lakas ng iyak ni Maximilienne,
Kahit antok pa ako ay bumangon na rin,
Sa aking tabi ay napatingin ako,
Tulog na tulog ang asawa ko.

Dati-rati s'ya ang unang nagigising sa amin,
Kapag umiiyak ang kambal namin,
Hindi s'ya pumasok ng anim na buwan,
Kaya labis ko s'yang pinasasalamatan.

Lumapit ako sa kuna ni Maximilienne,
Kinarga ko s'ya para patahanin,
Baka magising ang kakambal n'ya,
Mabuti na lamang ay tumahan na s'ya.

Sa bintana ako ay napatingin,
Bukas iyon, pati aircon ay nakasindi rin,
Kaya naman kay Maxwell napalingon ako,
Hindi ko alam kung bakit kinakabahan na ko.

Si Maximillian wala sa kuna n'ya
Si Maxwell ay ginigising ko na s'ya,
Hanggang may nahagip aking paningin,
Isang tao nakatalikod sa akin.

Hanggang sa magtagpo aming paningin,
Sino s'ya nagawa kong tanungin,
Umangat lang sulok ng labi n'ya,
"You'll die if I tell you", kinalibutan ako sa kanya.

Umiyak na muli si Maximilienne sa bisig ko,
Si Maximillian sa kuna ay inihiga n'ya ito,
Tinanong ko muli kung sino ba s'ya,
May kung ano sa titig n'ya.

Nagising si Maxwell at tinawag ako,
Pati ito natigilan sa matandang babae na kaharap ko,
Yaz Moon ang tawag na n'ya sa akin,
Dahil doon tila tanong ko ay nasagot na rin.

Naluluhang tinawag ni Maxwell ito,
Cheotjae ang tawag n'ya rito,
Maji ang tawag nito sa kanya,
Kaya batid ko na kung sino s'ya.

Nang muling magtagpo ang aming paningin,
Sa kanya ako ay tumango na rin,
Hindi ko na rin napigilan aking emosyon,
Halo-halo na nang sandaling iyon.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon