CHAPTER 1

218 74 90
                                    

CHAPTER 1 - Airport Girl

Kian's POV

I don't know what's happening to me. Hindi siya mawala-wala sa isipan ko.

The moment I saw her, I felt a connection. Feeling ko, she's special to me. I don't exactly know what I'm talking about. Basta parang parte siya ng buhay ko.

I can't help but to think about her beautiful small face, her mesmerising grey eyes, her perfectly light brown hair, her glowing white skin, her pink lips, her thick eyebrows, her long eyelashes, her-

"Hey bro! Earth to Kian! Are you that tired na aabot sa point na hindi mo na ako papansinin?" Llian, my little brother.

"I'm sorry. What were you saying?" Kian! Gumising ka nga! Hindi ako makapaniwala na iniisip ko ang babaeng yun! Please shrug those thoughts off!

"Never mind." Nagkibit-balikat si Yan. "Ako na lang ang pipili ng resto kung saan tayo kakain."

"Okay." Pagsang-ayon ko.

"But bro, what were you thinking? You were preoccupied kanina. Naging tanga na ako dito kakausap sa hangin." Nagtatakang wika ni Yan.

"It's nothing." Sabi ko nalang. Heck! Why would I tell him that I'm thinking of another girl. Baka asarin niya lang ako. Sigurado ring—nevermind. "Tara na nga, I'm hungry."

"Sure bro." 

So we went to a restaurant nearby. One thing that I like here sa Philippines is the food. The food here is very classy and exceptional. Gustong-gusto ko dito sa Pilipinas kaso ayaw ng parents ko. Kaya the past few years, I was stuck in Australia. They won't simply allow me. Marami daw ang mga criminal cases dito, but for me, wala naman sa'kin yun. Wala kayang perfect country. Kahit nga developed countries ay marami ring mga criminal cases.

Si Yan nga pinayagan nila, bakit ako hindi? Unfair right? Anyway, buti nalang napapayag ni Yan sila mom and dad na dito na ako mag-aaral sa last year of college ko.

Si Yan, since fourth year college na rin siya, nag-aaral siya sa McKenzie University dito sa Pilipinas. Papayagan ako ng parents ko basta doon lang din daw ako mag-aaral sa pinapasukan ni Yan, which is McKenzie University. Wala naman akong problema dun kaya doon na ako nag-aaral ngayon. Actually, last week pa ako pumasok dun.





~McKenzie University~

First impression sa McKenzie University? World class. I like how the school is designed. Hindi siya masikip. Feel at home kaagad ako dito.

Nasanay na rin ako sa reaction ng mga students dito everytime they see me.

Unang tapak ko palang, nagbubulungan na agad ang mga babae dito at parang gwapong-gwapo sila sa akin. For clarifications, I'm not a playboy. Ayaw kong nakikitang umiiyak o nasasaktan ang mga babae. I really respect them.

Not to brag, but everybody see me as a heartthrob.

"Dude!" Rinig kong tawag sa'kin ni Lake.

"Buti nandito na kayo. Kanina pa namin kayo hinihintay." Sambit ni Leil at tinapik kami ni Yan sa balikat.

"Traffic eh." Ani Yan.

Naglakad na kami papunta sa mga rooms namin. But we stopped suddenly sa hallway.

"Guys! Look! Tignan niyo. Dali!" Lux said while pointing at somebody.

"Bagong student? Transferee?" Namamanghang ani Lake.

"Tss. Don't tell me that you're already interested sa kaniya? Hindi mo pa nakita yung mukha inlababo ka na agad?" Natatawang pang-aasar ko.

"KJ mo naman Kian! Ang ganda niya kaya kahit nakatalikod!" Pagtatanggol ni Lake.

Ang Girlfriend Kong TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon