CHAPTER 42 - Happy Birthday
Kian's POV
Maaga akong nagising. Pupuntahan ko kaagad si Elle sa hospital.
"Bro, aalis ka na?" nakangiwing tanong ni Yan habang kinakamot ang kaliwang mata. Halatang kagigising palang nito.
"Oo, bro. Una na muna ako." Nginitian ko siya ng tipid.
"Geh. Happy birthday pala, bro." Tinapik ni Yan ang balikat ko.
"Salamat."
"Bibisita nalang ako mamaya sa hospital pagkatapos kong maligo."
"Geh." ani ko, tapos tumango.
Papunta na ako ngayon sa hospital.
Sila mommy at daddy pala, bumalik na sa Australia isang araw matapos ang aksidente ni Elle. May kailangan daw silang asikasuhin doon.
Pagdating ko sa kwarto ni Elle, binati ko kaagad sila tita at tito. Hinalikan ko din ang noo ng mahal ko.
"Happy birthday, love," nakangiting bati ko sa kanya. "Please," unti-unting nawala ang aking mga ngiti at parang gusto ko nalang umiyak. "Gumising ka na."
"Ijo, pwede bang ikaw lang muna ang magbatay sa princesa namin?" nagpakawala ako ng malalim na hininga at lumingon kay tito.
"Sige po, tito. Ako na po ang bahala kay Elle."
"Salamat, ijo. Babalik kami kaagad. Uuwi lang kami sa bahay sandali." Nakangiting sabi ni tita.
"Ah, sige po." Sinuklian ko naman ng magandang ngiti si tita.
"Alis na kami. Happy birthday, Kian, ijo," pagbati sa'kin ni tito at niyakap ako.
"Happy birthday, ijo," bati naman ni tita at hinalikan ako sa pisngi.
"Salamat po tita at tito," sagot ko.
Umupo na ako sa tabi ni Elle. Pinagmasdan kong mabuti ang mukha niya. Please love, hindi bagay sa'yo ang matagal matulog. Gumising ka na.
Umupo ako sa tabi ni Elle. Hinawakan ko ang kanyang kamay.
"Love, nandito na ako. Happy birthday, mahal ko. Please, gumising ka na. Samahan mo naman ako oh. Birthday natin ngayon kaya please gumising ka na. Matagal ka na diyang natutulog. Kung galit ka sa'kin, patawad. Maniwala ka, hindi naman kita sinipot sa D's Café para makipagkita sa ibang babae. Ginawa ko lang naman 'yun dahil iyon ang kondisyon para hindi na tumutol sila mommy at daddy sa relasyon natin. Please, patawarin mo ako. Pero bago yun, gumising ka na."
Bigla namang bumukas ang pinto.
Si Yan na ba 'yan?
Laking gulat ko nang makita ko kung sino ang bisitang dumating.
"Mom?" napatayo ako bigla. Tiningnan ko siya na puno ng pagtataka.
"Kian," nakangiting sabi ni mom.
"What are you doing here, mom?"
"I'm visiting Elle." Totoo ba 'to? Parang kailan lang, tutol pa siya sa'min ni Elle. Ba't ngayon parang masaya siyang makita kaming dalawa ni Elle? Wala naman siyang ibang plano diba?
"Kailan ka po dumating? I thought you're in Australia."
"This morning. Umuwi ako dito because it's your birthday." Umupo naman siya sa couch na nandito at pinagkrus ang dalawang hita.
"You don't have to do that, mom."
"Yes, I should," naka-taas ang kilay na sabi ni mommy. "Anyway, how's your girlfriend? Is she okay now?"
![](https://img.wattpad.com/cover/226095313-288-k104117.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Tomboy
Fiksi RemajaNaniniwala ba kayo sa kasabihang "Pagbalik-baliktarin man ang mundo, kung ang dalawang tao ay nakatadhana para sa isa't isa, magtatagpo at magmamahalan sila?" Paano kung pinaglaruan sila ng tadhana? Pinagtagpo ngunit naging malabo. Pinagtagpo ngunit...