CHAPTER 49

18 2 0
                                    

CHAPTER 49 - Bar

Kian's POV

Matapos ang mahabang nakakabinging katahimikan, naisipan kong ibuka ang bibig ko at magsalita. Parang naiilang na siya sa'kin kaya kakausapin ko siya.

Magsasalita na sana ako, biglang bumukas ang pinto ng opisina at may pumasok na dalawang tao.

"Z!" Masiglang sigaw ni Jiyo. Agad naman itong lumapit sa pinsan niya at niyakap ito nang mahigpit. Bakas ang tuwa sa kanilang mga mata.

Matapos ang ilang sandali, ibinaling nila ang tingin sa kinaroroonan ko. Nagulat sila nang makita ako at agad naman itong napalitan ng galit at inis.

Tumayo ako bilang paggalang at pagbati sa mga bagong dating.

Shit!

Kinakabahan ako sa mga tingin nila. Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa ako nakahandusay sa sahig.

Hinawakan ni Lui ang braso ni Elle.

"Kian?" Naguguluhang tanong ni Jiyo.

"Anong ginagawa mo dito? May gana ka pang magpakita sa pinsan ko? Gago ka! Hindi ka pa nahiya?" Sigaw ni Lui na halatang galit sa'kin. Tumagis ang kaniyang bagang at hinila si Elle papunta sa likod niya.

"Lui, it's okay. Don't be mad at him. He's here for a meeting." Paliwanag ni Elle habang pinipigilan ang kaniyang pinsan na makalapit sa'kin.

Wala akong nagawa kundi yumuko.

"Lui, please calm down. Jiyo, please take your brother outside lang muna. Susunod ako." Pakiusap ni Elle kay Jiyo.

"Are you sure you're okay, Z? Hindi ka ba—" Puno ng pag-aalalang sabi ni Jiyo.

"Yes. Please, Jiyo. Lui, it's okay. I can handle this." Pagbibigay ng kasiguraduhang ani Elle.

Napatango nalang si Jiyo na halatang nag-aalala.

"Lui, you heard Z. Tara na. Let's go na muna. Z, sa bahay mo nalang tayo mag-usap." Sambit ni Jiyo. Tumango si Elle bilang sagot.

Si Lui ay masama pa rin ang tingin sa'kin. 

"No, Jiyo. I won't let this bastard go near Z again. Baka may gawing kagaguhan nanaman 'yang gagong lalaking 'yan." Madiin na sabi ni Lui habang matalim na nakatitig sa'kin.

"Lui, it's okay. I can handle this. I'll be fine. Sumunod ka na kay Jiyo. We have to discuss something. Para rin naman 'to sa kompanya." Kalmadong pagkumbinsi ni Elle.

"Kung may gawing kagaguhan ang lalaking yan, tawagan mo lang ako." Sabat ni Lui habang nakaturo ang daliri sa'kin. Tumango naman si Elle.

Lumabas na rin silang dalawa.

Isinara ni Elle ang pinto at muling bumaling ng tingin sa'kin. Ang mga tingin niya ay parang humihingi ng paumanhin sa nangyari kanina.

"I'm sorry about that." Paumanhin niya.

"It's okay. I deserve it. Totoo naman ang sinabi nila." Napabuntong-hininga nalang siya at umupo ulit sa kinauupuan niya kanina.

Hindi ko rin mapigilang malungkot.

Hindi ko inaasahan na ganito pala ang mangyayari ngayong araw. Ang malas ko naman. Tadhana, tulungan mo naman ako oh! Makisabay ka naman sa'kin. Wag mo naman akong pahirapan ng ganito.

Hindi kami nakapag-usap ni Elle tungkol sa dapat naming pag-usapan sa araw na 'to.

Tumawag kasi ang asungot kaya nagmadaling umalis si Elle.

Ang Girlfriend Kong TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon