CHAPTER 45 - Farewell
Elle's POV
I already told my parents about me going back to Europe. We had a long talk. They now know that Kian and I have broken up.
Now, I'm meeting my friends to say goodbye. I want to spend the day with them. Malaki na rin ang atraso ko sa kanila.
I'm now on my way to D's Café.
Pagdating ko, the three of them are already there. Shiloh, Lav, Tauri. I smiled at the sight of them.
My lovely girls...
"Elle!" They said my name in unison. Tumayo silang tatlo at nagbesobeso kami. They smiled at me, pagkatapos ay umupo na kami sa sarili naming mga pwesto.
Nag-order muna kaming apat bago kami nagsimulang mag-usap.
"Elle, are you okay? I heard what happened between you and Kian." Shiloh worriedly said. My heart started to ache again upon hearing his name. I still can't hide the sadness. "I'm sorry, beh, ha kung hindi kita nadamayan kaagad. Kailangan ko kasing bisitahin sila lola sa America."
"No, it's okay. Naiintindihan ko naman. Besides marami na akong utang sa inyo." I said.
"Beh, I'm sorry. Kamusta ka na?" Pag-aalala ni Shiloh.
"I'm much better now." I lied. I faked a smile to hide my bitterness, but I doubt they'll buy it. They still looked at me with worry.
Hinawakan ni Lav ang braso ko at hinimas-himas ito. "Nandito lang kami para sa'yo. Hindi mo kailangang itago yan sa'min. Hindi ka namin pababayaan."
"Thanks Lav. And I'm sorry for not remembering you girls at once. Tauri, Lav, I'm sorry. And you too, Shiloh. I'm sorry for forgetting my most wonderful girls." I held their cheeks.
"Kami dapat ang mag-sorry sa'yo, Elle. Sorry kung nagalit kami kaagad sa'yo. We'll make it up to you." Tauri held my hand.
"Lav, Tauri, sorry din ha? Sorry kung hindi ko sinabi sa inyo agad na may amnesia si Elle. Ayaw kasing ipasabi ni tita Xio sa iba." Shiloh said apologetically.
"It's okay, Elle. We understand." Lav said while smiling.
"Naku, ba't parang naiiyak ako?" Tauri said habang pinapaypayan ang kanyang mga mata gamit ang kaniyang kamay. Tumawa naman kaming apat.
"Oo nga, ang drama queens talaga natin." We laughed at Lav's comment. Well, walang nagbago. Mas gumanda lang sila.
Pinagmasdan ko silang tatlo habang nagtatawanan. My beautiful girls.
"Let's not break up again okay?" Shiloh said and looked at each one of us.
"Yes, stay strong!" Lav said proudly while showing her muscle.
"Girls, thank you sa lahat ha?" I told them. Gosh! My eyes are now watery.
"Hala, why am I crying? Elle naman kasi!" Tauri said to me. Pinalo niya pa ang balikat ko. I smiled at them.
"And I'm sorry if I'm saying goodbye to you again." Napatingin silang tatlo sa'kin. Walang nagsalita at parang nag-aabang sila sa sunod kong sasabihin. Puno ng pagtataka ang kanilang mga mukha.
"Anong goodbye? Are you going somewhere?" Lav asked with her eyebrows creased.
"Yes, to Europe. I want to forget the pain. Naisipan kong bumalik muna sa Europe for the mean time. Doon lang muna ako hangga't okay na ako." Sabi ko na may halong lungkot.
I know these girls. Kung wala kami sa public, kanina pa 'to sila umiyak. Kahit ako, gusto ko na ring umiyak pero pinipigilan ko lang. Ngayon ko na nga lang naalala ang mga alaala kasama sila, ngayon pa ako aalis.

BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Tomboy
Fiksi RemajaNaniniwala ba kayo sa kasabihang "Pagbalik-baliktarin man ang mundo, kung ang dalawang tao ay nakatadhana para sa isa't isa, magtatagpo at magmamahalan sila?" Paano kung pinaglaruan sila ng tadhana? Pinagtagpo ngunit naging malabo. Pinagtagpo ngunit...