CHAPTER 32 - Who is she?
Kian's POV
Nakakainis!
Kasama si Maze at MK sa mga exchange students na pupunta sa Red Tiger's University. Bakit silang dalawa kasama?!
Kung pwede lang ako sumama, edi kasama na ako ngayon. Hindi rin naman ako pwedeng makipagpalit sa ibang mga exchange students ng MKU kasi baka ako pa yung ma-kick out dito. Kayo kaya, yung may-ari kaya ng MKU ang kausapin niyo. Wag nalang.
Bale lima silang exchange students. Si Maze, MK, Clark McKenzie, Dane McKenzie, at Dale McKenzie. Pwedeng padagdag ng Killian Smith?
Mga pre, hindi ako mapakali dito lalo na't kasama ni Maze ang karibal ko.
"Class dismissed."
Yes!
Makakalabas na ako!
Tumakbo ako agad papunta sa sasakyan ko. Nagdrive ako agad papunta sa RTU.
Dito lang ako palaging naghihintay sa main gate ng RTU.
Ilang linggo ko na ring ginagawa 'to. Araw araw akong nandito. Minsan, yung sasakyan ni Yan ang gamit ko para hindi mahalata ni Maze. Minsan naman, naglalakad lang ako papunta dito. Umaalis na ako kapag sinusundo na siya ni Lui. Basta hindi lang ako nagpapakita sa kanya.
Ngayon, nandito lang ako sa may gate nila nakasandal. Sa tingin ko hindi naman ako mahahalata kasi iniba ko ang panamit ko plus mask at cap.
"Ijo," napalingon ako sa dumating na lalaki. Hindi ako sure kung matanda ba siya o hindi. Nakamask at sumbrero din eh. "Anong ginagawa mo dito?"
"A-ako ho?" tanong ko habang tinuturo ang sarili at tinitignan ang nasa likod. Tinanguan ako ng matandang lalaki. "May hinihintay lang po. Hehe," sabi ko habang kinakamot ang ulo. Tumabi yung matandang lalaki sa'kin. Mukhang matanda naman yung boses niya.
"Ganun ba? Sino ba iyan ijo? Girlpren mo?" natatawang anas ng matandang lalaki.
"Ah hindi po. Iniiwasan ako eh. Pero siguro, magiging girlfriend ko din yun sa susunod," nag-iwas ako ng tingin at napangiti. Tumawa naman yung matanda.
"Sino ba yan ijo?" nang-uusisang tanong ng matandang lalaki.
"Secret lang natin 'to ho ah. Si Maze po ang pangalan ng babaeng mahal ko," malapad ang ngiting ani ko.
"Hmm," umasta siyang nag-iisip. "Eh ijo, sinubukan mo na bang ligawan siya?" nakataas ang isang kilay habang nakangiwing sabi ng matandang lalaki.
"Hindi pa po eh. Natatakot akong tuluyan na siyang mawala sa'kin. Hindi pa nga po ako nakapag-amin sa kanya dati, panay iwas na siya. Paano pa kapag manligaw na ako sa kanya?" napakamot ako sa batok ko.
"Ijo, hindi mo ba naisip na baka iniiwasan ka niya kasi mahal ka rin niya?" sabi ng matanda habang pinuwesto ang kaniyang isang braso sa balikat ko.
"Ho?" pwede pala yun? "Eh bakit naman po niya ako iiwasan kung mahal niya ako? Eh alam din naman niyang mahal ko rin siya?"
"Baka natatatakot lang siya ijo. Wag kang sumuko," tumatangong anas ng matanda. Natatakot sa'kin? Eh ano ako? Aswang? Hindi naman ako pumapatay ng tao ah.
"Hindi naman po talaga ako susuko."
"Mabuti yun ijo," dinuro niya ako sa mukha ko. "Yun nga lang, sobrang bagal mo," sabi ng matanda tapos tumawa.
"Ano ho yun?" parang nabingi yata ako sa sinabi niya.
"Mabagal ka. Mauunahan ka ng iba. Tsk tsk. Lakasan mo na kasi ang loob mo. Hindi patago tago ka pa dito sa may gate. Isipin mo nalang na naglalaro kayo ng tagutaguan. Ngayon, ikaw ang taya. At nasa iyo na kung paano mo mahuhuli ang minamahal mo. Diskarte lang yan. At ikaw ijo! Walang diskarte! Puro lang katorpehan!" dinuro nanaman ako ng matanda at umiling pagkatapos sabihin 'yon.
"Grabe ka naman po. Ang sakit mo naman pong magsalita. Hindi naman ho ako torpe. Umamin na nga eh." Napanguso ako.
"Saan yung mas masakit? Yung mga binibitawan kong mga salita o makita mong may iba ang Maze mo?" nakangising aniya.
"May point. Eh anong dapat kong gawin sir 'adviser'?" nginisihan ko siya pabalik habang binibigkas ang huling salita.
"Ba't hindi mo siya dalhin sa lugar na gusto niya? Basta gamitin mo 'yang utak mo para mag-isip ng mga paraan na hindi ka niya matakasan."
"Sige ho. Salamat?" patanong kong tugon.
"Walang anuman. Sa susunod, balitaan mo nalang ako kung nagkatuluyan na kayong dalawa. At ijo, ayaw ko nang makita kang palaging nagmamasid sa dalagang iniibig mo. Babatukan kita sa susunod! Why don't you try approaching her?" ay, fluent pala si lolo mag-english.
"Sige po. Salamat ulit" nakangiting ani ko.
"Oh siya, alis na ako ha. Marami pa akong gagawin. Mauna na ako ijo. Mag-ingat ka. Goodluck sa'yo!" busy pala, pero may panahon pang maki-osyoso sa pinagdadaanan ko. Haha.
Uy, ayun na si Maze.
Pagkatapos ko siyang makitang makaalis, umuwi na ako sa bahay.
Mmmmmm, ano kayang pwede kong gawin? Siguro hulog ng langit si lolo kanina. Masakit nga lang magsalita.
~Kinabukasan~
Nandito nanaman ako sa labas ng RTU. Pero hindi na ako tumambay doon sa may gate. Mahirap na, baka makita pa ako ni lolo. Baka mabatukan pa ako.
Dito ako naghintay sa sasakyan ko.
Sinundo na ni Lui si Maze. Panatag na ang loob ko.
Papaalis na sana ako nang makita ko si MK na may kasamang babae. Yung babaeng nakita kong kasama niya sa Café. Medyo malayo yung sasakyan ni MK kaya hindi ko masyadong makita yung mukha ng babae.
Nag-uusap sila ngayon. Lumabas ako sa sasakyan ko para makalapit sa kanila.
Dahil kinakain na talaga ako ni kuryusidad, wala na akong pake. Papasok na yung babae sa sasakyan kaya tumakbo ako papalapit sa kanila at iniharap ko sa'kin yung babae.
Laking gulat ko kasi—
"Elle?!"
"Kian? Anong ginagawa mo dito? Why are you here?" nagtatakang wika ni Elle. Lumapit naman si MK sa'min.
"Kian, ba't ka nandito?" kunot-noong tanong ni MK.
"Ba't kayo magkasama? Niloloko mo ba si Maze ha MK?!" sigaw ko. "Eh gago ka pala eh!" Tinulak ko si MK. Wala akong pakialam. Sinasaktan niya ang babaeng mahal ko. He don't deserve Maze. Ang sakit lang isipin kasi pinili siya ni Maze pero ano?! Gago!
"Kian, stop it. Tumigil ka na. Wag mong saktan si MK!" awat ni Elle.
"Talaga lang ha? Akala ko ba kaibigan mo si Maze?" baling ko kay Elle.
"Kian, it's not—"
"Hayaan mo siya Elle. Umalis na tayo," sinamaan ako ng tingin ni MK.
"Sandali!" natigil naman silang dalawa. "Sino ba talaga ang may-ari ng kwintas?" mukhang nagulat si Elle sa sinabi ko. Nagtinginan sila ni MK. Siya ba ang may-ari?
"Tara na Elle," sumakay na silang dalawa sa sasakyan. Nakng!
Umalis na sila. Leche! Mga gago sila!
Sumakay na ako sa sasakyan ko. Umuwi na ako agad sa bahay.
Kailangan kong makausap si Maze.
Hindi na maaaring magpatuloy 'to.
Kailangan kong sabihin na niloloko lang siya nila MK at Elle.
Hindi ko hahayaang masaktan ka Maze. Itaga mo 'yan sa bato.
— — — — —
To be continued.....
— — — — —
A/NHej!
Sana nagustuhan niyo ang chapter na ito. Abangan niyo po ang susunod na kabanata kasi doon matutuklasan ni Kian ang— SECRET! See yah in the next chapter!
Don't forget to click the star button! Comments are appreciated, but please be polite in doing so.
Please be careful and thank God for all the blessings received.
Sending lots of love and positivity to all of you!
UsuallyUnusual,
10aqua19
![](https://img.wattpad.com/cover/226095313-288-k104117.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Girlfriend Kong Tomboy
Teen FictionNaniniwala ba kayo sa kasabihang "Pagbalik-baliktarin man ang mundo, kung ang dalawang tao ay nakatadhana para sa isa't isa, magtatagpo at magmamahalan sila?" Paano kung pinaglaruan sila ng tadhana? Pinagtagpo ngunit naging malabo. Pinagtagpo ngunit...