CHAPTER 30

22 10 0
                                    

CHAPTER 30 - Talo

Kian's POV

Hinahanap ko ngayon si Maze. Halos buong campus libutin ko na pero hindi ko pa rin siya makita.

Last stop, dito sa park ng school. Siguro nandito siya.

Ay aba! Mukhang tinataguan nanaman ako nito. Kahit dito sa park, hindi ko pa rin siya makita.

Wala akong pakialam kung naiinitan at nasisikatan ako ng araw.

Mahilig si Maze tumambay sa bench na nasa ilalim ng puno kaya yung mga bench muna ang inuna kong pinuntahan.

Habang naglalakad ako papunta sa isang bench, may nakita akong pamilyar na pigura.

Isang babae at isang lalaki.

Nakatalikod silang pareho.

Nakahawak ang babae sa kamay ng lalaki.

Tumatakbo silang dalawa.

Ang masakit lang kasi ang babae ay si Maze at ang lalaki ay ang karibal kong si MK.

Masakit man pagmasdan, sinundan ko pa rin sila. Dito lang ako nakatago sa isang puno. Nakaupo sila sa mga damo na parehong hinihingal.

Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila. Pero nakikita kong magkalapit sila. Leche! Mamamatay yata ang puso ko kakamasid sa kanila. Para akong nanunuod ng isang pelikula na ginawa para lang sa'kin. Yun nga lang, ako lang ang nasasaktan.

Wala naman akong magagawa dito. Umalis na lang ako.

Pero hindi pa rin ako susuko.

Hinding hindi ako susuko.

Baka kailangan lang ni Maze ng oras. Hindi naman diba ibig sabihin na sa tuwing nag-uusap sina Maze at MK ay si MK na ang mahal niya.

Tinapos ko ang lahat ng klase ko. Nakakatawa. Pumasok nga ako, pero iba naman ang nasa isip ko.

"Bro, kanina ka pa tahimik ah" inakbayan ako ni Yan at tinitigan sa mukha.

"Oo nga. Silent mode yata 'tong si Kian ngayon" sabi ni Leil. Pinatong niya ang siko niya sa lap niya at pinatong yung mukha sa dalawang palad at matiim na tumitig sa'kin.

"Baka may pinagdadaanan" sabi ni Lux na ginaya si Leil.

"Baka nabusted" sabi naman ni Ran at ginaya sila Lux at Leil.

"Ayun! Bullseye!" sumuntok si Lake sa hangin. "Yan yata ang sagot diyan. Baka nga nabusted" tatawa-tawang ani Lake.

"Mga ulol! Tumahimik nga kayo! Walang nabusted noh" binatukan ko yung tatalong nagpapacute.

"Ba't para kang batang inagawan ng candy?" binalik ni Lux ang kanina niyang posisyon.

"Hindi ah. Binibigyan ko lang siya ng oras" nag-iwas ako ng tingin.

"Naku tol, delikado yan. Baka maunahan ka pa" umiiling na wika ni Ran.

"Tss. Mauna na kayo. Susunod ako"

"Sus, ito naman. Basta nandito lang kami kapag may problema ka. Sabihin mo lang, reresbakan namin" tunatangong ani Leil.

"Geh. Una na kami." tumayo na sila. "Sumunod ka ha. Wag matagal" dinuro ako sa mukha ni Lake.

"Una na kami bro" sabi ni Yan sabay tango.

"Geh" tinanguan ko sila.

Kinuha ko muna ang mga gamit ko sa locker.

Paalis na sana ako kaso nakita ko si Maze.

Nagkatinginan kaming dalawa. Magkaharap kaming nakatayo.

Ang Girlfriend Kong TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon