♠99♣

69 3 0
                                        

Susunod na araw ay napagisipan namin gawin ang plano, na una si Drake at Gabriel para puntahan si Inspector Gonzaga at kunin ang mga files about fourty-four years ago, Si Trinity at Hazel ay nasa public library para maghanap ng information about sa history ng St. Pristine sa public library habang kami ni Nathan ay pumunta sa library ng school baka sakaling may makita kaming pwedeng makatulong

"Sabi ni Tita parte daw ng Journalists Club and magulang ko dati pero ang pinagtataka ko ay bakit hindi sila kasama dun sa video?" sabi ko

"Its possible na hindi sila sumama sa camping fourty-four years ago o di kaya nauna lang talaga sila maglakad" sabi niya kaya nagkibit balikat ako at tiningnan ang mga kinuha niyang libro at nagtaka ng makita ang isang libro about sa Political Law

"Nathan-" naputol ang sasabihin ko ng may mahulog na papel na nakaipit sa libro "Bakit?" tanong niya habang inabot ko ang papel sa paanan ko at binuksan.

Eth raey nehw aneer sevache deid

Ano toh? Kumunot ang noo ko sa nakasulat "Ano toh?" tanong ko "Try reading the words backwards" sabi ni Nathan kaya kumuha ako ng papel at ballpen.

The year when reena echaves died

"The year when Reena Echaves died? 1976" sabi ko "Check the newspapers that was published fourty-four years ago" sabi niya kaya tumango ako bago tumango, pumunta kami kung saan nakalagay ang mga newspapers simula 1976

"Heto" napalingon ako sa kanya na nakaangat ang kamay na may hawak na papel "Anong nakalagay?" tanong ko at lumapit sa kanya habang binubuksan ang papel.

Rebmun fo smitciv ni eth yretsym fo pmac enitsirp

"What does it say?" tanong ko "Number of victims in the mystery of camp Pristine" sabi niya "Limang babae ang nawala fourty-four years ago" sabi ko kaya nagkatinginan kami

"Baka hinahanap niya ang pangalan ng mga biktima" sabi ko "We need to borrow a computer" sabi niya kaya pinuntahan namin ang mga computer at tinaype ang 'The girls who went missing in St. Pristine fourty-four years ago in a school camp' pero ang nakalagay lang ay 'Search not found'

"Anong ng gagawin natin?" tanong ko "I'll ask Drake, baka nakuha na nila ang files mula kay Inspector Gonzaga" sabi niya at kinuha ang cellphone niya sa bulsa ng pantalon at spineaker ang tawag

"Drake" sabi ni Nathan ng sinagot ni Drake ang tawag "Napatawag ka?" tanong ni Drake sa kabilang linya

"Can you send me the victims in the mystery of camp Pristine fourty-four years ago?" tanong ni Nathan "Sige ba, I'll give it to you via email" sabi ni Drake bago binaba ang tawag

"Who do you think are making this clues?" tanong ko "I don't know but that someone wants to help us" sabi niya kaya natahimik ako, tiningnan niya ang cellphone at pinakita sakin.

From: Torpe

Rhyane Padilla

Anne Lopez

Karla Lorbes

Joanna Abion

Myka Del Mundo

"Torpe talaga ang pangalan niya?" tanong ko at tumawa "Torpe naman talaga siya ah?" sabi niya kaya napailing ako at tinaype ang pangalan ni Rhyane Padilla.

Lumabas yung picture niya nung na bubuhay pa siya at picture nung camp.

The 16 years old, Rhyane Padilla. Suddenly went missing while in a school camp in St. Pristine with four other girls, Rhyane Padilla went missing at the third day of the school camp and was never found since.

Third day? Anong date yun? Tiningnan ko pa ang ibang article ng mga biktima at sinulat ang date kung kailan sila nawala.

September 2, 1976

September 5, 1976

September 8, 1976

September 11, 1976

September 14, 1976

Napaawang ang bibig ko ng malaman ko ang pagkakaiba sa date "Dalawang araw ang pagitan nila" sabi ni Nathan kaya napatango ako

"So may kinalaman ang numerong two?" sabi ko at kumunot ang noo, ano naman ang importante sa two?

"Gabriel said something about number two, nakalimutan ko lang kung ano" sabi ni Nathan kaya bumalil sa isip ko yung mga pinagsasabi ni Gabriel sa kotse, oo nga noh?

"St. Pristine's fall!" sabi ko and snapped my fingers "Yun ang kwinekwento ni Gabriel, about the St. Pristine's Fall in the early 1980's, may nagsunog daw ng St. Pristine na estudyante dahil ayaw niyang mag-exam" sabi ko

"The fire lasted for two days, right?" sabi ko kaya tumango siya pero bumalik ang kunot noo ko "Pero anong kinalaman naman nun dito?" tanong ko

"There's a book about that, it tells the story of the boy who set the school on fire" sabi niya, in-erase ko ang search history at tumayo para sundan siya

"If St. Pristine was set on fire, saan nila nakuha ang mga gamit dito ngayon?" tanong ko "Rine-renovate ang library nun kaya inalis na muna ang lahat ng gamit" sabi niya kaya napatango ako, may hinahanap siya sa gilid ng book shelf

"Eto yun" sabi niya at kinuha ang isang libro kaya tiningnan ko "The Fall" pagbasa ko ng title, may kinuha siyang papel na nakaipit sa pagitan ng mga papel at binuksan yun.

A koob erehw eth yrots si dlot, eth moor erehw eht seiromem yal dna eth esac erehw eth yrots sdlofnu.

Inayos ko ang nakasulat at kumunot ang noo ko sa na basa "A book where the story is told, the room where the memories lay and the case where the story unfolds" pagbasa ko and something clicked into me

"Tinutukoy ba nito ang Journalists Club?" tanong ko "'The book where the story is told' baka tinutukoy nito ang isang libro kung saan nakasulat ang storya ng nakaraan, 'the room where the memories lay' its possible na tinutukoy dito ang Journalists Clubroom and 'The case where the story unfolds' then it must be Reena Echaves's case" sabi niya kaya napatango ako

"Then were going to the clubroom?" sabi ko kaya tumango siya. Lumabas kami ng library at pumunta sa high school building at pumasok ng clubroom

"Where can we find it?" tanong ko "Do you know where Trinity found the tape and player?" tanong niya kaya linibot ko ang paningin

"Andito ata yun" sabi ko at pumunta sa pinakagilid ng clubroom at hinalukot ang mga box na nakapatong-patong hanggang sa mahagip ng mata ko ang isang notebook na halata mong luma na

"Ito ba yun?" tanong ko at pinakita sa kaniya ang notebook "Try that" sabi niya kaya umupo ako at binuksan ang notebook

"Journalists Club's Misfortunes and Adventure" ang nakasulat sa front page pero sa iba nakatuon ang atensyon ko

"Nathan, magkaparehas ang handwriting" sabi ko at pinagtabi ang mga papel at notebook, whoever the one that wrote this Journal is the one helping us.

Breaking The Code: The Hidden Project (Carnations Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon