♠102♣

62 3 0
                                        

Hindi na ako nakapagpigil at binuksan ang pinto at kita ko ang pagkagulat sa mata nila "A-Aggi" utal ni Will pero hindi ko pinansin ang sinabi niya

"Papatayin niyo si Charles?" tanong ko at mulhang natigilan ang kambal "Aggi listen" sabi ni Tyron at hinawakan ang braso ko na agad kong inalis

"No, bakit kasi hindi pa kayo umalis sa grupong yun?" tanong ko "Wala na kaming magagawa Aggi, they'll hunt us down para walang makaalam sa ginagawa nila" sabi niya

"Ron naman, I promised too, right? Pinangako kong hindi ko hahayaan na mapahamak kayo" sabi ko "Ron" pagsambit niya at napangiti

"You already remember us" sabi niya kaya tumango ako "Aggi the important thing here is your safe and alive because once you die everything dies with you" sabi niya kaya kumunot ang noo ko

"Ikaw lang ang makakapagtigil nito, pati kami walang magagawa" sabi ni Tyler na may hawak na itim na metal box "Ano yan?" tanong ko kaya lumapit si Tyron kay Tyler

"Its a piece of Lycana na tinakas namin" sabi niya at binuksan ang box at bumungad samin ang baby pink na tubig na nakalagay sa tig-isang injection

"Charlie was one of the malfunctions" sabi ni Tyron at tumingin kay Charlie kaya napatingin na din ako "Pagkatapos ng pagkawala mo at ng magulang mo everything went to chaos, Charlie suddenly collapsed at muntik ng mamatay when the doctors find out na ang tanging magpapabuhay at magpapaalis sa sakit niya ay ang monthly na paglagay ng Lycana sa katawan niya, seems like his body absorbed the Lycana at hindi sanay na wala ito sa katawan niya" sabi ni Tyler

"And after that pinilit nila kami na mag-training para protektahan ang project niya and made us kill" sabi ni Tyron

"You see Aggi, kung gaano kagulo ang buhay mo ganun din samin, we were raised in a dangerous environment and we were taught that nothing can save you in this world but yourself" sabi ni Will kaya natahimik ako

"So please stop anything that your planning, just let them do what they want" sabi ni Tyron "And what? Let them kill us one by one until they perfect that stupid project?" hindi ko na napigilan ang galit ko at na sabi ko na lang yun

"What do you suggest I do? Tumunganga lang kahit marami na ang namamatay? I don't want other people to feel the pain we suffered" sabi ko at mukhang natigilan sila

"Were leaving" sabi ko at hinila palabas si Nathan. Tumigil kami sa tapat ng kotse niya at dun lang ako nakahinga ng maluwag

"Are you okay?" tanong niya kaya pumikit ako ng mariin at bumuntong hininga before flashing him a smile "I'm okay" sabi ko then my eyes caught something

"Teka sina Drake ba yan?" tanong ko at tinuro ang dalawang tao na nakatago sa poste "Kasama niya si Trinity, anong ginagawa niyan diyan?" tanong ko

"Seems like their stalking someone" sabi ni Nathan at may tiningnan kaya sinundan ko ang tingin niya and it landed to two persons talking... Teka hindi, nagaaway ba sila?

Then biglang hinampas ng babae ang dibdib niya.. Yes, they are fighting. Napailing na lang ako sa kanila "Puntahan natin?" pangaaya ko kaya tumango siya, linapitan namin ang dalawang tumatago

"Sino kaya yan?" bulong ni Drake "Magiging Tito ka na Drake" pangaasar ni Trinity "Baliw, advance mo mag-isip" sabi nito sa kanya

"Girlfriend niya ata" sabi ko "Oo nga eh" sagot ni Trinity at pinigilan kong tumawa dahil mukhang hindi nila alam na nandito kami

"Well Inspector Gonzaga has taste in women" sabi ni Nathan sa gilid ko "I agree.. Teka nga!" biglang sabi ni Drake at liningon kami kaya ngumiti ako

"Hi" sabi ko "Bakit kayo nandito?" tanong niya "Andiyan yung ospital oh" sabi ko at tinuro ang building sa harap namin

"Yan yung sinasabi kong babae na nakita kong kasama si Inspector Gonzaga" sabi ko "Ako din" pagsangayon ni Trinity

"Bakit niyo ba sila sinusundan?" tanong ko "Nagpaalam kasi kanina si Kuya kaya nagtaka ako kung bakit kaya lihim ko siyang sinundan at nakibuntot naman ang isang toh" sabi niya at pinagningkitan ng mata si Trinity na tumawa

"Bwisit ka Dale Gonzaga!" inis na sabi ng babae at binatukan pa si Inspector "Aray! Wala ka naman ginagawa at nagugutom na ako" sabi ni Inspector at umiling

"Edi kumain ka ng magisa mo" sabi ng babae at inirapan siya "Eh sa ayaw kong kumain ng magisa, so please Christine just get inside the car" sabi ni Inspector habang nakahawak sa pinto ng kotse

"Anong magisa? Nasa bahay naman ako ah?" mahinang bulong ni Drake "Hmp!" sabi ng babae at nagpapadyak na sumakay ng kotse at hindi nalampasan ng mata ko ang lihim na pagngisi ni Inspector Gonzaga.

Hala ka! gumagaya na ata si Inspector Gonzaga sa kapatid niyang torpe ah? "Galawang Drake" pangaasar ko kaya sinamaan niya ako ng tingin hanggang sa makaalis na ang kotse ni Inspector kaya umayos na kami ng tayo

"So ang pangalan niya ay Christine? She's pretty" sabi ni Trinity na sinangayunan ko "Yeah, she's my brother's assistant" sabi ni Drake kaya napangiti ako

"Magkaparehas ata kayong taste sa babae Drake" sabi ni Nathan kaya natawa ako habang kumunot ang noo ng dalawa "Ha?" sabi pa nilang dalawa at nagkatinginan pa

"Amazona" sabi ko at kita ko ang pamumula ng pisngi ni Trinity at ang pagiwas ng tingin ni Drake, I see something suspecious here.

Is it possible na umamin na at last si Drake? Ang torpe ay hindi na magiging torpe? Napangisi ako sa tumatakbo sa isip ko

"I don't like that smirk of yours Agatha" sabi ni Drake at pinagningkitan pa ako ng mata kaya natawa ako at kita ko pa ang pag-iling ni Nathan telling me that alam niya kung ano ang nasa isip ko

"Alis na kami" sabi ni Nathan "Sabay kayo sa kotse diba?" sabi ko kaya tumango si Trinity "Goodluck then!" sigaw ko ng tuluyan na akong hinila ni Nathan papuntang kotse.

Sinimulan na ni Nathan ang kotse at sakto naman na nag-ring ang cellphone ko at kumunot ang noo ng makita ang isang unknown number at ramdam ko na masama ang pakiramdam ko pagkakita nun, a unknown number is a way to tell us that something is about to happen, something bad

"Hello?" pagsagot ko ng tawag "A-Agatha" naalerto ako ng marinig ko ang boses ni Apple "H-Help" utal niya bago binaba ang tawag and then my mind went blank and my lips slightly parted, Hive is starting war with me.

Breaking The Code: The Hidden Project (Carnations Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon