♠119♣

63 2 0
                                        

Pakiramdam ni Agatha na may tumabi sa kanyang tatlong tao habang hinihintay bumukas ang elevator

"God, I feel like I'm part of the FBI" napalingon siya sa nagsalita at nagulat ng makita si Trinity

"I really want to sleep" napalingon naman siya sa kabila at nakita si Nathan na naka-business suit at si Hazel na naka-lab coat gaya nila then realization hits her, napailing na lang siya habang nakangiti.

Bumukas ang elevator at lumabas ang lahat ng nakasakay kaya pumasok na sila "Its so hot in here" reklamo ni Gabriel sa ear piece

"Ang gulo mo kasi, umayos ka nga ng upo" singhal sa kanya ni Drake "Gutom na ako" reklamo ni Gabriel sa at boses palang nito ay alam mo ng nakanguso na ito

"Mabuti na lang aircon dito" pangaasar ni Trinity kaya mas lalong nagreklamo si Gabriel pero umayos sila ng posture ng bumukas ang elevator

"Tumahimik ka Gabriel" sabi ni Nathan havang naglalakad sila sa hallway "Maraming naka-bantay na tatlong guard, Inspector" sabi ni Agatha sa ear piece habang nakasilip sa isang pinto na may nakabantay na tatlong sundalo

"Sabihin mo na pinadala kayo ng boss nila para tingnan si Shantal" sabi ni Dale sa ear piece kaya tumango sila bago naglakad palapit ng pinto si Nathan ang nangunguna, pinigilan sila ng gwardya sa gitna, stopping them from walking further

"Pinadala kami ni boss" sabi ni Nathan at pinakita ang fake I.D na nakapangalan ay Jacob, tiningnan na muna sila ng isa-isa sa mata bago tumango

"Papasukin sila" sabi niya at tumabi silang tatlo at awtomatikong bumukas ang pinto.

Sinalubong sila ng madilim na silid na tanging ang mga linya sa pader ang liwanag nila at sa itsura pa lang ay alam na nila na Laboratory ito

"Walang mga researchers gaya sa labas" sabi ni Trinity "Secret project toh kaya wala talaga silang papapasukin na kahit sino dito" sabi ni Nathan

"Hindi ito ang hideout na linakihan ko, linipat si Shantal sa ibang Laboratory" sabi ni Agatha

"Maghiwalay tayo" sabi ni Nathan na sinunod nila agad.

[Agatha's Point of View]

Naghiwalay kami kaya linibot ko ang Laboratory at nakita ang mga test tubes, cubes at malalaking container na may nakasabit na mga malalaking tubes pero walang mga laman

"Trinity sinabi na ng babaeng researcher ang ginawa mo sa kanya at ngayon ay hinahanap ka, magpasalamat ka at hanggang ngayon tulog parin ang gwardya" sabi ni Drake sa ear piece

"Papupuntahin ko na diyan si Gabriel" sabi ni Drake "Wag. Baka pati kayo paghinalaan, stand by na muna kayo diyan" sabi ko sa ear piece

"Sige" sabi niya kaya pinagpatuloy ko ang paghahanap, kumabog ang dibdib ko ng makita ko ang kakaibang liwanag, bakit parang pamilyar ang liwanag na yan?

Dahan-dahan akong naglakad at napaawang ang bibig ng tuluyan ko na siyang makita, hindi parin nagbabago, gaya nung una ko siyang nakita ay tulog parin siya at nakahubad, maraming wires ang nakasabit sa katawan niya at pinapalibutan parin siya ng baby pink na tubig

"Woah" kahit hindi na ako lumingon alam kong si Trinity at ang nagsalita at sunod-sunod na silang lumapit "She's really alive" dun ako napalingon

"Gabriel?" gulat kong sabi "She really looks like you, Agatha" napalingon din ako sa nagsalita at kumunot noo ng makita si Drake "Teka, anong ginagawa niyo dito?" tanong ko

"Bigla kaming pinalabas sa sasakyan kanina, mabuti na lang nakatakbo kami" sabi ni Drake na naka-suot na ng lab coat

"Paano siya papalabasin diyan?" tanong ni Gabriel kaya inikot ko ang paligid at dumako yun sa isang tablet sa tabi ng container kaya linapitan ko ito pero ang pinagtaka ko ay ang pag-singhap nila pero hindi ko ito pinansin at pinagpatuloy hanapin kung paano mabubukas ang container

"Agatha.." lilingunin ko sana si Trinity pero natigilan ako ng makita kong her eyes slightly opened and traveled the whole place until it stopped with mine, she stared at me bago lumapit sa salamin at hinawakan yun then slowly smiled at me, I was breathless.

For ten long years, at last nagkita na ulit kami but with a dangerous life, hinawakan ko ang salamin kung nasaan ang kamay niya at sinandal dun ang noo ko and she did the same

"I'll save you, I promise" sabi ko bago lumayo, pinindot-pindot ko ang tablet, hoping it will open the container and suddenly may tumunog sabay ng pag-dahan-dahang pagbukas ng salamin at ang pagtulo ng baby pink na likido kaya napaatras ako.

And there she stands, napatakip ako ng bibig dahil hindi ako makapaniwala at dahan-dahan siyang niyakap "Na miss kita, Chan" bulong ko, walang pake kung mabasa man ang damit ko

"Na miss din kita, Ate" sabi niya na nagpangiti sakin. Ate. I miss her calling me that

"Get me some clothes" sabi ko kaya binigyan ako ni Drake na galing pa sa bag niya "Suotin mo toh, tatakas na tayo" sabi ko at nginitian siya "Magiging malaya ka na" sabi ko "No where is free Aggi. In all of people, you know that the most" sabi niya kaya mapait akong napangiti at kinuha ang inaabot kong damit then biglang tumunog ang alarm

"Alam na nilang nakuha na natin si Shantal, kailangan na natin umalis" sabi ko kaya tumango sila "Hindi tayo makakatakas" sabi ni Chan kaya nagkatinginan kami lahat

"Nothing is impossible for Journalists Club" sabi ko at ngumiti bago siya hinila, nagsimula na kaming tumakbo lalo na nung makarinig kami ng mga sigaw at yapak

"Mahuhuli nila tayo" sabi ni Trinity pero nanatili akong tahimik "Ang dami nila" bulong ni Drake pero hindi ko tatanggihin na tumatambol ang puso ko sa kaba lalo na nung may lumapit na tauhan malapit sa pwesto namin

"Wala sila dito, linibot ko na ang lugar, tingnan niyo sa labas" sabi ng isang lalaki "Sige boss" sabi ng isang tauhan bago sila umalis at alam kong sa boses palang ay kilala ko na kung sino yun, he saved me again.

Napalingon ako sa humawak sa braso ko "Tyron.." sabi ko kaya ngumiti siya at tinulungan akong tumayo "Come, before they find you" sabi niya kaya sinundan namin siya.

Breaking The Code: The Hidden Project (Carnations Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon