♠88♣

69 3 0
                                        

[Agatha's Point of View]

"Happy birthday kuya" sabi ko at nginitian siya "Don't call me that" sabi niya at pinagningkitan pa ako ng mata

"Do I really suck on surprising?" tanong ko, alam ko naman yun noh, sa talino ba naman ni Nathan? "Siya ang nagplano ng lahat na toh, kami naman ang nagisip ng mga clues" sabi ni Gabriel

"Your clues are basic" sabi ni Nathan kaya napanguso si Gabriel "Stop pouting, mukha kang timang diyan" sabi ni Drake at binatukan si Gabriel

"Happy Birthday Nate!" pagbati ni Tita Em at niyakap si Nathan "Here's my gift" sabi ni Tita at binigay kay Nathan "Tita mamaya niyo na po yan ibigay, kumain na po muna tayo" sabi ko kaya tumawa siya at umalis bago mag-announce na kumain na kami

"Do I really suck on surprises?" tanong ko habang kumakain kami "Very" sabi niya at umiling kaya natawa kami "Should we do a speech?" sabi ni Gabriel kaya binatukan siya ni Drake

"Ano siya? Debutant?" sabi ni Drake kaya napangiwi si Gabriel "Ginagawa mo namang patay si Nathan kung magspi-speech pa tayo" sabi ni Trinity habang umiiling

"Guys, you are welcome to
eat a cake okay?" sabi ni Tita Em sa microphone habang may hawak na vodka "Hazel kuha tayo ng cake" pangaaya ni Trinity kaya tumango si Hazel

"Pasabay ako" sabi ko at inabot ang plato ko bago sila umalis "Hey dude, regalo ko" sabi ni Drake at binato kay Nathan ang regalo

"Magbibigay na ng regalo?" tanong ni Gabriel "Mas mabuti na kung tayo na ang mauna diba?" sabi ni Drake kaya nagkibit balikat si Gabriel

"Sabagay" sabi niya, liningon ko si Nathan na pinagaaralan ang naka-gift bag na regalo niya

"Bubuksan mo na ba?" tanong ko kaya tumango siya ngunit hindi niya ako liningon, binuksan niya yung regalo at linabas mula sa bag kaya bumungad samin ang isang set ng video games para sa Xbox

"Residents Evil 4? Street Fighter?" sabi ni Nathan habang tinitigan ang gaming chips "Wala na akong maisip eh" sabi ni Drake at nagkibit balikat

"Ako naman!" sabi ni Gabriel at binigay ang regalo niya "Ang bigat naman niyang regalo mo" sabi ko at sakto naman na linapag ni Trinity ang plato ko

"Thank you" sabi ko at nagsimula ng kumain "Nagbibigay ng regalo?" sabi ni Trinity kaya tumango ako.

Binuksan ni Nathan ang regalo at bumungad samin ang isang set ng Detective Holmes Series "Really Gabriel? A full set of Detective Holmes Series?" sabi ni Drake and scoffed

"Hey! Lumipad pa ako papuntang UK para makuha yan at mapirmahan pa ng author" sabi ni Gabriel kaya napailing-iling na lang si Drake

"My turn" sabi ni Trinity at binigay kay Nathan ang regalo "Don't tell me..." hindi pa natatapos ni Nathan ang sasabihin ng makita namin ang regalo

"Its the scrap book of this year" sabi ni Trinity "Diba yan lagi ang regalo mo sa kanya?" tanong ni Drake "Oo, may angal ka?" sabi ni Trinity at tinaasan pa siya ng kilay kaya napailing si Drake

"Can I see?" sabi ko kaya binigay niya sakin ang scrap book at bumungad sakin ang 'Scrap Book of the Year' na naka-cursive pa, binuksan ko at agad bumungad sakin ang mga picture nila magkakasama nung first day hanggang second sem and then I caught a picture na kasama na ako sa clubroom.

At sunod-sunod ng mga picture ang lumabas na kasama ako, yung Intrams, Beach, at yung iba mga stolen o di kaya ay mga picture sa kaso na hinawakan namin, napapangiti na lang ako sa bawat picture na nakikita ko, ganito na pala kami katagal na magkakasama?

"A pocket knife? Hazel saan naman yan gagamitin ni Nathan?" tanong ni Gabriel ng makita ang regalo ni Hazel kay Nathan kaya nagkibit balikat si Hazel

Breaking The Code: The Hidden Project (Carnations Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon