♠109♣

66 1 0
                                        

Tinapon ko ang bottled water sa basurahan pagkatapos kong uminom "Kamusta si Trinity?" tanong ko habang nanghihina parin

"Ayun sumusuka" sabi niya "Bakit nga pala kayo nandito Drake?" tanong ko "Naghahanap kami ng information nung biglang na isipan kong pumunta sa Star City" sabi niya kaya liningon ko naman si Hazel

"Gusto daw pumunta ni Trinity" sabi niya "Kayo?" sabi niya kaya tiningnan ko si Gabriel na kumukuha ng hotdog waffle na coated with bavarian chocolate

"Bigla na lang yan sumulpot sa bahay habang nagsusumbong na may sari-sarili kayong mundo kaya ako yung hinila niya papunta dito" sabi ko

"Totoo naman kasi eh" natatawang sabi ni Gabriel na kakadating lang sabay abot sakin ng hotdog waffle "Speaking of information, ano na ang mga nalaman niyo?" tanong ko at sinubo ang waffle hotdog

"Walang records si Alcain Wilheilm at Leonard Evergreen like they didn't exist" sabi niya kaya kumunot ang noo ko "What do you mean?" tanong ko

"I found a way to get to the Citizens Database and I searched their names pero walang nakalagay na kahit ano, kahit birth certificate man lang" sabi niya

"Ganun din ang Jordan twins at si William at Wilheilm" sabi ni Nathan "So they really that good? Mafia bosses and billionaires protect them, hindi na yun nakakapagtaka" sabi ko

"Ayaw nila na ma-track ng pulisya" nagulat ako ng biglang pag-dating ni Trinity "Nahihilo ka pa" sabi ni Hazel na inaalayan siyang umupo

"Okay ka na?" natatawang tanong ko "Water. I need water" sabi niya kaya inabot ko sa kanya yung extrang mineral water

"Totoo ang sinabi ni Trinity. Pwede sila makasuhan ng murder, hold of illegal fire arms, hold of illegal drugs, and embezzlement" sabi niya

"Paano naman naging embezzlement yun?" nanghihinang tanong ni Trinity

"They are using the school and the school's money na natatanggap nila sa mga share holders to do their illegal activities" pagpapaliwanag ko kaya napatango siya

"Alam niyo na ba kung saan matatagpuan ang Hive?" tanong ko "Sa dulo ng kagubatan, sinamahan kami kanina ni Ms. Librarian kung saan siya dinala noon ni Leonard Evergreen" sabi niya

"So kailan natin yun pupuntahan?" tanong ni Gabriel kaya napatingin ako sa kanya

"Agad-agad? Hindi halatang excited ka ah?" sabi ko kaya natawa siya "If your curiosity got the better of you then I have my excitement the best of me" sabi niya kaya natawa ako

"Will do it tomorrow night, kailangan na muna natin pagplanuhin kung paano makakapasok na hindi na papansin" sabi ni Nathan kaya tumango kami

"Konting tiis na lang guys, ma che-checkmate na natin si Lysander" sabi ko.

_

"Class listen" naagaw ng pansin namin si Sir "May bisita tayong pupunta dito at titingnan ang behaviour ng bawat klase, okay? Kaya behave" sabi niya

"Yes sir" sabi nila, sino kaya ang mga bisita? Dumaan ang recess pero walang dumating na mga bisita

"Sabi daw ng Section E na pinuntahan daw sila ng mga bisita" sabi ni Apple bago binigay sakin ang lemon pan

"Talaga? Sino daw ang mga bisita at mukhang sobrang importante nila?" tanong ko habang binubuksan ang plastic

"Yung mga share holders daw" sabi niya, napatigil ako sa pagsubo sa narinig "Ang mga share holders?" kunot noong tanong ko kaya tumango siya

"Ang gwapo daw nila sabi ng Section E" sabi niya, bakit naman sila pupunta dito? "Nakakapagtaka nga eh, once in a blue moon lang sila pumupunta dito" sabi niya habang nginunguya ang sarili niyang pagkain, sinubo ko ang lemon pan at nginuya

"Sa tingin mo, bakit sila nandito?" tanong ko at mukhang napaisip siya "To monitor us? Once in a year kasi sila pumupunta dito pero unannounced kaya hindi kami handa" sabi niya kaya napatango ako

"By the way, yung mga body guards na pinadala mo tinalo pa si Harris bilang kapatid, ang protective" sabi niya kaya natawa ako

"At least mga gwapo" sabi ko and suddenly tinanaw niya ang bintana with her dreamy eyes kaya out of curiosity tiningnan ko din and slowly a smirk started to form my lips

"You like Christopher" that was not a question but a statement, kita ko ang unting pagmumula ng pisngi niya "Hindi ah" sabi niya kaya liningon ko ulit si Christopher na naghihintay sa gate.

Christopher is one of the closest friends of mine, naging close kami dahil karaniwang siya ang driver ko pero hindi ko naman masisisi si Apple, gwapo naman talaga si Chris at bata pa, he's only 24

"Issuu! Ako pa ang uutuin mo" sabi ko kaya umiwas siya ng tingin "H-Hindi nga! Humahanga lang ako okay?" sabi niya kaya natawa ako

"So for short may crush ka sa kanya" sabi ko "I'm young and beautiful Agatha, syempre magkaka-crush ako noh!" sabi niya kaya natawa ako

"Okay, sabi mo eh" sabi ko pero hindi parin nawawala ang pangaasar kong tingin at ngiti "Hays! Ewan ko sayo" sabi niya at nginuya ang lemon pan kaya natawa ako "Wala naman akong ginagawa ah?" sabi ko "Hmp!" sabi niya at inirapan ako, masyado kang halata Apple.

_

"Sir? Pwedeng mag-comfort room?" sabi ko "Of course, Ms. Ward" sabi niya kaya tumayo ako at lumabas ng classroom.

Naglalakad ako sa hallway patungong comfort room habang inaayos ang nagusot kong palda dahil kanina pa ako nakaupo at namamanhid na din ang pwet ko, napabuntong hininga ako at iaangat na ang tingin ng sakto naman ay may nakabangga ako

"Ay sorry po!" pagpapaumanhin ko agad at lumayo "Watch where your going" sabi niya "Sorry" sabi ko "Tss, sa susunod kasi magiingat ka" sabi niya

"Sorry na nga diba?" napatakip ako ng bibig at nagdasal na sana ay hindi niya narinig "What did you say?"

Uh-oh

Lagot ako nito mamaya kay Nathan! "Hindi mo ba ako kilala?" tanong niya at bahid sa boses niya ang irita, sino ba kasi toh?

"Sino ka naman para kilalanin ko?" sabi ko at tiningnan siya deretsyo sa mata, ano pang use para iwasan ko siya? Its better kung panagutan ko tong ginawa ko

"Are you Jose Rizal? Buddha? Lapu-lapu? Lee Min-Ho? O di kaya si Park Seojun?" sabi ko, jusko! Wala ka talagang preno bibig!

Pero nagulat ako when I saw amusement dancing in his eyes "I am-" but a baritone voice stopped him

"Stop it Hiro" and I mentally gave a slap to myself when I saw who it was.

Breaking The Code: The Hidden Project (Carnations Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon