"I contacted that Investigator para itakas kayo dito" sabi niya habang hinihila ako "Matagal na namin toh gusto mangyari.. We pray everyday na isang araw, magkikita ulit tayo but not as friends but as enemies" sabi niya at tumigil
"Dumaan kayo dun sa bintana, walang gwardya na nakabantay. Dali." sabi niya kaya tumakbo na kami "Thank you, Ron" sabi ko at niyakap siya bago tumakbo palayo
"Agatha, may naghihintay sa inyo sa labas ng gubat, magingat kayo" sabi ni Inspector Gonzaga sa ear piece kaya tumango ako
"Ang taas naman" sabi ni Trinity habang nakatanaw sa baba, tiningnan ko ang orasan.
2:34am
Napabuntong hininga ako at tiningnan si Trinity na binuksan ang sliding window "If you want to live, tumalon ka na" sabi ni Drake at inalayan si Trinity na makatayo sa bintana
"Baliw ka ba? Nasa tenth floor tayo" sabi niya "May foam naman eh, tumalon ka na" sabi ni Drake "Patay ka sakin kung masugatan ako Drake" sabi niya bago tumalon kaya tinanaw siya ni Drake
"Nakababa na siya" sabi niya at sunod naman na inalayan ay si Hazel na tumalon "Tumalon ka na Gabriel, baka kung ano pa ang mangyari sa kanila" sabi ko kaya tumalon siya sa bintana
"Shantal.." napalingon ako kay Nathan ng tawagin niya si Chan "Nate, na miss kita. I'm so sorry kung iniwan ko kayo" sabi niya at akmang yayakapin si Nathan ng agad akong pumagitna
"Sorry to spoil your reunion pero tumalon na kaya kayo noh?" sabi ko at nagtaka ako ng biglang tumawa si Chan
"Mauna ka na Chan, ikaw ang priority namin ngayon" sabi ko at kita ko ang pagaalinlangan niya "Paano ka?" tanong niya "Ikaw na muna" sabi ko pero hindi parin naalis ang pagaalinlangan niya kaya ako na mismo ang umalalay sa kanyang tumaas sa bintana pero naalerto ako nung makarinig ako ng mga yapak
"Gwardya" sabi ni Nathan kaya napalingon ako kay Chan "Hindi kita iiwan dito" sabi niya "Hindi ko din hahayaan na bawiin ka nila" sabi ko at tinulak siya
"May nakita akong tao dun!" rinig naming sigaw kaya nagkatinginan kami ni Nathan sabay ng papalapit na yapak "We have to go" sabi niya at hinila ang kamay ko at napalunok ako kung gaano kami kataas, jusko!
Tama nga si Trinity, mamatay ako sa sobrang taas! Mukhang nakita ni Nathan ang pagaalinlangan ko "Bumaba na kayo dito!" sigaw ni Gabriel kaya napatingin ako kay Nathan "We can do this" sabi ko at huminga ng malalim
"We can" sabi niya at nginitian ako before squeezing my hand and my breathing hitched when we jumped, the cold air hitting my face hanggang sa bumagsak kami sa foam
"We have to go. Now." sabi ni Drake kaya agad kaming napatayo ni Nathan, pinuntahan ko si Shantal at sabay kaming tumakbo "May sampong gwardya na papunta na diyan sa gubat kaya dalian niyo na!" sigaw ni Inspector sa ear piece kaya mas binilisan namin ang pagtakbo hanggang sa maabutan namin ang dulo ng gubat at bumungad samin ang itim na van, bumaba ang bintana ng driver's seat
"Sumakay na kayo" sabi ni Inspector kaya agad-agad kaming pumasok sa van at pinaharurot ang sasakyan "Yan na ba si Shantal?" tanong ni Inspector at tiningnan ang salamin
"Oo" sagot ni Drake na nasa passenger's seat "Kamukha mo nga siya, Agatha" sabi niya kaya napangiti ako at liningon si Shantal
"Tell me Shantal, anong nangyari?" tanong ko kaya tiningnan niya ako at bumuntong hininga "Pumasok ako ng St. Pristine dahil nalaman ko na nandun si Leonard Evergreen at gusto kitang mahanap.." sabi niya
"At dun ko napagisipan na sumali sa Journalists Club dahil nalaman ko na they solve miysteries in the school kaya sumali ako para malaman kung ano talaga ang nangyari sayo ten years ago" sabi niya at yumuko
"Nung tinakas ako ni Daddy nakita na lang kita na tumatakbo kasama si Charlie at tinawag kita pero wala kang narinig ni hindi mo nga ako liningon kaya hinabol kita pero naligaw lang ako, nanirahan ako sa isang bahay ampunan at na ampon nung twelve ako. Pero hindi ko inaasahan na malaman ni Leonard na nandun ako, kausap ko na nun sina Charlie at binalaan ako pero hindi ako nakinig, ganun ako ka-desparada malaman kung nasaan ka hanggang sa napabalik nila ako at ngayon lang ako nagising, hindi mo alam kung gaano ako kasaya ng makita kita kasama si Nathan" sabi niya kaya napangiti ako
"Alam mo ba habang nasa St. Pristine pa ako, ikaw lagi ang iniisip ko lalo na kung kasama ko si Nathan, iniisip ko na magugustuhan ka din nila at sabi ko pa sa sarili ko, si Ate lang ang magpapabago sa taong katulad ni Nathan at tama nga ako, I saw the smile on his face kanina nung tumalon kayo, alam mo bang hindi yan sakin ngumingiti at lagi na lang ako pinagtritripan" sabi niya at humikbi kaya nagsimula na din akong maiyak
"I'm so sorry kung iniwan kita. I'm so sorry kung kinalimutan kita. I'm so sorry kung ngayon lang ako" paghikbi ko
"May ugali ka talagang sinisisi mo ang sarili mo, tadhana na talaga ang nag-desisyon na kalimutan mo ako at mapadpad ka kay Nathan and I'm thankful for that" sabi niya kaya niyakap ko siya, sa pagkakataong ito pro-protektahan na kita Chan. Hindi ko na hahayaang masaktan at makuha ka nila ulit, hindi ako papayag.
[Third Person's Point of View]
"Nakatakas po sila" sabi ni Tyron kaya natawa ang lalaki "Mga estupido!" sigaw nito at tinapon ang hawak na baso sa direksyon ng kambal pero tumama ito sa pader pero hindi man lang sila gumalaw sa kinatatayuan nila
"Nakuha nila si Shantal" sabi ni Tyler "Sabihin niyo sakin, tinulungan niyo ba sila?" tanong ng lalaki kaya natigilan ang dalawang kambal pero hindi nila pinahalata
"Na hanap ko po sila pero palabas na sila ng bintana kaya hinabol namin" sabi ni Tyler
"Mga wala kayong kwenta! Mga animal! Mga bobo! Mga estupido! Mierda!" pagmumura sa kanila ng lalaki
"Kung ganun ay ganun na talaga kagaling si Ms. Ward" sabi ni Fumiya "Pati ang mga tauhan mo natakasan nila" sabi ni Alcain "No one is staying low simula ngayon" sabi ng lalaki
"So were going to kill her now?" nakangising sabi ni Xi Yin "Were still playing the game and now she has won the first round but we are going to make sure we win" sabi ng lalaki at ngumisi
"Besides the next heirs are here" sabi niya at liningon ang anim na tao "Naiintindihan ba ako?" sabi niya
"Yes boss" sabay nilang sabi. No one is going to win but me.
♠♣•♠♣•♠♣•♠♣•♠♣•♠
Yehey! 🎉🎊 Pinakahuli na lang na Chapter tapos na! And new characters will rise, sino kaya sila noh? Do you want to find out?
BINABASA MO ANG
Breaking The Code: The Hidden Project (Carnations Series #2)
Mystery / Thriller_ Carnations Series #2: She survived being in the Isle Residence and survived the school of card games. Will Journalists Club find the answers to the mystery? And will Agatha finally break the code to this underworld? To this chaos? To this mind bre...
