[Agatha's Point of View]
"Listen to me Agatha, Hive is associated with the school, they are using St. Pristine students to be test subjects of Project Carnation"
Kaya maraming namamatay sa St. Pristine dahil ang mismong school ang may pasimuno? So does that mean may kinalaman si President Maxwell sa mga nangyayari sa school?
"They are sacrificing students and they are now working on the hidden Project of c-"
Ano ba yung sasabihin ni Charlie sakin? May hidden project ang Hive at kasama dun ang St. Pristine? Hays, Sumasakit ang ulo ko sa mga tanong sa isip ko! "Kanina ka pa nagbubuntong hininga diyan" sabi ni Trinity sa tabi ko kaya umiling ako
"Okay lang ako" sabi ko ng biglang bumukas ang pinto sabay ng pagtayo ni Drake at Gabriel, kapansin-pansin ang uniform na suot nila, dito pala sila nagaaral kasama si Charlie?
Kapansin-pansin din ang mga sugat nila sa mukha gaya kay Charlie "Bakit ka nandito?" tanong ni Drake pero tinitigan lang siya ni Tyler at Tyron
"Stop it, umupo kayo" utos ni Nathan kaya umupo ang dalawa "Bakit kayo nandito?" tanong ni Nathan pero hindi siya pinansin ng kambal at tinitigan ako
"Charlie sacrificed himself para masabi sayo ang totoo" sabi ni Tyler habang nakatingin sakin kaya kumunot ang noo ko
"Anong ibig sabihin niya? Ano yung hidden project?" tanong ko kaya kunot noong tumingin ang mga kasamahan ko sakin "Wala dapat ang nakakaalam tungkol dun, listen, binaril si Charlie dahil plano niyang sabihin kay Aggi ang lahat" sabi ni Tyron
"Teka nga lang, kilala niyo si Agatha? bakit kung makipagusap kayo parang magkakilala kayo?" sabi ni Trinity habang papalit-palit ang tingin samin
"Mas matagal pa ang samahan namin kesa sa inyo" sabi ni Tyron "Bawal namin sabihin sa inyo ang totoo dahil baka kami pa ang sumunod" sabi ni Tyler
"Si Shantal lang ang susi niyo sa hidden project at kung nasagot niyo ang lahat ng katanungan kesa niyo lang matatapos ang kasamaan ng Hive" sabi ni Tyron
"Bakit niyo ba ginagawa toh?" tanong ko "We are just like you Agatha, we are survivors and victims" sabi ni Tyler "Aalis na kami" sabi niya bago sila umalis kaya natahimik kami sa clubroom
"Paano mo sila nakilala Agatha?" tanong ni Gabriel "May parents were researches diba? Sila ang mga kalaro ko nun dati" sabi ko
"So alam mo kung paano ito ipatigil?" tanong ni Drake kaya umiling agad ako "As much as I want to, hindi, malabo na ang memorya ko tungkol sa nakaraan" sabi ko at humigpit ang hawak ko sa armchair kaya natahimik sila
"Guys, sa tingin niyo ano ang kinalaman ni Shantal dito?" sabi ni Trinity at kita ko kung paano matigilan si Nathan bago tumayo at lumabas ng clubroom
"Hanggang ngayon ay hindi parin nakaka-move on si Nathan" sabi ni Gabriel at bumuntong hininga "Bakit?" tanong ko
"Yung tinanong mo sakin kung kilala ko si Shantal, inaamin kong kinabahan ako nun, may kinalaman kasi sa Hive ang pagkamatay ni Shantal" sabi ni Gabriel
"Yung unang kita pa lang namin sayo akala talaga namin si Shantal ka pero hanggang sa tumagal at mas nakilala ka namin napagtanto naming magkaiba kayo, hindi gaya sayo ay makulit si Shantal at madaldal pero ang pinakamalapit kay Shantal ay si Nathan kaya ganun na lang ka-protective sayo si Nathan" sabi ni Drake kaya natahimik ako, ganun kalalim ang relasyon nila ni Shantal?
"Ano pala yung sinasabi ng Jordan twins na sinabi ni Wilheilm?" tanong ni Drake "Sinabi niya na kakampi daw ng school ang Hive at ginagawang test subjects ang mga estudyante, kailangan din daw mahanap ang sinasabing hidden project ng Hive" sabi ko kaya natahimik sila
"So may kinalaman dito si President Maxwell?" tanong ni Trinity "Hindi natin alam, As of now tayo-tayo na lang ang makakapagkatiwalaan natin dito sa school" sabi ni Gabriel
"Sinabi mo na ba toh kay Nathan?" tanong sakin ni Drake kaya umiling ako "Hindi pa, pagkatapos ng pagharang satin ni Dana he suddenly became distant" sabi ko habang nakasimangot
"Pabayaan mo na muna siya, he needs space, masyado siyang naapektuhan sa pagkawala ni Shantal" sabi ni Gabriel kaya napatango na lang ako, Ano ba talaga ang nangyari at namatay ka Shantal?
Ano ba talaga ang storya mo? Napakagat labi ako ng sumakit ang ulo ko kaya agad akong napahawak sa noo ko.
"Daddy!"
Ano nanaman ba toh?! "Arghh" daing ko "Okay ka lang Agatha?" tanong ni Gabriel na agad hinawakan ang braso ko "Drake hanapin mo si Nathan dali!" sigaw ni Trinity.
"Daddy!"
Ang sakit!
"Daddy! Daddy! Ano yan?" tanong ko kaya liningon niya ako at binuhat "Nagwo-work si Daddy kaya mag-play ka na muna kasama si Charles" sabi niya
"Pero ayoko na mag-play, gusto kita samahan" sabi ko kaya natawa siya "Look at her" sabi niya kaya napalingon ako
"She will be your sister, so take care of her okay?" sabi niya as I stare at the body in the container the girl, the girl that has my-
"Agatha!" bumalik ako sa realydad sa mahinang pag-yugyog sakin ni Nathan "Calm down" sabi niya at hinaplos ang buhok ko
"Calm down okay?" sabi niya kaya pilit kong pinakalma ang puso at pag-hinga ko pero mas lumala "A-Asthma…" nanghihina kong sabi kaya mahina siyang napamura at agad akong binuhat
"Hang in there Agatha" bulong ni Nathan habang tumatakbo sa hallway papunta sa school clinic.
_
"I knew this was a bad idea" sabi ni Tita Em habang sinesermon kami, pagkauwi namin kanina ay agad na balitaan ni Tita na na-clinic ako dahil sa asthma, tinawagan pala siya ng nurse
"Tita okay lang po ako" sabi ko "No your not Aggi, pinabayaan kita dahil pinangako mong hindi ka mapapahamak, pinabayaan kita nung muntik ka ng mamatay dun sa abandoned building at nung pumunta kayo sa Laguna" sabi niya habang sapo-sapo ang noo kaya napalunok ako
"You are transfering Agatha" sabi niya kaya agad nanlaki ang mata ko "Tita no!" sigaw ko "Anong tita no? Muntik ka ng mapahamak Aggi!" sabi niya kaya napatayo ako
"Tita please, ayoko po" sabi ko at pinigilan ang mga luhang gustong tumulo
"Kung ayaw mo mag-transfer umalis ka sa club ni Nathan" sabi ni Tita kaya mas lalo akong napailing.
Wag, please, wag ngayon.
"Ayoko, Tita please…" pagmamakaawa ko at luluhod na sana ng may pumigil sa braso ko "Mom wag niyong paalisin si Agatha" sabi ni Nathan kaya napalingon siya sa kanya "No Nathan-"
"Please…" kita ko na natigilan si Tita at tinitigan kaming dalawa, pinunasan ni Nathan ang luha na pumatak sa pisngi ko at hinaplos ang buhok ko
"You really care for Agatha" sabi ni Tita habang tinititigan si Nathan kaya tumango siya na nagpahaplos sa puso ko
"Mag-iingat na kami sa susunod, Mom" sabi ni Nathan kaya napabuntong hininga si Tita "Fine, hindi na" sabi niya kaya napangiti ako
"Basta mag-iingat kayo lagi ah?" sabi niya kaya napatango kami "Oh sige na, matulog na kayo" sabi ni Tita kaya tumaas na kami "Nathan" pagtawag ko sa kanya bago siya pumasok sa sariling kwarto
"Bakit?" tanong niya "Tell me about Shantal" sabi ko at kita ko na natigilan siya at natahimik kaya napabuntong hininga ako
"Its okay kung hindi mo sakin sabihin" sabi ko at pumasok ng kwarto.
I'll wait Nathan, I'll wait until your ready to tell me.
BINABASA MO ANG
Breaking The Code: The Hidden Project (Carnations Series #2)
Mystery / Thriller_ Carnations Series #2: She survived being in the Isle Residence and survived the school of card games. Will Journalists Club find the answers to the mystery? And will Agatha finally break the code to this underworld? To this chaos? To this mind bre...
