♠77♣

72 3 0
                                        

Napanganga kami ng maabutan namin ang camp site, like 'wow!' parang kaming nasa isang Training camp.

May mga black na tent na ang nakahanda sa lugar na pwedeng mag-kasya ang apat na tao at may isa pang building na gawa sa kahoy kung saan ka magluluto, open ang building na yun at ang tisura niya ay parang cottage pero malaki siya at sa tapat ng building na yun ay may mga lamesa na gawa din sa kahoy at kabilang banda ay may Comfort at bathroom din na gawa sa kahoy

"Ang ganda naman dito!" mahinang tili ni Apple na sinangayunan namin "Okay girls, ang curfew natin ay 8:30 kaya pagkatapos kumain ng dinner ay agad dumeretso sa tent at matulog okay? Sige na, maghanap na kayo ng sari-sarili ninyong tent" sabi ng isang babaeng faculty kaya tumango kaming mga babae

"Tara dun tayo! May nakita akong tent malapit sa ilog at puno" sabi ni Trinity kaya sinundan namin siya sa pinaka-dulo kung saan may malaking black na tent na naka-pwesto at sa likod nun ay may malaking puno, pumasok na sila kaya liningon ko si Sophia na nakatingi sakin habang nakaupo

"Stay okay?" sabi ko na sinagot niya lang ng tahol kaya pumasok na ako sa tent, linagay ko sa gilid ang bag ko at linabas ang sleeping bag gaya ng ginagawa nila

"Ang dami mo naman atang dala Trinity" sabi ko ng makita kong may linalabas siya sa bag niya na mini-electric fan at emergency light

"Mas mabuti na kung ready noh kaya sabihin niyo sakin kung may sugat kayo may first aid kit ako dito" sabi niya habang ine-explore ang bag niya

"Girl scout yan eh" sabi ni Hazel kaya tinawanan namin siya ni Apple then all of a sudden may maririnig kang maingay na bell sa labas

"Lahat ng mga babae lumabas!" sigaw ng isang faculty admin sa labas "Halika na, tinatawag na tayo lahat sa labas" sabi ni Trinity kaya tumango kami at lumabas ng tent kung saan namin nakita ang nagsama-sama na sila

"Okay girls, maga-assigne tayo ng mga gawaing bahay" sabi ng babae sa gitna habang may hawak na microphone

"Grade 7 to Grade 9 ang luluto ng rice at Grade 10 to Grade 12 naman ang magluluto ng pagkain, sasabay satin ang mga lalaki galing sa kabilang site para ikuha ang mga kahoy na gagamitin pang-luto at ang maghuhugas ng pinggan ay Grade 10, naiintindihan ba ako?" sabi niya kaya tumango kami lahat

"Eww, maghuhugas tayo?" nandidiri na sabi ni Dana sa kanan namin "Oo nga, its like so kadiri!" sabi ng isa sa mga kaibigan niya at napangiwi pa

"Ang arte nila" sabi ni Trinity at inikot ang mata "Porket mga mayaman ganyan na? Sus!" sabi ni Apple "Bakit? Hindi ka ba mayaman?" tanong ko

"Oo syempre, lumaki kasi kami ni Harris na kami ang gumagawa ng gawaing bahay" sabi ni Apple kaya napatango-tango kami

"Now move!" sigaw ng faculty kaya agad kaming gumalaw "Agatha?" napalingon ako sa tumawag at linapitan siya

"Yes ma'am Macey?" tanong ko "Kayo ang head ni Kathie sa Grade 10 okay? Guide them habang nagluluto, kayo na ang bahala kung ano ang lulutuin niyo, papunta na din dito ang mga boys para sa kahoy" sabi niya

"Girls! Sila Agatha at Kathie ang bahala sa inyo ah? Sa kanila kayo magtanong okay?" sigaw ni Ma'am Macey bago kami iwan kaya napalingon ako sa babaeng nakangiti sakin

"Hi, I'm Kathie" sabi niya kaya ngumiti na din ako "Agatha" pagpapakilala ko sa sarili ko at inabot ang kamay niya "Diba ikaw yung hiningian ni Trinity ng list ng members ng baseball team?" sabi niya kaya tumango ako

"I heard na pina-kick out daw si Kai dahil muntik ka na daw niyang gahasain dahil stalker mo daw si Kai" sabi niya kaya tumango ako "So ano ang lulutuin natin?" tanong niya kaya napaisip ako

"Tanungin na lang natin yung mga Grade 7 to 9, sila lang naman ang priority natin diba?" sabi ko kaya nagkibit balikat siya

"Sabagay" sabi niya. Pumunta kami sa likod para tanungin ang mga Grade 7 to 9 kung ano ang gusto nila kainin kaya napag-isipan namin ni Kathie na Japanese Chicken Stew at meat curry na sinuggest ng mga Grade 7 to 8 at sakto naman na dumating ang mga lalaki galing sa gubat

"Ako na ang bahala sa boys, ikaw na ang bahala sa kusina" sabi niya bago umalis kaya tumango na lang ako at bumalik sa kusina bago kumuha ng apron at sinuot yun

"Girls!" sigaw ko kaya napalingon sila sakin "Magluluto tayo ng Japanese Chicken Stew at meat curry para sa lunch natin, hahatiin ko kayo sa dalawang grupo, Grade 12 ang magluluto habang ang Grade 10 ang maghahanda ng lamesa with the assistance of Grade 11, Class President ng Grade 11? Pwede pakihati sa dalawang grupo ang mga babae sa section niyo? At magdesisyon kayo kung sino ang tutulong sa Grade 12 at 10" sabi ko at nakarinig pa ako ng mga reklamo bago sila gumalaw

"Agatha" napalingon ako sa tumawag at ngumiti ng makita si Kathie "Wow, ang ayos ah?" sabi niya habang pinapalibutan ang tingin sa mga gumagalaw na estudyante

"Ang prinoproblema ko sina Dana at ang mga kaibigan niya, ayaw nila gumalaw eh" sabi ko at tiningnan sina Dana na nandidiri pang kunin ang meat para hatiin

"Ako na ang bahala sa kanila, guide the boys at the back" sabi niya kaya tumango na lang ako

"Magbuhat ka nga Drake" singhal ni Gabriel habang hawak ang tatlong kahoy sa balikat niya habang sinasamaan si Drake nakasandal lang sa ilalim ng puno

"Ayoko nga, nakita mo ba kung gaano kainit ang araw?" sabi niya at tumango naman si Nathan na nasa tabi niya at nakasandal din sa puno kaya pinagningkitan sila ng mata ni Gabriel

"Lagi naman tumitirik ang araw ah?" sabi sa kanila ni Gabriel kaya napailing na lang ako "Pabayaan mo na sila" napalingon sakin si Gabriel at agad sumilay ang isang nguso sa labi niya

"Agatha tingnan mo oh, ayaw nila akong tulungan" reklamo niya at tinuro pa ang dalawa na tinaasan lang siya ng kilay.

"Sabi mo diba may muscles ka?"

"Kaya mo na yan"

Sabay na sabi ni Drake at Nathan kaya sinamaan sila ng tingin ni Gabriel "Pabayaan mo na, kailangan ng Grade 12 ng kahoy dun dahil kailangan na nila magluto" sabi ko

"Pero walang tutulong sakin, nakita mo ba ang mga kahoy na yan?" sabi niya at tinuro pa ang mga kahoy na nakapatong-patong kaya linibot ko ang tingin at tumigil sa isang tao

"Harris! Jefferson! Daniel!" sigaw ko at sabay-sabay pa silang lumingon at lumapit na may sari-sariling dalang kahoy

"Bakit?" tanong ni Harris "Kailangan kasi ng tulong ni Gabriel dahil ayaw siya tulungan ng dalawang yun" sabi ko sabay hampas ng likod ni Gabriel at lingon sa dalawa

"Kaya tulungan niyo sila ah?" sabi ko "Nakita mo pala si Jhaira?" tanong ni Jefferson "Nagluluto kasama si Apple" sagot ko kaya kumunot ang noo niya

"Apple?" sabi niya "Kambal ko" sabi ni Harris kaya tumango-tango si Jefferson "Nandun na din si Janine nagluluto" sabi ko at tumingin kay Daniel na nakangiti

"Dun na kayo!" pagtataboy ko sa kanila kaya agad silang gumalaw habang reklamo ng reklamo parin si Gabriel kung gaano ka walang kwenta ang mga kasama niya sa tent which is si Drake at Nathan.

And then napalingon ako sa paligid at agad kumunot ang noo ko "May problema ba Agatha?" tanong ni Drake kaya agad akong umiling, I thought someone was staring at me? I pushed the thought away, baka na babaliw nanaman ako.

Breaking The Code: The Hidden Project (Carnations Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon