♠80♣

68 4 0
                                        

"Thank you" sabi ko pagkalabas namin sa gubat "Walang anuman, mauna na ako, hinahanap na ako sa bonfire namin" sabi niya bago tumakbo palayo kaya tinanaw ko ang papalayo niyang likod

"Agatha!" napalingon ako gilid ng marinig ko ang pagtawag sakin at ngumiti ng makita si Trinity at Apple "Sino yun?" tanong ni Apple

"Si Luis, Grade 12 siya, siya ang tumulong sakin makalabas ng gubat ng ligtas" sabi ko kaya napatango-tango sila "Dalian mo na, magsisimula na ang activity na pinapagawa ni Ma'am Macey" sabi niya at hinila ako papunta sa bonfire.

Umupo ako sa gitna ni Trinity at Hazel "Ano daw ang gagawin natin?" tanong ko kaya nagkibit balikat sila "Ewan, sasabihin palang ni Ma'am" sabi niya kaya napatango ako

"Ito nga pala, pinapabigay ni Ma'am Macey kanina samin" sabi niya at inabutan ako ng apat na square na papel, may isang pula, puti, pink, at blue

"Para saan toh?" tanong ko "Para sa activity daw" sagot niya kaya hindi ako umimik "Okay Grade 10!" pagkuha ni Ma'am Macey sa atensyon namin

"May tig-isa na ba kayong papel na white, red, pink at blue?" sabi niya kaya tumango kami lahat "So ang gagawin natin, ibibigay mo sa kahit sinong tao, sa kaklase, schoolmate - walang akong pake! Ibibigay mo ang red kung may galit ka taong yun, puti naman kung may gusto kang pagsabihan ng sorry at blue naman kung importante sayo ang taong yun at pink kung mahal mo ang taong yun or you like that person at sabihin niyo na din ang gusto niyang sabihin. Naiintindihan ba ako Grade 10?" sabi niya kaya tumango kami lahat

"Then start" sabi niya and as if on cue, lahat sila tumayo at sinimulan na ang pinapagawang activity. Napalingon ako sa likod ng maramdaman ko na may kumalabit sakin at napangiti ng makita si Jefferson at Jhaira

"Kayo pala" sabi ko at nginitian sila at sabay nun ang pag-abot nila sakin ng puting papel kaya binigyan ko sila ng nagtatanong na tingin

"Thank you for everything Agatha" sabi ni Jhaira "Kung hindi dahil sayo baka hanggang ngayon hindi parin namin alam kung sino ang pumatay kay Lucas" sabi ni Jefferson

"And even if it caused your life, you still avenged Lucas for us" sabi niya "Just like you promised" sabi ni Jhaira at niyakap ako

"Now I know na may tao parin na tinutupad ang mga pangako nila" sabi niya at humiwalay sa yakap bago pinahid ang luha niya "You don't have to, I'm already greatful seeing you both happy, I'm sure na ganun din si Lucas at Cedric ngayon" sabi ko at nginitian sila bago tinanggap ang dalawang puting papel

"I hope so" sabi niya bago sila umalis, my heart is aching dahil sa pagsasalamat nila sakin, I wonder why? "Agatha" napalingon ako sa tumawag at nginitian si Apple

"Thank you" sabi niya at inabot sakin ang puting papel na tinanggap ko "Thank you for avenging Hallie, thank you for making me feel na parang hindi parin siya umalis and thank you for being my friend" sabi niya kaya napangiti ako

"Thank you din Apple" sabi ko at niyakap siya "Pwede ako naman kambal?" napalingon kami sa nagsalita at ngumiti ng makita si Harris na inabot sakin ang puting papel niya

"Just like Apple said, thank you, I'm pretty sure that Hallie is too" sabi niya at nginitian ako bago hinila palayo ang kakambal. Sunod naman ang nagbigay ay si Janine at Daniel ng puting papel saying the same thing and a pink paper from boys I don't know and a red paper from Dana na inirapan pa ako bago umalis

"May saltik na ata yun eh" sabi ni Trinity habang umiiling kaya natawa ako at nagulat ng sabay-sabay nilabg inabot ang puti at blue na papel sakin

"Thank you for making us feel happiness again Agatha" sabi ni Trinity "We had fun being in your presence" sabi ni Gabriel

"And we adore that personality of yours, that curiosity brings excitement to all of us" sabi ni Hazel "Wala na akong masasabi, your just to special to us" sabi ni Drake habang umiiling

"When are you going to give her that pink paper?" tanong ko at natawa ng umiwas siya ng tingin "You better do it, marami ang nagbibigay sa kanya ng pink na papel oh" sabi ko at nginusuan pa si Trinity na nakatanggap nanaman ng isang pink na papel at sa gitna ng kaguluhan ay liningon ko si Nathan nakaupo parin sa kahoy habang binibigyan siya ng grupo ng babae ng pink na papel

"Ang dami mong love letter ah?" pangaasar ko at tumabi sa kanya "Yeah, my hands are full" sabi niya at tiningnan ang mga kamay ng puno ng pink na papel

"Who are you going to give that blue, pink and white paper?" tanong ko at nginusuan pa ang hawak niyang papel at kumunot ang noo ko ng sumilay ang isang ngiti sa labi niya

"Baliw ka na ba? Bat ka-" napatigil ako sa pagsasalita ng tinapat niya sa mukha ko ang blue, pink at puting papel

"Should I say a wonderful speech gaya ng ginawa nila?" sabi niya na nagpabalik ng katinuan ko kaya nanlalaking mata ko siyang tiningnan

"Seryoso? Ibibigay mo yan sakin?" tanong ko "Kay sino ko toh inaabot?" sabi niya habang nakataas ang kilay kaya napailing na lang ako, nagsusungit nanaman po siya.

Nginitian ko siya at kinuha ang inaabot niyang papel "Thanks" sabi ko at tiningnan na lang ang fire sa gitna para itago ang pamumula ng pisngi ko

"Hey kuya" sabi ko at kita ko na liningon niya ako habang naniningkit ang mata "Don't call me that" sabi niya na ikinatawa ko, kinuha ko ang tatlong papel at inabot din sa kanya

"Your so important to me Nathan, mali bang umasa sa pangako mo?" sabi ko at tiningnan siya na nakatingin din sakin bago kinuha ang inaabot kong papel

"May pangako tayo?" sabi niya na nagpangiti sakin "Sometimes, I really hate that indenial side of yours" sabi ko habang umiiling pero hindi parin nawala ang ngiti sa labi ko

"I'm not indenial, nakalimutan ko lang talaga" sabi niya pero napangiti parin ako "I'll hang on to that promise okay? And you can hang on to mine" sabi ko at hindi nawala sa paningin ko ang pagsilay ng isang ngiti sa labi niya but a scream echoed through the forest that got our attention, what the bloody hell is happening now?

Breaking The Code: The Hidden Project (Carnations Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon