♠113♣

63 0 0
                                        

"Ano kaya ang binabalak nila?" tanong ni Gabriel habang naglalakad kami sa hallway "Ewan ko nga eh" sabi ko.

"Umiinom ang mga hari ng masarap na alak. Mamayang gabi, maraming mamamatay. I'll give toast to you kung napigilan niyo"

He's words lingered in my mind, umiinom ang hari ng masarap na alak? Anong kinalaman nun? "Agatha! Gabriel!" napalingon kami sa sigaw at nanlaki ng mata ng mata ng makita ang dalawabg estudyante na naka-assign sa back stage

"T-Teka" sabi ko ng sinimulan na nila kami hilahin "May problema ba?" tanong ni Gabriel "Nagsisimula na!" sabay nilang sabi sabay hila samin, jusko! Katapusan ko na ba toh?

_

"Andito ka na pala" sabi ni Trinity ng makarating kami sa table nila, para kaming nasa theater sa laki ng kwarto

"Ladies and gentlemen, may I welcome you. The Campus Royals!" sabi ng babaeng emcee at lumabas dun sa screen ang slide show ng mga lalaking estudyante

"May I present the drop dead gorgeous Student Body President ng Senior High and was voted as the Campus King of the Year! Please get a round of applause for Lysander Evergreen!" hyper na sabi ng emcee at lumabas mula sa mga pulang kurtina si Lysander na nakangisi

"Lysander Evergreen is one of the school's pride and glory at hinaangaan ng mga kababaihan" sabi niya with a jolly voice, tumigil si Lysander sa gitna ng stage, lumibot ang tingin niya at tumigil sakin giving me a wink na nagpatili sa kababaihan

"Please raise your bids" sabi niya at maraming tumaas ng kamay na kababaihan "Sold to Ms. Tina with an amount of $950,000!" sabi ng emcee kaya tinanguan siya ng babae sa taas

"William Evergreen is still in the hospital so sad to say that he will not be joining us this evening" sabi niya at tumikhim

"So we welcome you one of the most loved and worshipped. He has the looks, the brains! The prodigy has arrived! Lets welcome... Nathan Isle!" sabi ng emcee kaya bumukas ang pulang kurtina at lumabas dun si Nathan na naka-pamulsa at mukhang bago na bagot na

"Lets start the bidding!" announce ng emcee na nagpahiyaw sa mga kababaihan na parang naguunahan kung sino ang makakakuha kay Nathan

"Ikaw na ang mag-bid sa kanya" sabi ni Trinity at siniko ako kaya kumunot ang noo ko "What? Bakit ako?" tanong ko at tinuro pa ang sarili ko

"Isa-isa lang ang dapat na maka-date mo" sabi niya "He can buy himself" I pointed out kaya inikutan niya ako ng mata "Dami pang arte" bulong niya at nagulat na lang ako nung itaas niya ang kamay ko

"I bid $250,000!" sigaw ni Trinity kaya napaawang ang labi ko "Ikaw ng bahala ah?" sabi niya at kininditan ako, gagawin ko ba talaga toh?

"$255,000!" napalingon ako sa tumaas ng kamay at nakita ang hindi pamilyar na babae na sinamaan ako ng tingin

"Hala! Nag-bid na si Monica" rinig kong mga bulungan kaya kumunot ang noo ko "Nakabalik na pala siya" rinig kong bulong ni Trinity kaya nagtaka ako "Bakit? Sino siya?" tanong ko

"She's Monica Lark, nasa London siya kaya hindi mo siya masyadong nakikita" sabi ni Trinity, bakit ang tingin niya parang may ginawa akong masama?

"Matagal na kasing may gusto yan si Monica kay Nathan, nagaway pa nga sila ni Dana" sabi ni Hazel, ayaw ni Nathan na pinagguguluhan siya so will I bid for him?

Tiningnan ko si Nathan na masamang nakatingin sakin na parang nagsasabing 'Pag hindi mo ko binili dito, lagot ka sakin' look kaya naningkit ang mata ko, do I have a choice then?

Tinaas ko ang kamay ko "$350,000!" sigaw ko "$350,000 for Ms. Ward!" pag-announce ng emcee na mukhang natutuwa sa nangyayari

"Going once... Going twice!" pagbilang niya at nagulat na lang kami ng tumayo si Monica na mukhang galit na galit na "I bid $450,000!" galit na sigaw ni Monica.

Habang tumatagal ay mas tumataas ang bid naming dalawa at ngayon nasa $850,000 na at ang nag-bid ay si Monica, halos kami na ang nagaaway dito kaya alam ko kung gaano siya ka-desparada na maka-date si Nathan para gumastos ng ganong kalaking pera

"$940,000!" sigaw ko, kung kaya niyang gumastos edi ako din noh! "$950,000!" pabalik na sigaw ni Monica kaya sinimulan na akong mairita, bwisit naman oh! Ayaw niya pa talaga sumuko ah?

Tingnan natin kung makaka-salita pa siya sa sasabihin ko "$999,000!" sigaw ko at mukhang natahimik ang buong kwarto, nakita ko ang pagaalinlangan ni Monica kaya napangisi ako

"Going once... Going twice!" pagbilang ng emcee.

One..

Two..

Three..

"Sold to Ms. Agatha Ward!" pag-announce ng emcee kaya nakahinga ako ng maluwag.

Sunod-sunod ang naging bidding at binili ni Trinity si Drake while si Hazel ay si Gabriel "Pumunta na po kayo sa back stage" sabi samin ng dalawang estudyante na humila samin kanina

"H-Ha? T-Teka" utal ko ng sinimulan na nila akong hilahin, jusko lord! Hindi pa po ako ready! Pwinesto nila ako sa harap ng kurtina

"T-Teka, anong gagawin ko?" tanong ko pero hindi niya ako pinansin "Now for our girls category" rinig kong sabi ng emcee "Tinalo niya si Pia Cooper bilang Campus Queen at ang kauna-unang transferee na nakasama sa ranking! She's fearless... She's beautiful.. Lets meet the St. Pristine's goddess.. Agatha Ward!" paga-announce ng emcee and I mentally froze when the curtains opened at bumungad sakin ang naghihiyawang tao, nakakahiya!

Pero mas nagulat ako sa biglang pagtulak sakin ng kung sino sa likod kaya gulat kong liningon ito at nakita si Trinity at Hazel na nakangiti sakin.

I awkwardly smiled at them "Now lets start the bidding!" sigaw ng emcee, nagulat ako ng biglang nag-agawan ang mga lalaki "$250,000!" nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Hiro na nagpatahimik sa kanila

"$255,000!" sigaw ni Jefferson "$265,000!" sigaw ni Harris "$450,000" napalingon ang lahat sa nagsalita at nanlaki ang mata ng makita si Nathan

"$455,000" sabi ni Hiro at nagkatinginan sila and that's where their 'little' fight began.

Breaking The Code: The Hidden Project (Carnations Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon