"Yuck! Kadiri naman oh!" sabi ni Dana habang naghuhugas ng plato at nakangiwi pa siya "Bakit kasi nawala pa ang panty mo Adri ha?" singhal niya sa katabi na nakangiwi din
"Kasalanan ko ba? Malay ko bang may manyak dito sa camp site?" sabi niya "Tumigil na nga kayo! Eww!" sabi ng isa pa nilang kaibigan na si Freya
"Ang arte" sabi ni Trinity sa tabi ko habang umiiling at nagulat ako sa biglang pagyakap sakin ni Gabriel "Mamimiss kita Agatha" sabi niya
"Gab, magkikita lang naman tayo sa bon fire mamaya" sabi ko "Kahit na!" sabi niya sabay ng paghila sa kanya ni Drake sa collar "Halika na, pinagpapapila na ni Sir ang lahat ng lalaki dun" sabi niya
"Bitawan mo ko! Pagkatapos niyo kong iwan ha?" sabi ni Gabriel "Ang drama mo Gabriel" sabi ni Drake "Hurry up, nagagalit na si Sir" sabi ni Nathan
"Tulungan mo kaya ako?" sabi ni Drake at pinagningkitan ng mata si Nathan "Sige, hawakan mo yung kamay, ako sa paa" sabi ni Nathan na ikinatigil ni Gabriel
"Ano? Hoy! Anong gagawin niyo sakin ha?!" singhal sa kanila ni Gabriel pero hindi nila ito pinansin at hinawak ni Drake sa kamay si Gabriel habang si Nathan ay sa mga paa niya
"Hoy! Bitawan niyo ko!" sigaw ni Gabriel at nagpumiglas habang naglalakad sila palayo "Tumigil ka nga, ibabato ka namin sa ilog eh" rinig kong sabi ni Drake na ikinasigaw ni Gabriel ng
"Rape! Rape!" na ikinatawa namin "Gago, anong rape? Mahiya ka nga, na babakla ka nanaman" sabi ni Drake habang papaalis sila
"For some reason, nagaalala ako sa kalagayan nila sa tent" sabi ni Trinity habang umiiling na tinawanan namin ni Hazel
"Halika na, baka naghihintay na si Apple satin" sabi ko na sinangayunan nila kaya bumalik na kami sa tent at naabutan na nakikipaglaro si Apple kay Sophia
"Galit na galit kanina si Mr. Choi at Sir Trinidad sa mga lalaki kanina, mukhang makakatikim lahat sila ng sermon mula sa Faculty Head at Guidance Councilor" sabi ni Hazel
"Dahil ba yun sa pagnanakaw na naganap?" tanong ni Trinity kaya tumango si Hazel "Sinong hindi magagalit? Parang binastos mo na din ang kamag-aral mo, isipan mo kaya, sa lahat ng pwedeng nakawin bakit kailangan underwear pa?" sabi ni Apple at umiling
"Sabagay, pati ako magagalit kung nalaman kong may kumuha sa underwear ko" sabi ni Trinity at nagkibit balikat, nginitian ko sila at walang pasabi-sabing pumasok ng tent at linabas ang malaking Nova ko sa bag, grabe hindi ako na busog sa pagkain namin kanina pero nagulat ako ng biglang tumunog ang walkie-talkie ko sa bag kaya agad ko itong kinuha at sinagot hello
"Hello?" sabi ko "H...Hello? Okay lang ba kayo?" sabi sa kabilang linya at nalaman ko agad kung sino "Oh Gabriel, bakit?" sabi ko
"Wala lang hahaha!" halakhak niya pa sa kabilabg linya na ikinailing ko "Teka kumakain ka ba?" sabi niya kaya natawa ako
"Ano ba Gabriel, matulog ka na nga!" rinig kong sabi ni Drake sa kabilang linya
"Anong matulog na? Ang aga pa kaya" sabi ni Gabriel at rinig ko ang mga kaluskos na parang ginagalaw ang walkie-talkie bago ito mawala kaya nagtatakang binaba ko ang walkie-talkie at linagay ulit sa bag, hays! Nakaka-antok naman toh oh! Matulog na lang kaya ako? Hmm, mabuti pa.
_
Nagising ako sa pagtapik ng kung sino sa pisngi ko pero hindi parin ako dumilat "Agatha, gising na" sa boses pa lang alam ko ng si Trinity toh
"Agatha!" sigaw niya sabay yugyog pa ng malakas sakin "Wala na finish na, ikaw na ang living alarm clock" rinig kong sabi ni Apple at tumawa pa
"Ako pa? Ito atang boses ang alarm clock ni Drake" sabi ni Trinity at tumawa "Tingnan mo oh, ayaw talagang gumising" rinig kong sabi ni Trinity
"Hoy Agatha, magbo-bonfire na kaya gumising ka na diyan" sabi ni Apple kaya napahikab ako at dahan-dahan na minulat ang mata ko
"Ganun na ba ako katagal natulog at ginising niyo pa ako sa bonfire?" sabi ko at unti-unting bumangon "Oo, kaya dalian mo na, tayo na lang ang hinihintay dun" sabi ni Trinity
"Si Hazel?" tanong ko ng hindi ko siya makita sa loob ng tent "Nandun na sa labas, kasama ang mga lalaki" sabi niya kaya tumango ako
"Mauna na kayo, susunod na lang ako" sabi ko kaya tumango na lang sila at lumabas ng tent. Nag-stretching pa ako bago tinanggal ang pagkakatali ng buhok ko at ginulo ang buhok ko para magmukhang messy hair na maganda sakin tingnan, sinuot ko ang P.E jacket na hinubad ko kanina bago matulog at lumabas ng tent kung saan bumungad sakin ang madilim na lugar at rinig na rinig ko ang mga ingay sa malayo at kitang-kita ang bonfire sa gubat
"Arf! Arf!" lumingon ako kay Sophia ng tumahol ito "Dito ka lang ah? Bawal ka kasi sumama" sabi ko habang hinahaplos ang balahibo niya at tumayo sa pagkakaupo, humikab muna ako bago kumuha ng flashlight sa tent at sinara yun bago pumasok sa gubat at sinundan ang ingay at bonfire then suddenly, nakarinig ako ng kaluskos kaya tinapat ko dun ang flashlight ng mabuti.
For some reason kumabog ang puso ko sa kaba at takot, ramdam ko na may nakatitig sakin na mas lalong nagpakaba sakin and I mentally screamed when someone held my shoulder at pilit na pinaharap sa kanya kaya sa sobrang gulat ko ay aksidente ko siyang nasuntok
"Aray" daing niya kaya bumalik ako sa katinuan "Oh my! I'm so sorry, nagulat lang ako" sabi ko pero umiling lang siya at hinawakan ang labi niyang pumutok
"Sorry, nasugatan pa tuloy kita" sabi ko "Okay lang, ikaw si Agatha diba?" sabi niya kaya nagtataka akong tumango "Ako si Luis, Grade 12 at nakita kitang naglalakad sa gubat kaya na isip kong naliligaw ka" sabi niya
"Susunod ako sa bonfire pero nakarinig ako ng kaluskos kaya nasuntok kita sa sobrang gulat, sorry ulit" sabi ko "Okay lang, mukhang bumalik na ang kaibigan ko" sabi niya
"Kaibigan mo?" tanong ko "Oo, sinundan ko siya dito sa gubat pero nakita kita" sabi niya kaya napatango-tango ako
"Samahan na kita papunta sa bonfire, baka kung ano pa ang mangyari sayo, gabi pa naman at maraming wild animals" sabi niya kaya napatango na lang ako at sinundan siya pero hindi ko mapigilan na tumingin sa likod ko, bakit feeling ko may laging tumitingin sakin? O baka feeling ko lang yun?
BINABASA MO ANG
Breaking The Code: The Hidden Project (Carnations Series #2)
Mystery / Thriller_ Carnations Series #2: She survived being in the Isle Residence and survived the school of card games. Will Journalists Club find the answers to the mystery? And will Agatha finally break the code to this underworld? To this chaos? To this mind bre...
