Isang araw na ang nakalipas pero nanatili ang pangamba sa dibdib ko "Okay ka lang ba? Namumulta ka ata Agatha" sabi ni Apple sakin kaya umiling ako "Okay lang ako" sabi ko at ngumiti pa, nasa locker room kami ng gym dahil magpapalit kami ng P.E uniform
"I heard about sa kaso niyo nung ma-frame up si Trinity" sabi ni Apple habang hinuhubad ang jumper niya na ginawa ko din "Oo, ano dun?" tanong ko at hinubad ang medyas ko
"Marunong ka pala mag-Tea Kwon Do?" sabi niya kaya tumango ako habang hinuhubad ang polo ko
"Kailangan ko kasi pag-aralan yun dahil sabi ni Daddy ay wala sila lagi sa tabi ko para protektahan ako kaya kailangan ko matuto kung paano protektahan ang sarili ko" sabi ko at tuluyan ng hinubad ang polo ko sabay tiklop at ayos sa damit ko bago pinasok sa locker at linabas ang P.E ko at sapatos
"Wow! Galing naman" sabi niya kaya natawa ako "Kamusta na pala si Harris?" tanong ko hababg sinusuot ang shorts na hanggang tuhod ko
"Okay lang, hindi parin siya tuluyan naka-move on kay Hallie pero naiintindihan ko naman siya eh but we are in the process of moving on" sabi niya at ngumiti kaya napatango ako at sinuot ang t-shirt at P.E jacket ko
"I'm sure Hallie is happy kung saan man siya sa langit" sabi ko at ngumiti sabay suot ko ng medyas "I hope so, i-tanggi ko man o hindi, alam ko sa sarili ko na namimiss ko siya" sabi niya at sabay na namin sinuot ang sapatos.
Hinanap ko ang pamuyos sa locker at tinaas pa ang mga damit ko pero nahulog lang ito sa sahig kaya lumuhod ako
"Ano yan?" tanong ni Apple at natigilan ay sa nakita 'How are you today, Agatha?' yun ang sabi sa letter at may heart shape pa sa dulo pero kumabog ng matindi ang puso ko ng makita ang picture na nakadikit sa letter, picture ko yun na nakatanaw sa bintana at mukhang malalim ang iniisip ko
"Nakakatakot naman yan" sabi ni Apple habang nakatingin sa picture at letter kaya tinago ko yun sa bulsa ko at kinuha ang pamuyos ko sabay tayo
"Sweet pa tingnan kung may sulat pero kung may picture? Ang creepy nun tingnan, stalker mo ba yan Agatha?" tanong niya habang sinasara ko ang locker
"Hindi ko alam pero natatakot na din ako" sabi ko kaya natahimik siya "Naka-recieve ako ng message galing sa unknown number nung Saturday na nagsasabing 'You will be mine soon' at may picture pang kasama kung saan ako nanggaling at sa mall yun" sabi ko at umiling
"Oh god! Sinabi mo na ba toh kay Nathan?" tanong niya na may bahid ng pagaalala kaya agad akong umiling "Sabihin mo sa kanya Aggi, hindi biro ang nangyayari sayo, malay mo na obssess pala yan na stalker mo sayo" sabi niya at hinawakan ang balikat ko
"Pero ayoko siyang magalala" sabi ko at kinagat ang labi ko "Kailan na ba yan nagsisimula?" tanong niya "Ngayon lang" sabi ko
"Wag mo na muna sabihin kay Nathan pero kung pagkalipas ng isang linggo na nangyayari parin ito ako mismo ang magsasabi kay Nathan" sabi niya kaya ngumiti ako at tumango
"Good, halika na baka hinihintay na tayo dun ni Sir" sabi niya kaya tumango ako habang pinupuyos ang buhok ko, Sana naman tumigil na ang stalker issue ko na toh.
♠♣•♠♣•♠♣•♠♣•♠♣•♠
Dalawang linggo na ang nakalipas pero tuloy-tuloy parin ang nangyayari sakin, araw-araw may nagiiwan ng rose, letter, at picture ko pero hindi gaya nung una na nasa gym locker ay sa mismong school locker na ito linalagay o kaya naman ay sa text message at habang tumatagal ay mas lalong natatakot at kinakabahan ako
"Agatha!" sinara ko ang locker ko at liningon ang tumawag pero hinintay ko siya na makalapit bago magsalita "Ikaw pala Harris" sabi ko at ngumiti
"Nakita mo ba si Apple?" tanong niya kaya agad akong umiling "Nasa field ata" sabi ko at nagkunot ang noo ko ng biglang mag-seryoso ang mukha niya at hinawakan ang braso ko
"M-May problema ba Harris?" utal ko "Mag-ingat ka Agatha, lagi kong nakikita na may nakasunod sayong lalaki simula ng matapos ang kaso ni Hallie" sabi niya kaya kumabog ang puso ko
"A-Ano?" utal ko "Na ikwento sakin ni Apple na may stalker ka daw kaya naalala ko yung lalaki na laging nakasunod sayo, akala ko nung una isa lang siya sa mga secret admirer mo pero hanggang tumatagal ay nagiging creepy na siya" sabi niya
"Nakita mo ba yung mukha niya?" tanong ko kaya umiling siya "Sadly no, lagi siyang may suot na baseball cap kaya hindi ko siya mamukhaan" sabi niya
"Ganun ba? Magiingat na ako simula ngayon" sabi ko "Halika na, sasamahan kita papunta sa clubroom mo" sabi niya kaya kumunot ang noo ko
"Paano mo naman alam na pupunta ako sa clubroom?" tanong ko at tinaasan siya ng kilay kaya ginulo niya ang buhok ko habang tumatawa
"Nakasanayan ko na ata na nakikita ka tuwing break na naglalakad papunta sa clubroom" sabi niya kaya natawa na din ako.
_
"Thank you" sabi ko at ngumiti "Sige na, mauuna na ako" sabi niya bago umalis kaya pumasok na din ako sa clubroom at nagtaka ng makita na lahat sila nakatingin sakin
"Ano ang ibig sabihin nito Agatha?" tanong ni Nathan habang nakatalikod sakin kaya kumunot ang noo ko "Ha?" sabi ko kaya humarap siya sakin at nanlaki ang mata ko ng makita ang hawak niya
"N-Nathan bakit mo yan hawak?" utal ko pero hindi niya ako pinansin at hinampas ang lamesa kaya napaatras ako "Totoo bang may stalker ka?" tanong niya at kita ko ang galit sa mga mata niya kaya napalunok ako
"Nathan hindi naman ganun kalala eh" sabi ko at kita ko ang marahas niyang pag-iling
"Hindi malala? Ha! This guy is freaking obssess with you, pati picture mo kasama" sabi niya "Pabayaan mo na-" naputol ang sasabihin ko ng hampasin niya ulit ang lamesa
"Hindi ko toh pwede pabayaan Agatha, what will you think I'll feel when I see my sister getting stalked by an obssessed stalker!" sigaw niya kaya natigilan ako sa sigaw niya, galit na talaga siya, galit na galit.
BINABASA MO ANG
Breaking The Code: The Hidden Project (Carnations Series #2)
Mystery / Thriller_ Carnations Series #2: She survived being in the Isle Residence and survived the school of card games. Will Journalists Club find the answers to the mystery? And will Agatha finally break the code to this underworld? To this chaos? To this mind bre...
