"Tuloy pa yung plano natin mamayang gabi" sabi ni Gabriel "Hindi ba delikado Nathan?" tanong ko
"I'm fine, bahala kayo sa buhay niyo kung anong gawin niyo" sabi niya at nagkibit balikat kaya pinagningkitan namin siya ng mata, kainis ah?
"Agatha" napalingon ako sa tumawag at napaatras ng makita siya "Anong ginagawa mo dito hapon?" sabi ko at mukhang nagtitimpi siya ng galit kaya pinigilan ko din matawa
"Can we go have lunch together? Libre ko" sabi niya kaya napangiwi ako "Nababaliw ka na ba, Hiro? Bumait ka ata? O baka baliw ka na talaga?" sabi ko at kita ko na sinamaan niya ako ng tingin
"Abat-" sabi niya at bumuntong hininga "Bawal ba makipag-kaibigan?" sabi niya at pinag-krus ang braso "Malay ko" sabi ko at nagkibit balikat
"Argh! Hoy babae! Ako na nga tong nagmamagandang loob na makipag-kaibigan sayo eh, ano ba ang kailangan kong gawin ha?" sabi niya kaya tumaas ang kilay ko
"Gagawin mo ang lahat?" sabi ko kaya tumango siya, linapitan ko siya at ginulo ang buhok niya pero hindi siya nagreklamo at tiningnan lang ako
"Just smile" sabi ko at ngumiti bago lumayo sa kanya "Ngumiti? Yun lang?" sabi niya kaya tumango ako "Yun lang naman pala eh" sabi niya and smiled pero hindi yun sapat
"A real one Hiro, a smile that tells me your happy at kung nagawa mo yun baka pumayag ako na maging kaibigan ka" sabi ko bago umalis kaya sinundan nila ako
"Hoy Agatha, sino yun?" tanong ni Trinity "Si Hiro Kurosawa anak ni Fumiya Kurosawa" sabi ko at kita ko ang pagkagulat nila "Nakilala mo na siya?" tanong niya kaya tumango ako
"While in the hallway" sabi ko, kita ko ang pagtataka sa mukha nila pero hindi na sila nag-tanong, magiging okay lang ba ang paglabas namin mamayang gabi?
_
Sinuot ko ang itim na backpack bago dahan-dahan binuksan ang pinto sabay ng pagbukas din ng pinto sa harapan ko
"Okay na?" bulong ko kaya tumango siya, sabay kaming lumabas ng kwarto at dahan-dahang sinara ang pinto "Tulog na ba sila?" mahinang bulong ko kaya tumango siya.
Tahimik kaming umalis ng mansyon pero napaawang ang labi ko ng makita ang sasakyan namin "Seryoso ka? Magmo-motor tayo?" hindi ko makapaniwalang sabi kaya tumango siya at inayos ang black leather jacket niya
"Para saan pa at sinuot ko toh?" sabi niya kaya tiningnan ko ang kasuotan niya, puting v-neck t-shirt, itim na pantalon, itim na snickers at itim na leather jacket
"Magpasalamat ka bagay ang damit ko" sabi ko kaya natawa siya pagkatapos tingnan ang kasuotan ko, naka-puti din akong blouse, itim na high ways na pantalon, itim na leather jacket, itim na boots, at itim na beanie
"Sumakay ka na lang" sabi niya ng makasakay na siya sa motor "Opo, kuya" natatawang sabi ko bago umangkas sa likod niya
"Wag mo kong sabing tawaging kuya" sabi niya at pinaandar ang motor, napayakap ako sa bewang niya ng humarurot ang motor
"Sa tingin mo nandun na ba sila?" tanong ko "Oo, naghihintay na sila sa labas ng gubat" sabi niya. Hindi din tumagal at nakadating kami sa destinasyon namin
"Matching kayo ngayon ah?" sabi ni Trinity ng makababa kami sa motor "Matching tayo lahat" sabi ko which is true, lahat kami naka-itim at puti
"Hindi pa ba tayo papasok?" tanong ni Gabriel habang kumakain ng potato chips, meron siyang itim na kalo at nakababa ang face mask niya
"Puros pagkain nanaman ang bag mo" sabi ko at hinampas ang bag niya para tumunog ang mga wrapper ng titserya sa loob "Ano pa bang bago?" sabi ni Hazel at tumawa lang si Gabriel
"Halika na" sabi ni Drake na naka-suot ng gray ng beanie at head phones. Kinuha namin ang flashlight sa sari-sariling bag bago pumasok ng gubat
"Siguraduhin mong hindi tayo dito maliligaw Drake kundi.." sabi ni Trinity "Kundi ano?" tanong ni Drake
"Sisirain ko ang pinakamahal mong si Choco" sabi ni Trinity and I could hear Drake gasped "You won't dare" sabi niya at pinagningkitan ng mata si Trinity na inirapan lang siya
"Try me" panghahamon din niya kaya mukhang natakot si Drake, ilang minuto pa kaming naglakad at nagsimula ng sumakit ang paa ko
"Wala pa ba tayo? Nangangawit na ang mga paa ko" pagreklamo ni Trinity "Wag ka ng umarte, malapit na tayo" sabi ni Drake kaya wala kaming choice
"Masakit na ba ang paa mo?" tanong ni Gabriel sa gilid ko "Medyo lang pero kaya ko pa" sabi ko at ngumiti kaya tumango na lang siya, sinimulan ulit namin maglakad kaya tiningnan ko ang oras.
12:05
Inaantok na ako! Magrereklamo na sana ako ng biglang may dumaan na ilaw at nagulat ako ng hilahin ako ni Nathan papunta sa likod ng puno
"Ano yun?" tanong ko "May gwardya" bulong niya at nakarinig ako ng kaluskos "Dalian mo na! Nagugutom na ako!" narinig kong sigaw mula sa malayo
"Teka lang! Naiihi na talaga ako!" sigaw pabalik ng lalaking hindi gaano kalayo sa pwesto namin at nakarinig ako ng pagtulo ng tubig
"Haayy!" sabi ng lalaki kaya napangiwi ako, kadiri! umiihi siya! Nakita ko din ang pagngiwi ni Nathan pero kita ko ang pagpipigil ng tawa ni Gabriel sa kabilang puno so I signed him na 'Kung hindi mo yan pipigilan, patay ka sakin' mabilis niyang tinakpan ang bibig pero halata parin ang pagpipigil niya ng tawa.
Rinig ko ang pagsara ng lalaki ng zipper at ang paglakad niya palayo kaya nakahinga ako ng maluwag at lumabas mula sa pinagtataguan namin
"Kadiri naman!" nakangiwing sabi ni Trinity kaya natawa ako "Mukhang kakain ang mga gwardya kaya kailangan na natin dalian" sabi ni Nathan kaya tumango kami, pumunta kami sa pinaka-dulo ng gubat pero sinigurado namin na hindi kami makikita.
Makikita mo ang isang lumang building na mukhang factory pero may mga electrical fence na nakapalibot dito at mga apat na gwardya bawat entrance
"May mga bantay Nathan, paano tayo makakapasok?" tanong ko "Walang gwardya na hindi natutulog sa shift niya at aalis din yan mamaya para kumain" sabi niya kaya naghintay kami ng ilang minuto at unti-unti na ngang nakatulog ang ibang gwardya at ang iba naman ay umalis para kumain
"And that's how we will get in" sabi niya kaya napatango kami.
BINABASA MO ANG
Breaking The Code: The Hidden Project (Carnations Series #2)
Mystery / Thriller_ Carnations Series #2: She survived being in the Isle Residence and survived the school of card games. Will Journalists Club find the answers to the mystery? And will Agatha finally break the code to this underworld? To this chaos? To this mind bre...
