"Ako na ang bahala diyan Jhaira, mukhang hindi ka marunong gumamit ng kitchen knife" sabi ko at kinuha sa kanya ang kitchen knife "Sorry, hindi kasi ako marunong magluto" sabi niya kaya bumaba ang tingin ko sa mga kamay niya at papunta ulit sa mukha niya
"Okay lang, puntahan mo si Trinity, may dala siyang first aid kit, ipagaling mo muna yang sugat mo sa kamay" sabi ko kaya napatingin siya sa kamay niyang maraming sugat dahil sa paggamit niya ng kutsilyo
"Sige" sabi niya bago paghugas ng kamay at umalis kaya tinuon ko na lang ang atensyon sa pag-hati ng meat at carrot "You have good cooking skills" dahil sa gulat ay napalayo ako at bumungad sakin ang tumatawang lalaki
"Oh sorry, did I startle you?" tanong niya habang tumatawa "B-Bakit ka nandito? Diba dapat nagdadala ka ng kahoy?" tanong ko
"Kakatapos ko lang ng makita kitang nagsla-slice ng carrot" sabi niya "Ganun ba?" sabi ko kaya tumabgo siya "Mabilis kang gumamit ng kutsilyo, lagi kang nagluluto noh?" tanong niya kaya natawa na lang din ako at pinagpatuloy ang pag-hati sa carrot
"Not really, busy kasi ang Tita at Tito ko dati kaya ako ang gumagawa ng lunch box ko at para may thrill naman ay gumagawa ako ng Bento box" sabi ko at ngumiti ng bumalik ang mga alaalang kasama ko pa sina Tita Lucy at Tito Gray
"Your Agatha right?" sabi niya kaya tumingin ako sa kanya habang nakakunot ang noo "Paano mo nalaman ang pangalan ko?" tanong ko
"I'm David, sikat ka sa building eh" sabi niya kaya tumango ako "Do you want to help me?" tanong ko kaya tumango siya, binigay ko sa kanya ang kutsilyo kaya siya na ang nag-hati ng carrot
"Mukhang magaling ka din magluto ah?" sabi ko habang nakatingin sa kamay niyang mabilis ang paggalaw sa paghati ng carrot "Bilang HRM student, kailangan ko talaga pag-aralan ang mga ganito" sabi niya kaya gulat ko siyang tiningnan
"Your a senior high student?" tanong ko kaya tumawa siya "Hindi ba halata?" sabi niya kaya umiling ako "Akala ko kasing edad lang tayo" pagtawa ko kaya natawa na din siya
"Ang bata ko ba tingnan?" tanong niya kaya tumango ako "Baby face ka eh" sabi ko "Agatha" napalingon ako sa tumawag at ngumiti ng makita si Janine
"Ikaw pala Janine" sabi ko pero nagulat at napangiwi ako ng bigla akong hinila ni Janine papunta sa likod niya, napakagat labi ako dahil sa hapdi na nararamdaman ko sa braso dahil sa sugat ko
"Bakit ka nandito? Tulungan mo na ang iba dun" sabi ni Janine at kumunot ang noo ko ng makita ang seryoso niyang mukha, may galit ba toh kay David?
"Sige, kita na lang tayo sa bon fire Agatha" sabi niya bago umalis kaya liningon ako ni Janine at hinawakan sa balikat "Wag kang makikipagusap dun kay David" sabi niya kaya kumunot ang noo ko
"Bakit naman?" tanong ko "Kilala yun bilang manyak sa Grade 12 kaya magingat-ingat ka dun" sabi niya kaya tumango ako
"Tutulungan ko lang sila dun" sabi niya bago umalis kaya tintigan ko ang papalayo niyang likod, kilala bilang manyak si David? You can't really judge a book by its cover. Napailing ako sa iniisip at pinagpatuloy ang paghihiwa ng carrot.
Pagkatapos mahanda ng mga pagkain ay linagay na ito sa isa-isang lamesa and obviously kami lang na magka-clubmates ang nagsama sa lamesa kasama si Apple
"Hindi pa ba tayo kakain? Gutom na ako" sabi ni Gabriel habang nakahawak sa tsyan niya "Oo nga Agatha, pakainin mo na kami oh" pagmamakaawa din ni Trinity kaya natawa ako
"Kailangan daw natin maghintay ng thirty minutes sabi ni Kathie bago kumain" sabi ko at liningon si Kathie na tinitingnan ang orasan niya and they both groaned
"Konting hintay na lang, twenty minutes na lang tayo maghihintay, sabi daw kasi ni Kathie mas sasarap yung curry kung maghintay tayo" sabi ko at nginitian sila na sumubsob lang sa lamesa sa sobrang gutom
"Arf! Arf!" napalingon ako sa paanan ko ng may tumahol at lumuhod para hawakan ang balahibo ni Sophia "Gutom ka na ba?" tanong ko na sinagot niya ng tahol kaya kinuha ko sa kusina ang dog plate niya na kinuha ko kanina sa tent bago linagyan ng pagkain at binigay sa kanya
"Teka lang! Bakit si Sophia merong pagkain kami hindi?" tanong ni Trinity "Aso si Sophia, malamang mauuna siya" sabi ko habang umiiling-iling na sinangimutan lang nila
"Hindi ba kumain ka na ng Patata at Nova sa tent?" tanong ko kaya ngumuso suya "Hindi yun sapat para mabusog ako Agatha" sabi niya kaya natawa na lang ako
"Time's up!" sigaw ni Kathie kaya sabay-sabay ang mga estudyanteng lumingon na ikinatawa ko, gutom na gutom na nga sila. Umiling dahil parang na buhayan silang lahat sa sigaw ni Kathie
"Pwede na kayong kumain!" sigaw niya at kasing bilis ng kidlat silang gumalaw at kumain "Mmm! Masarap nga!" sabi ni Trinity habang ngumunguya na sinangayunan ni Gabriel kaya umupo na ako katabi ni Nathan at nagsimula na ding kumain, bwisit! masarap nga! Hindi ko man aminin pero gutom na din ako kanina pero tiniis ko
"May activity daw tayong gagawin sa bon fire" sabi ni Trinity "By section ba yan?" tanong ko "By grade daw, kaya sama-sama ang lahat ng section ng Grade 10 sa bon fire" sabi ni Apple kaya napatango ako
"Teka narinig kong may nawawala daw sa camp site niyong gamit" sabi ni Drake kaya napalingon kami sa kanya "Saan mo naman yun narinig?" tanong ni Trinity
"Narinig ko sina Dana at ng kaibigan niyang naguusap" sabi ni Drake at nagkibit balikat "Ano daw yung nawala?" tanong ko
"Underwear" sabi ni Apple kaya napalingon kami sa kanya "Underwear? Baka na misplace niya lang sa bag niya" sabi ni Trinity
"Hinalungkot na daw nila ang bag pero yung isang panty ni Adrianna nawawala" sabi ni Apple, inisip ko na baka ang Adrianna na sinasabi niya ay ang kaibigan ni Dana
"Alam mo naman si Dana at ng grupo niya trouble makers kaya ayun imbes tumulong sa pagluluto, lumangoy pa sila sa ilog at dun na nga nawala ang underwear kaya ayun pinarusahan sila na sila ang maghuhugas ng mga plato mamaya, ang pinaghihinalaan ngayon ng mga faculty kayong mga boys, kasi diba? Saktong pumunta kayo may nawala at ang malala pa ay underwear, sinong hindi maghihinala?" sabi ni Apple habang umiiling, sino naman ang may gustong kumuha ng underwear?
BINABASA MO ANG
Breaking The Code: The Hidden Project (Carnations Series #2)
Mystery / Thriller_ Carnations Series #2: She survived being in the Isle Residence and survived the school of card games. Will Journalists Club find the answers to the mystery? And will Agatha finally break the code to this underworld? To this chaos? To this mind bre...
