♠104♣

74 2 0
                                        

Susunod na araw ay ginawa na namin ang plano namin "Walang nakakaiba sa mga faculty except for Mr. Choi na kung sino na lang ang kausap sa labas ng school" sabi ni Gabriel

"And Sir Trinidad always talking to the share holders" sabi ni Drake "So tama nga ang hinala natin na may kinalaman ang share holders sa Hive" sabi ni Trinity

"Maybe their the one helping erase evidence that concerns the project" sabi ni Gabriel "Teka, alam niyo ba yung pangalan ng mga share holders?" tanong ko kaya umiling sila

"Nasa President's office ang listahan ng mga share holders" sabi ni Drake kaya kumunot ang noo ko "President's office? Diba dapat nasa Principal's?" tanong ko

"Masyado daw private ang mga share holders ng school kaya sa President's office linagay" sabi ni Gabriel "Alam mo naman ang St. Pristine diba? Masyadong misteryoso, parang hindi ka pa nasanay" sabi ni Trinity

"So anong plano natin?" tanong ni Gabriel "Papasukin natin ang President's office mamayang uwian" sabi ni Nathan kaya napalingon kami sa kanya

"Ano?" gulat na sabi ni Trinity "Hindi ba yun masyadong delikado?" tanong ni Drake kaya umiling si Nathan

"Papasukin natin ang school pag wala na ang mga faculty at staff at tanging ang guard na lang ang natira" sabi niya

"Saan tayo dadaan?" tanong ko dahil imposible na makadaan kami sa main gate at sa first at third dahil may nakabantay dun na tig-apat na gwardya completely armed

"The back gate, walang gwardya na nakabantay dun dahil hindi naisip ng school na may gagamit pa sa back gate ng school" sabi niya kaya napatango kami, we have to find out kung sino ang mga kinalaman at tumutulong sa Hive.

_

"Grabe para tayong mga magnanakaw!" excited pa na sabi ni Gabriel kaya napailing na lang ako "Masaya ka pa talaga?" sabi ni Trinity at umiling

"Of course! Minsan lang natin toh magawa noh" sabi niya at linabas ang phone "Magvi-video ka?" tanong ni Drake kaya tumango si Gabriel

"Bawal ba?" sabi niya kaya bintukan siya ni Drake "Baliw ka ba o sadyang baliw ka talaga?" tanong ni Drake kaya tumawa si Gabriel at tinago ang cellphone niya.

Hindi ko naman masisisi si Gabriel dahil tama siya, mukha nga kaming magnanakaw sa damit namin, naka-all black kami na pantalon at t-shirt with matching leather jacket pa na may hoddie at black na face mask na may kasamang Gabriel twist, napagisipan niya kasi na mag-suot kami ng gloves para daw hindi kami makaiwan ng ebidensya, parang mga kriminal talaga noh?

"Gabriel bakit mo yan dinala?" tanong ko ng makita na may linabas siyang baseball bat sa van "Astig kaya" sabi niya kaya hinawakan ni Drake ang baseball bat at binalik sa van

"Ihampas ko yun sayo, gusto mo?" sabi niya habang nakataas ang kilay kaya napanguso si Gabriel "Halika na nga" sabi ni Nathan kaya sumunod kami

"Guys hindi ba toh illegal na ginagawa natin?" tanong ni Trinity "Hindi, pero sigurado akong ma ki-kick out tayo" sabi ko at mukhang nag-hypervintelate si Trinity

"Ano? May pangarap pa ako guys! Gusto ko maka-graduate!" sabi niya, half whispering "Wag kang OA, para kang si Drake" sabi ni Gabriel kaya mahina akong natawa

"Teka, tataas talaga tayo diyan?" tanong ni Trinity kaya napatingala ako sa gate na nasa harapan namin "Parte ata kami ng akyat bahay gang, Trinity" sabi ni Gabriel habang nakangisi kaya napailing ako habang natatawa, akyat bagay gang talaga?

"Aalayan namin kayong mga babae kaya dalian niyo na" sabi ni Nathan kaya nag-pwesto na yung dalawa sa harap ng gate habang nasa harapan ang mga palad nila na parang sinasabi samin na apakan namin ang kamay nila at tumalon para makadaan sa kabilang gilid

"Seryoso kayo?" tanong ni Trinity habang nanlalaki ang mata "Its better than never" sabi ni Hazel at tumakbo bago inapakan ang kamay ni Gabriel at hinawakan ang gilid ng gate at tumalon papunta sa kabilang gilid ng gate kaya natawa ako

"Gagawin talaga natin Agatha?" tanong ni Trinity kaya ngumiti ako "Just believe that parte talaga tayo ng akyat bahay gang" sabi ko, hindi ko na hinintay ang sagot niya at tumakbo bago apakan ang kamay ni Nathan sabay talon at hawak sa gate bago pumunta sa kabilang gilid

"That is not a good advice Aggi" sabi niya kaya natawa ako "Kaya mo yan Trinity" sabi ko and gave her a thumbs up

"Dalian mo na Trinity, nagsasayang ka ng oras" singhal sa kanya ni Drake na mukhang nangangawit na, kita ko ang pagbuntong hininga ni Trinity bago tumakbo at ginawa ang ginawa namin ni Hazel

"Oh my god!" sabi niya ng makaapak siya sa lupa "Diba? Madali lang" sabi ko "Easy for you to say" sabi niya habang hinihingal kaya natawa ako, madaling naka-abot ang mga lalaki dito na parang sanay na sanay na sila, grabe pang akyat bahay gang talaga ah?

Natawa ako nung kompleto na kami sa loob ng school "May benefit din pala ang pag-akyat natin sa puno at sa bahay ni Drake nung bata pa tayo" pagtawa ni Gabriel kaya napailing ako

"Every thirty minutes naglilibot ang guard kaya dalian na natin" sabi ni Nathan kaya nagmamdali kaming pumasok ng high school building

"Paano mo pala alam ang mga schedule ng guard?" tanong ko "I have my ways Agatha" sabi niya habang nakangisi kaya napailing ako, Nathan Isle is still and will be a mystery to me.

Habang naglalakad kami sa madilim na hallway ay nagsitaasan ang balahibo ko dahil na din sa takot "Marami na ang namamatay sa St. Pristine, baka may magpakita satin dito" sabi ni Gabriel kaya agad siyang binatukan ni Trinity

"Tumigil ka nga, ikaw ang patayin ko eh" sabi niya at kwinelyuhan si Gabriel na tumawa lang

"Ssh, nandito na tayo" pagtatahimik samin ni Drake kaya tinanaw ko ang bintana at nakita na naglilibot na ang mga guard na may humawak na flashlight, umatras ako ng lumingon ang isang guard sa gawi ko at tinutok ang flashlight "Naglilibot na ang guard" sabi ko

"Malapit na ba yan Drake?" tanong ni Nathan at liningon si Drake na hina-high jack ang lock ng pinto gamit ang hair pin

"Teka.. Ayun!" sabi niya at tumayo bago pumasok ng President's office then lumipat ang tingin ko sa CCTV.

Breaking The Code: The Hidden Project (Carnations Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon