"So bati na kayo ganun?" sabi ni Gabriel habang nakatingin samin ni Nathan kaya tumango kami, nakasandal si Nathan sa upuan niya habang nakapikit at naka-krus ang braso, nasa taas din ng mesa ang paa niya na naka-krus habang ako ay nakaupo at kinakain ang binili niyang butterscotch cookies
"Marupok ka naman pala Nathan eh" sabi ni Trinity habang nakapamewang kaya nabulunan ako sa kinakain at mahinang natawa habang sinamaan ni Nathan ng tingin si Trinity
"Eto na pala ang listahan" sabi niya at pinakita sakin kaya binasa ko.
Second Year:
George Esmundo
Kyle De Rojas
Third Year:
Fred Zine
James Shin
Danny Crib
Fourth Year:
Jared Esteban
Micheal Del Mundo
Henry McKenzi
Senior, First Year:
Enrique Perez
Sean Red
Marcus Reyes
Senior, Second Year:
Kai De Leon
Cain Delos Sario
Cris Evans
Zander Marqueza
Kasama si Kai? Baka pwede niya kami tulungan "Kilala ko ang isa dito" sabi ko kaya lumapit sila sakin "Sino diyan?" tanong ni Gabriel
"Si Kai De Leon, nakilala ko siya nung Intrams baka pwede niya tayo tulungan" sabi ko "Sigurado ka bang pwede natin yan pagkatiwalaan?" tanong ni Drake kaya nagkibit balikat ako
"We'll not know if we don't try" sabi ko "Pero kailangan natin maging alerto - umf!" napatigil sa pagsasalita si Drake tadyakan siya ni Trinity sa tsyan
"Bakit ka ba nangta-tadyak ha?" singhal ni Drake dito "Ang daldal mo kasi eh, para kang boy scout sa sinasabi mo" sabi ni Trinity at inirapan si Drake na umupo sa sofa habang hawak ang tsyan niya
"Ang dami nila" sabi ko habang nakatingin sa listahan "Talaga, pinaghirapan kong makuha yan" sabi ni Trinity kaya nagtatakang tumingin ako sa kanya
"Bakit? Anong ginawa mo?" tanong ko "She danced 'Ang tatlong bibe' and signed the papers na pipirmahan ni Kathie" sabi ni Hazel kaya pinanlakihan siya ng mata ni Trinity kaya natawa ako
"You really did that? Para sakin?" tanong ko kaya tumango siya pero kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi niya
"Syempre, kaibigan kita eh" she murmured kaya napangiti ako.
Kaibigan, a word that is once so foreign to me.
"Thank you Trinity" sabi ko at ngumiti kaya ngumiti siya pabalik "Hays! Miss ko na si Sophia" sabi ko at bumuntong hininga
"Napalapit ka na ata kay Sophia ah?" sabi ni Gabriel habang inaasar si Drake "Oo, magkatabi nga kami natulog nun eh" sabi ko at tumawa
"Bukas na tayo mag-imbestiga and Agatha ayokong naglalakad ka sa hallway ng walang kasama" sabi ni Nathan kaya napangiti ako
"That's easy, lagi na lang may susulpot bigla at sasabay sakin sa paglalakad gaya na lang ni Gabriel" sabi ko at tiningnan si Gabriel na kinindatan ako
"Tutusukin ko yan na mata mo kung hindi ka tumigil" sabi ni Nathan na may pagbabanta sa boses kaya agad napailing si Gabriel
"Okay, titigil na" sabi niya at pinagpatuloy sa pagiinis kay Drake na halos suntukin na si Gabriel sa pagtitimpi ng galit niya.
_
"Sophia!" sigaw ko at tinakbo ang pagitan namin at niyakap siya ng mahigpit "Na miss kita, nag-behave ka ba habang wala ako?" sabi ko at ginulo ang balahibo niya na sinagot ako ng tahol at ang paggalaw ng buntot niya
"Agatha stop talking to the dog" sabi ni Nathan habang hawak ang bag ko "Na miss ko kasi siya" sabi ko at nanggigigil na kinarga si Sophia
"Kumain ka na ba baby?" tanong ko na tinaholan niya lang na nagsasabing oo na kaya mas lalong natuwa ako
"The heck Agatha? Tumigil ka nga pati aso tinatawag mo ng baby, dinadamay mo pa sa ka-weirdohan mo" sabi niya kaya natawa ako at binaba si Sophia
"Fine, iba na lang ang panggigigilan ko" sabi ko habang papasok kami sa kusina "Baby Ana!" sigaw ko ng makita siya "Ate Aggi!" sigaw niya din at tumakbo papunta sakin na agad kong binuhat
"Nagpapa-bake ako kay Kuya Mario ng cookies" sabi niya sabay turo sa chef ni Tita "Kanina ka pa nakauwi?" tanong ko at binaba siya sa counter
"Opo Ate" sabi niya habang nakangiti "Sophia come here" sabi ni Ana ng makapasok si Sophia sa kusina kaya inalayan ko siyang bumaba para makipaglaro kay Sophia
"Kuya Mario kami na po ang bahala diyan" sabi ko "Pero Ma'am Agatha-" aangal pa sana siya ng ngitian ko siya ng pagkatamis-tamis pero may pagbabanta ang mata ko
"Sige po ma'am" sabi niya at lumabas ng kusina kaya ako na ang naglagay ng ingredients at nag-suot ng apron
"Halika Ana, help Ate Aggi make cookies" sabi ko kay Ana na agad lumapit sakin at tumayo sa tabi ko habang nakaapak siya sa isang wooden box
"Here crack the eggs" sabi ko at binigay sa kanya ang dalawang itlog pero nagulat ako ng tinapunan niya ako ng flour sa mukha "Aba't-" sabi ko at binato din siya ng flour kaya natawa ako sa itsura niya
"Hey tumigil na kayo, gumagawa kayo ng dumi" sabi ni Nathan hababg tinititigan kami "Kuya your so KJ" sabi ni Ana at ngumuso habang puno ng flour sa mukha kaya natatawang linapitan ko si Nathan
"Okay lang yan, mahal mo naman kami eh" sabi ko at mahinang linagyan siya ng flour sa pisngi kaya natatawang lumayo ako sa kanya
"Your dead Agatha" sabi niya at napatili ako ng wala sa oras ng pahidan niya ako ng flour sa noo "Hoy ang daya mo!" sigaw ko na tinawanan lang niya
"Ako pa talaga ang madaya ah?" sabi niya kaya agad ko siyang tinapunan ng flour sa buhok niya "Halika Ana, tulungan mo kong pahidan si Kuya mo ng flour" sabi ko at dun na nga nagsimula ang 'little' food war namin
"Anong nangyayari dito?!" napalingon kami sa pinto ng makarinig kami ng sigaw kaya natigilan kaming tatlo "Hehe hello po Tita" sabi ko at napailing na lang si Tito Neil sa tabi niya at nabigla na lang kami ng may tumamang flour sa mukha ni Tita Em kaya napalingon kami kay Ana na tumatawa
"You little rascal" sabi ni Tita at tinapunan kami ng flour na nasa kitchen counter kaya nagsimula na lang kami
"Come here daddy, play with us" sabi ni Ana kay Tito na agad umiling "No, I'm okay here" sabi niya kaya si Tita na mismo ang nagpahid kay Tito
"Ang KJ mo naman" sabi niya kaya tinpunan niya si Tita ng flour and there goes the fun again.
BINABASA MO ANG
Breaking The Code: The Hidden Project (Carnations Series #2)
Mystery / Thriller_ Carnations Series #2: She survived being in the Isle Residence and survived the school of card games. Will Journalists Club find the answers to the mystery? And will Agatha finally break the code to this underworld? To this chaos? To this mind bre...
