♠69♣

77 3 0
                                        

"This is you sister Agatha" sabi ni Daddy kaya napatitig ako sa babae sa harapan ako, I know that she isn't real because I saw it with my own eyes how she was made

"She has my…" sabi ko at tinaas ang kamay ko at ganun din siya at dahan-dahan ay lumalapit ang kamay namin sa isa't-isa "Whats your name?" tanong namin sa isa't-isa.

"My name is-"

Dahan-dahan nagmulat ang mata ko ng maramdaman kong  may tumatapik sa pisngi ko at nagulat ng makita si Nathan kaya agad akong napabangon

"Nathan" bulong ko at yumuko then I felt a finger touched my chin and lifted my head "Kumain ka na ba?" tanong niya kaya umiling ako then in my surprise may linabas siyang plastic na may laman na burger at bottled water

"Kumain ka na" sabi niya, nagalinangan pa ako ng siya na mismo ang naglagay sa kamay ko ng burger at tubig kaya wala akong choice kundi kainin yun pero ilang sandali ay napatitig ako sa kanya habang kumakain siya

"Galit ka pa ba?" tanong ko at napakagat labi "I'm sorry, ayoko naman kasi magalala ka eh kaya hindi ko sinabi sayo" sabi ko at pinigilan ang luhang gusto pumatak

"I'm not angry Agatha" sabi niya at hindi gaya kanina ay kalma ang boses niya na parang may sinusuyo "Nagalala lang ako, you know how protective I am, ayoko ngang hinahawakan ka ni Gabriel" sabi niya at hinawakan ang kamay ko and lightly squeezed it

"Ayokong isipin na may stalker ka at laging nakamasid sayo, what if he'll hurt you at pilit kang ipasama sa kanya? You have a private life and I want it to stay that way" sabi niya at bumuntong hininga

"Shantal was a transferee just like you" sabi niya kaya gulat akong napatitig sa kanya, magkwe-kwento na siya?

"At katulad mo rin ay sumali siya sa Journalists Club, rumors started spreading like wild fire pero kahit isa dun ay hindi totoo, we didn't have a relationship tanging best friend lang ang turing namin sa isa't-isa then that incident happened" sabi niya at ramdam ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko at lumitaw sa mata niya ang galit at sakit 

"Walang magulang si Shantal at wala din na mga kamag-anak at tanging siya na lang ang nagiisa sa pamilya nila, she always warned me na wag babanggain ang Hive but curiosity got the better of me, siguro nga tama ang kasabihang 'curiosity killed the cat' karaniwan ko kasi siyang nakikita kausap si Wilheilm kasama ang kaibigan namin na ang Jordan twins so I wanted to know kung ano ang koneksyon niya sa grupo. Saturday nun at umuulan ng tumawag sakin si Wilheilm na nagsasabing kasama niya si Shantal at papatayin kung hindi ko pa siya nahanap kaya ganun na lang ang kaba ko nung na frame up ka. I called Inspector Gonzaga to help kaya nahanap din namin si Shantal pero may nag-hack sa database ng department ni Inspector at sa maling destination kami dinala then sakto naman na may nag-send sakin ng video galing sa isang unknown number at kita ko dun kung paano mamatay si Shantal sa kamay nila Tyler at Tyron habang si Wilheilm ay nakasandal lang sa pader like he was just watching a goddamn movie!" sabi niya as he gritted his teeth

"We were investigating Hive that time dahil kay Shantal dahil gusto niya malaman tungkol sa grupong yun for an unknown reason at dun namin unti-unting nakilala ang Hive and when we planned to stop them sakto naman na namatay na si Shantal at hindi na ulit sila nagpakita then you appeared" sabi niya at tinitigan ako sa mata

"You don't know what I felt when I first saw you, akala ko namamalik mata lang ako o kaya nanaginip lang but I was wrong, buhay na buhay ka pero hindi ka si Shantal but your Agatha Ward the foster child that mom brought home at sakto ng pagdating mo ay ang pagbago ng buhay namin" sabi niya at hinaplos ang pisngi ko kaya napagtanto kong umiiyak na ako

"Your more special than you think you are" sabi niya at nginitian niya ako na nagpahaplos sa puso ko "Two years ago was a nightmare…" sabi niya at matiim na tinitigan ako

"…then you came" sabi niya and for a second my breathing hitched "You made me believe that there is always a rainbow after the rain lalo na nung makilala kita ng lubusan, I couldn't see myself caring for you pero nagbago yun lahat, takot ako Agatha" sabi niya at kita ang pagtutubig ng mata niya kaya napaawang ang labi ko para magsalita pero walang lumabas na salita sa bibig ko

"Natatakot ako na baka tulad mo ay kusa kang umalis at dahil yun sakin, I dragged you into this mess at ako din ang magiging dahilan kung bakit ka mawawala" sabi niya kaya marahas akong umiling at tahimik na umiyak

"No, hindi yan totoo" sabi ko at hinawakan siya sa balikat "Natatakot ako na baka iwan mo din ako katulad niya dahil sa katangahan ko" sabi niya and for the first time I saw him cry, mabigat, mabigat sa puso ang mga nalaman at nakikita ko ngayon. Hinawakan ko ang kamay niya at pilit na pinaharap siya sakin

"Hindi yan totoo Nathan, you made me see the things that I didn't see before" sabi ko at pinahid ang nga luha ko na walang tigil sa pagtulo

"Your my big brother right?" sabi ko at tumawa pa at kita ko kung paano siya natigilan earning a smile from me "Natatakot din ako Nathan" paghikbi ko

"Natatakot ako na baka isang araw ay mawala ka din gaya nila" sabi ko "I built my own walls pero ikaw ang naging dahilan para masira yun, you made me feel loved and cared, you made me see something that I didn't see before, you made me feel how a person can cherish someone, you made me feel to have a family again Nathan" hikbi ko at niyakap siya

"Something in our pasts are connected, can you help me find it?" sabi ko as I rest my head on his shoulder "Help me find the mastermind behind this game and reveal the truth" sabi ko

"I always have your back, I always do" mahina niyang bulong sa tenga ko bago kami maghiwalay and rested his forehead on mine "Just don't leave me okay?" sabi niya

"I promise" sabi ko and I could feel him smile "I'll hold on to that" sabi niya bago hinalikan ang noo ko

"I hate how I can't stay mad at you" sabi niya kaya natawa ako.

I love this brother of mine at hindi ko hahayaan na mawala ang kasiyahan niya, I'll do everything to keep my promise, Nathan.

Breaking The Code: The Hidden Project (Carnations Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon