"Come on guys! Last day na toh ng Intrams, ngayon na lang tayo magsasaya" pangaaya samin ni Gabriel "Shut up anghel, ang ingay mo" singhal sa kanya ni Trinity
"Halika na kasi!" pamimilit ni Gabriel pero walang pumansin sa kanya hanggang sa tumigil ang mata niya sakin.
Lagot na.
"Agatha sumama ka na sakin!" sabi niya at ngumuso kaya wala na akong nagawa kundi tumango sabay ng paghila niya sakin patayo
"Teka sasama na din ako!" sigaw ni Trinity na kasabay si Hazel at si Drake na hila-hila si Nathan "Kita niyo, sumama lang si Agatha sumama na din kayo lahat" sabi ni Gabriel na may bahid na pagtatampo kaya natawa ako
"Halika na, may takoyaki dun oh" sabi ko at inangkla ang braso ko sa braso niya sabay hila sa isang Takoyaki Stand, anong mali kung magsasaya kami ngayon diba?
"Ay sorry" sabi ko ng may mabangga ako "Okay lang" sabi niya at napatitig ako sa kanya "Agatha halika na!" sigaw ni Gabriel "Ah sorry ulit" sabi ko bago siya tinalikuran
"Uhm excuse me" sabi niya kaya liningon ulit siya "Yes?" tanong ko "Can I know your name?" tanong niya kaya hindi ko mapigilan na tingnan ang suot niya, dito siya nagaaral sa St. Pristine at sa nakita ko sa I.D niya ay Grade 12 siya
"Uhm Agatha" sabi ko at nginitian siya "Uhm ako si Kai" sabi niya kaya hindi ko mapigilan na tumingin sa gwapo niyang mukha "Nice meeting you Kai" sabi ko at ngumiti
"Agatha halika na!" rinig kong sigaw ni Gabriel "Alis na ako, nice meeting you again Kai" sabi ko bago tumakbo papunta kay Gabriel.
He was just being friendly pero bakit pamilyar siya sakin?
♠♣•♠♣•♠♣•♠♣•♠♣•♠
Dalawang linggo na ang nakalipas na hindi nagpaparamdam ang Hive kaya nangamba kami lahat pero hindi yun naging dahilan para hindi kami magsaya gaya ngayon.
"Gising na! Dali!" sigaw ni Trinity habang tumatalon-talon sa kama ko "Dali na! Pupunta pa tayo sa mall!" sigaw din ni Gabriel na tumatalon-talon pa sa kama ko, sabado ngayon at ito ang oras para maglamaw ako pero alas-otso pa lang ay nandito na ang mga yan
"Gising na!" sigaw nila kaya sinubsob ko ang mukha ko sa unan nagdadasal na baka kahit papaano ay makatulog ulit ako
"Wake up, sleepy head" sabi ni Trinity at mukhang napagod na sila kakatalon dahil niyugyog na nila ako "Hmm mamaya na" sabi ko and was about to black out ng maramdaman kong may humila sa paa ko
"Hoy!" sigaw ko sa sobrang gulat at napabangon ng wala sa oras sabay ng malakas na paghila nila sakin kaya bumagsak ang pwet ko sa sahig
"Gumising na kasi sabi eh" natatawang sabi ni Trinity at humalakhak naman si Gabriel na siyang naghila sakin kaya binato ko sa kanya ang unan sa sahig and head shot!
Rinig ko ang mga tawa ni Trinity at Drake na inaasar si Gabriel kaya napailing ako, kita ko na natutulog na si Nathan sa mini sofa ko habang naka-upo, pati pala si Nathan ginising nila.
Tumayo ako at inayos ang kama bago sila hinarap "Bakit ba kayo nandito? Ang aga pa ah?" tanong ko habang kinukusot-kusot ang mata ko sabay hikab
"Pupunta tayo sa mall kaya magbihis ka na" sabi ni Trinity habang tinutulak-tulak ako papunta sa banyo "Ha? Teka lang, masyado naman atang maaga para gumala tayo" sabi ko pero hindi niya ako pinansin at binato ang twalya ko bago sinara ang pinto ng banyo sa mismong mukha ko kaya napailing ako.
Ano pa nga ba ang inaasahan ko sa mga yan? Habang nagsho-shower ako ay rinig ko pa ang ingay nila sa labas, pinapaalis ni Trinity ang tatlong lalaki at rinig ko pa ang pag-hila ni Drake kay Nathan na nagrereklamo, pagkatapos ay nagtwalya ako at lumabas ng banyo na agad akong sinalubong nila Trinity
BINABASA MO ANG
Breaking The Code: The Hidden Project (Carnations Series #2)
Mystery / Thriller_ Carnations Series #2: She survived being in the Isle Residence and survived the school of card games. Will Journalists Club find the answers to the mystery? And will Agatha finally break the code to this underworld? To this chaos? To this mind bre...
