♠115♣

67 1 0
                                        

[Agatha's Point of View]

"The doctors are doing everything they can para hindi kumalat ang lason" sabi ni Drake

"Don't go to him tomorrow" napalingon ako kay Nathan ng sabihin niya yun "He's right, Alcain Wilheilm bidded on you for $3,000,000, nagaalala kami kung anong balak niyang gawin sayo" sabi ni Gabriel

"I'll be fine, they won't kill me. Were still playing the game" sabi ko pero hindi parin nawala ang pagaalala nila ng biglang mag-ring ang cellphone ko and I felt my grip tightening when I saw the Unknown Number

"Hello?" pagsagot ko sa tawag "Agatha Ward" napaawang ang labi ko sa narinig, for the first time ang lalaki sa video ang tumawag pero gaya ng dati ay hindi mo parin malaman kung sa babae o sa lalaki ba talaga nanggaling ang boses

"If you want to save the little boy get the antidote, do you want it?" sabi niya kaya napakagat labi ako "Where is it?" tanong ko at rinig ko ang mahina niyang tawa

"I won't give it for free, were still playing the game, are we not?" sabi niya kaya napakagat labi ako

"Where is it?" tanong ko ulit na may bahid na ng irita "I planted a bomb in an orphanage named St. Patrick's Orphanage in Manila and it will blow up in two Hours from now. You wouldn't think I'll just put poison sa mga baso, that's too plain" sabi niya at humalakhak

"Listen Agatha, a tooth for a tooth and a nail for a nail, your time is running out Agatha dear. Two Hours, thirty-nine munites and twenty-two seconds left" sabi niya bago binaba ang tawag kaya nagpakawala ako ng mahabang hininga, ngayon ko lang na pansin na pinipigilan ko pala ang paghinga ko kanina

"May problema ba Agatha?" nagtatakang tanong ni Trinity kaya naluluhang tiningnan ko sila "They planted a bomb in St. Patrick's Orphanage here in Manila and it will blow up after two hours" mangiyak-ngiyak kong sabi

"We need to get going then" sabi ni Nathan.

_

Mabilis na pinaharurot ni Nathan ang kotse "Sumosobra na sila, pati mga bata dinadamay" inis na sabi ni Gabriel

"Kung wala siyang mapapatay gagawa siya ng paraan and he'll kill another group, its like a chain mail and we are the one sending it" sabi ko na nagpatahimik sa kanila.

Hindi ko hahayaang mapatay niya ang mga bata sa St. Patrick's Orphanage, nandun pa si Sister Celine.. Bawal ko siyang iwan dun..

"Freak!" pangaasar sakin ni Gene "No wonder hindi ka ina-adopt" sabi ng isa pang lalaki

"Hoy mga bata!" napalingon ako sa tumawag at napangiti ng makita siya "Sister Celine" sabi ko at tumakbo papunta sa kanya bago hinawakan ang kamay niya

"Anong sabi ko sa inyo? Diba sabi ko wala ng magbu-bully dito?" pagsesermon niya "Opo Sister Celine" sabi ng dalawa ay yumuko

"Oh siya, maglaro na kayo dun" sabi niya kaya tumakbo ang dalawa para maglaro "Okay ka lang ba Agatha?" tanong niya kaya tumango ako

"Gutom ka na ba?" tanong niya kaya tumango ako "May cake sa kusina, sigurado akong magugustuhan mo yun" sabi niya kaya napangiti ako

"Opo!" sabi ko at naglakad kami papuntang kusina para kainin yung bavarian cake.

Tinigil ni Nathan ang kotse kaya agad kaming bumaba, the familiar aroma and building welcomed me.

Welcome back, Agatha.

Pumikit ako ng mariin, hindi ko hahayaang mawala kayo. Minulat ko ang mata ko at naglakad paounta sa gate "Oh Agatha? Mabuti bumisita ka pero hindi ba masyadong maaga? Ala-una na ng umaga" sabi ni Manong Tep

"Good morning po, Manong Tep pero kailangan ko na po magmadali, nandiyan ba si Sister Olivia?" tanong ko "Syempre, pupuntahan mo ba? Alam mo naman kung nasaan ang kwarto niya diba?" sabi niya kaya tumango ako

"Oh sige" sabi niya at pinagbuksan kami ng gate, hindi na kami nagsayang ng oras at tinakbo na ang building "Agatha dito ka ba dati?" tanong ni Gabriel habang hinihingal kaya tumango ako.

Tinakbo ko ang pamilyar na hallway at tumigil sa lagi kong pinupuntahan na kwarto sa Orphanage, parang guidance councilor na ang turing ko dito eh, bumuntong hininga ako bago kumatok sa pinto

"Sister Olivia!" pagtawag ko at linakasan pa ang pagkatok hanggang sa bumukas ang pinto at bumungad ang inaantok pang babae na nasa mid 50's na niya, nagulat siya ng makita ako at inayos ang salamin niya

"Agatha? Jusko, bat ka nandito ng alas-dose ng umaga?" tanong niya, alas-dose? Diba kanina ala-una pa lang?

Ang bilis ng takbo ng oras "Sister Olivia kailangan ka po namin makausap" sabi ko at kahit nagtataka ay pinapasok niya kami sa kwarto niya "Masaya akong makita kang may kasamang mga kaibigan" sabi niya at ngumiti

"Sister Olivia may bomba po dito na isang oras na lang ay sasabog na, kailangan po natin mailabas ang mga bata, alam ko pong hindi kayo naniniwala-" napatigil ako sa pagsasalita ng bigla niya g hawakan ang pisngi ko

"Nandito ka na simula six years old ka at nawala ka samin ng limang taon pero bumalik din muli at sa tingin mo ay hindi kita papaniwalaan? Pinalaki ka ng mga magulang mo na hindi nagsisinungaling iha" sabi niya kaya napangiti ako

"Tutulungan ko kayo kaya kailangan na natin gisingin ang mga bata" sabi niya.

_

Mabilis ang bawat paggalaw namin at inaalayan namin ang lahat para makalabas agad sa malaking Orphanage na ito ng biglang nag-ring ang cellphone ko, akmang tataguin ko ulit ng makita ko ang unknown number kaya agad ko itong sinagot

"Your moving fast" sabi niya at mahinang tumawa "Nasaan ang antidote?" tanong ko "Nasaan pa ba? Edi nasa bomba" sabi niya kaya napaawang ang bibig ko

"I hope you find the bomb before it even explodes, many lives are in there and one life ay nagaagaw buhay sa ospital, can you both save them at the right time?" sabi niya bago binaba ang tawag and I was in a daze, the antidote is with the bomb and if I don't get the antidote one life will die, ang importante ay nakaalis na ang mga bata dito.

Then realization hits me, I have to take the risk then.

Breaking The Code: The Hidden Project (Carnations Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon