♠74♣

85 3 0
                                        

Dali-dali kaming pumasok ng ospital at pumunta sa hospital room ni Sherley kung saan namin nakita si Tita Sheena na umiiyak "Tita" sabi ko at niyakap siya

"Nandito na pala kayo" sabi niya at pinahid ang mga luha niya "Ano po ang nangyari?" tanong ko "Huli na niyang araw ngayon Agatha, it was too sudden, bigla na lang siya hindi huminga kaya nagpanic ako. I-I can't loose her Agatha, I can't loose my daughter" hikbi niya

"She'll be okay tita" sabi ko at hinawakan ng mahigpit ng mahigpit ang kamay niya, telling her that I'm here - we're here, tumingin ako sa pinto kung saan mo maririnig ang mga sigaw ng doktor, lumalim ang paghihinga ko at napapikit.

God, help Sherley.

_

[Third Person's Point of View]

"Magiging okay lang po ang lahat" sabi ni Agatha habang hinahagod ang likod ni Sheena, tahimik na nagdadasal si Agatha dahil gaya ni Sheena ay kumakabog ang puso niya sa kaba at takot.

Wag kang susuko Sherley, please.

Mahina niyang panalangin na para bang maririnig yun ni Sherley and then suddenly her phone rang "Sasagutin ko lang po toh" sabi niya na tinanguan ni Sheena kaya tumayo siya at sinagot ang tawag

"Hello? Sino toh?" tanong niya ng makita ang unknown number "Hello Agatha" bumuo ang galit sa dibdib niya ng marinig ang pamilyar na boses ni Lysander

"Bakit ka napatawag?" tanong niya at rinig niya ang mahinang tawa ni Lysander sa kabilang linya

"We are playing a game of chess right? Well let me say this to you, one of our pawns will be dead and it will be the death of her mother" sabi ni Lysander na nagpatigil kay Agatha at napatakip ng bibig ng magsimula siyang humikbi, she knows who that is and her head instantly snapped to the operating room

"Don't you dare do anything to her Lysander!" sigaw ni Agatha sa telepono kaya lumipat ang tingin ng iba sa kanya sabay ng pagtawa ni Lysander sa kabilang linya

"But I'm not doing anything to her, its the Lycana's job to kill kung sino man ang hindi compatible para sa kanya" sabi ni Lysander na nagpahikbi lalo kay Agatha

"Your time is running up, dear Agatha at ganun din sa kanya" sabi ni Lysander bago binaba ang tawag kaya agad liningon ni Agatha ang salamin kung saan mo makikita ang pagre-revive kay Sherley ng doktor kaya bumagsak si Agatha sa sahig at humikbi and at the same time a straight line can be seen in the monitor.

"Name: Sherley Rogers,
Time of Death: 9:54pm"

[Agatha's Point of View]

Parang akong binagsakan ng langit at lupa ng marinig namin ang sinabi ng doktor pagkalabas niya ng OR

"No! Hindi pa patay ang anak ko!" sigaw ni Tita Sheena kaya pati ako napahikbi habang yakap ni Trinity at Hazel.

I couldn't save her.

Marahas akong napailing, wishing that all of this was just a dream - a nightmare.

This is all my fault.

I dragged her into this mess, dahil sa gulo namin ni Lysander pati siya na damay na ang gusto lang niya ay gumaling at mas makasama pa ang mama niya, but no. I was the reason to this sadness - to this loss.

♠♣•♠♣•♠♣•♠♣•♠♣•♠

"Kumain ka kahit konti Agatha, nagaalala na sayo si Ma" sabi ni Nathan at bumuntong hininga ng hindi ako sumagot

"It isn't your fault why Sherley died, ilang beses ba namin kailangan ulitin yun?" sabi niya kaya mapait akong ngumiti

"Until I get this guilt out of my chest, why can't I save her Nathan? Ang gusto lang naman niya makasama pa ng mas matagal si Tita Sheena pero hindi eh, dinamay ko pa siya sa gulo natin" sabi ko at umiling

"Damay na talaga siya sa simula pa lang" sabi niya at hinaplos ang pisngi ko ng may tumulo na isang luha

"Sherley would have wanted you to save many lives na nakapangalan sa Project Carnations, the hidden project is the answer to all of this Agatha" sabi niya at nginitian ako kaya napatitig ako sa kanya at tumango bago niyakap

"I don't know what I'll do if I don't have you by my side" sabi ko "In that mind of yours? Syempre kailangan mo ko" sabi niya kaya natawa ako at hinampas ang balikat niya

"Kainis ka" sabi ko "By the way sa Saturday ang funeral ni Sherley, tinawagan ako kanina ni Tita Sheena" sabi niya ng maghiwalay kami sa yakap

"Tinulungan mo ba siya sa funeral?" tanong ko, paano na lang kung walang pera si Tita para sa funeral ni Sherley? Jusko, ginastos na niya lahat sa ospital

"Of course, tinulungan ko siya at binigyan ng perang pang gastos" sabi niya kaya napatango ako "Rest, bukas ka na lang pumasok" sabi niya sabay ng paghiga ni Sophia sa kama ko

"Sige" sabi ko kaya lumabas na siya ng kwarto ko at pinaglaruan ko muna si Sophia bago matulog.

♠♣•♠♣•♠♣•♠♣•♠♣•♠

"Listen up class" sabi ni Sir at kinuha ang atensyon namin lahat "Tour niyo next week, One week tayo dun" sabi ni Sir kaya tumaas ang isang kamay ng kaklase ko

"Sir saan po tayo magto-tour?" tanong ng kaklase ko "Bakit? Iba-iba ba ang pinupuntahan ninyo?" tanong ko kay Apple na katabi ko

"Oo, last year kasi sa resort kami nag-tour" sabi ni Apple "And I promise you, masaya yun kaya nagtataka ako kung saan tayo pupunta ngayong year" sabi niya kaya napatango ako

"Camping daw gagawin natin, kaya mag-dala kayo ng damit for one week at ng mga gamit na kakailanganin niyo" sabi ni Sir kaya tumango kami lahat

"Umayos kayo sa Tour, Section B dahil kung hindi kayo tumino ang Principal mismo ang magdi-disiplina sa inyo" sabi niya kaya dali-daling tumango ang mga kaklase ko

"Anong gagamitin natin na transportation?" tanong ko "Bus syempre, alam mo naman ang St. Pristine kung ano-anong kaartehan ang nalalaman" sabi niya at tumawa

"Tent ba magdadala din tayo?" tanong ko ulit kaya agad siyang umiling "May tent ng nakahanda dun" sabi niya kaya napatango ako.

Magca-camping kami ng one week? Bakit may masama akong pakiramdam dun?

Breaking The Code: The Hidden Project (Carnations Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon