♠87♣

71 3 0
                                        

One week pa kami nag-stay sa camp site pero hindi gaya ng nakaraang araw ay sumasaya na kami, naging clingy na din sakin si Dana after that and keeps on calling me 'biatch' at pagkauwi naman namin ay sinermonan nanaman kami ni Tita Em dahil sa sugat na natamo ko sa balikat kaya balik na kami sa normal at nakatambay nanaman sa clubroom

"Okay na ba yang sugat mo?" tanong ni Trinity kaya tumango ako at hinawakan ang benda sa ilalim ng uniform ko

"Gumagaling naman siya kahit papaano" sabi ko bago ngumiti at nagsimula nanamang umisip, kanina ko pa inaalala kung ano ang nakalimutan ko

"Nasan nga pala si Nathan?" tanong ni Gabriel "Nasa faculty office, pinapasa ang thesis niya" sabi ni Drake habang nakatuon sa laptop niya pero teka Nathan?

Think..

Think..

Think..

Think..

I mentaly screamed in my head at napatayo sa sobrang gulat, no wonder I felt like I forgot something. Yun na pala yun!

"May problema ba Agatha?" tanong ni Gabriel kaya napaawang ang bibig ko, how can you forget that Agatha? "Birthday ni Nathan bukas" sabi ko kaya nagkatinginan sila at sabay-sabay nanlaki ang mata

"My god! Oo nga! Pinagusapan pa lang natin toh two weeks ago" sabi ni Trinity at napasapo sa noo "Wala pa tayong plano para sa birthday niya" sabi ni Hazel

"Pati regalo if I may add" sabi ni Drake "Then we have to think fast guys" sabi ko at tiningnan sila "Magkita tayo mamayang uwian para sa regalo ni Nathan" sabi ko kaya sabay-sabay silang tumango.

_

[Nathan's Point of View]

"Uhm Nathan?" napalingon ako kay Agatha ng tawagin niya ako at tinaasan ng kilay "Pwede mauna ka ng umuwi? May pupuntahan pa kasi ako eh" sabi niya kaya kumunot ang noo ko

"At saan ka naman pupunta?" tanong ko, uwian na at saan pa siya pupunta? "May pupuntahan kasi kami ni Trinity" sabi niya

"Sasama na ako" sabi ko at akmang mauuna ng maglakad ng hawakan niya ang braso ko "May ipapakilala daw siya sakin eh" sabi niya

"So for short your meeting a boy" sabi ko at ngumiwi, bawal pa siya mag-boyfriend yun ang pinagusapan namin diba?

"Please Nathan? Payagan mo na ako" sabi niya kaya agad uminit ang ulo ko "No" sabi ko "I was just joking, I'm meeting up with my high school friends sa dati kong school at nagpapasama lang ako kay Trinity at Hazel" sabi niya

"Yun naman pala eh, sasama na ako" sabi ko kaya agad siyang umiling "Nathan lahat ng kasama ko ay babae, ayoko kayang pagguluhan ka" sabi niya at umiling, pake ko naman?

"And you think I care?" sabi ko at tinaas ang kilay ko "Wag ka na magalala, uuwi naman ako ng maaga at nakapagpaalam na ako kay Tita" sabi niya at tinulak ako papasok ng driver's seat

"Have a safe trip" sabi niya at aangal pa sana ako ng mabilis siyang tumakbo palayo kaya napabuntong hininga na lang ako, ano pa nga bang magagawa ko kundi umuwi?

[Agatha's Point of View]

"Himala ata at natakasan mo si Nathan" sabi ni Trinity habang umiiling "Knowing Nathan, magpupumilit pa yun bago ka payagan" sabi ni Drake

"He didn't really let me, more like tinakbuhan ko" sabi ko at tumawa ng maalala ang mukha ni Nathan bago ako tumakbo palayo

"Dalian niyo na para makauwi na tayo ng maaga" sabi ni Trinity at hinila kami.

Pumunta kami sa iba't-ibang stores para makabili sila ng regalo pero kahit isa sa pinuntahan namin ay wala akong nagandahan para ibigay kay Nathan

"Hindi ka pa ba nakakapili Agatha?" tanong ni Trinity kaya umiling ako "You better hurry up, tinetext na ako ni Nathan na uwiin ka na daw, parang hindi naman kita uuwiin sa lagay na toh" sabi niya at umiling kaya natawa ako, typical Nathan.

Ngumiti ako "Kumain na muna kayo at maglilibot na muna ako, okay?" sabi ko kaya tumango na siya "You heard her right? Kumain na tayo" sabi ni Gabriel

"Yang katakawan mo Gab, bawas-bawasan mo naman" sabi ni Drake "Ingat ah?" sabi niya kaya tumango ako bago sila umalis papuntang foodcourt kaya naglibot-libot na muna ako pero napatigil ng may pumukaw sa atensyon ko, lumapit ako sa store at tiningnan ang mga products nila sa salamin

"What can I do for you Ma'am?" sabi ng saleslady "Can I get this one?" sabi ko at tinuro ang nagustuhan ko, I hope Nathan likes it.

♠♣•♠♣•♠♣•♠♣•♠♣•♠

[Third Person's Point of View]

Nagising si Nathan ng alas-otso ng umaga dahil sa tahol ni Sophia "Shut up Sophia, ang ingay mo" sabi niya at sinubsob ang mukha sa unan pero mas lumakas lang ang tahol ni Sophia kaya sa sobrang irita ay napabangon siya ng wala sa oras

"Ano ba!" inis niyang sigaw at ginulo ang sariling buhok bago siya linapitan ni Sophia at dinilaan sa kamay "Bakit ka ba nangbubulabog na aso ka?" tanong niya at na pansin ang papel na nakaipit sa collar niya

"Ano yan?" tanong niya at kinuha ang papel bago sumandal sa head board ng kama, tumabi sa kanya si Sophia kaya binuksan niya ang papel.

I have many things, I am useful to many moms, you can do anything when I'm around. What am I?

Kumunot ang noo ni Nathan sa nakasulat, ano naman toh? Ginulo niya ang buhok bago bumangon "Should I go there?" tanong niya sa sarili at nagkibit balikat bago lumabas ng kwarto at napansin na walang tao sa mansyon

"Ano nanaman ba tong pakulo niyo Gabriel?" tanong niya sa sarili bago tumungo sa kusina kung saan siya inabutan ng chef nila ng sliced cake, binigyan niya ito ng nagtatanong na tingin pero nginitian lang siya nito at umalis kaya tiningnan niya ang cake na may nakalagay na 'Eat me' gaya ng sa Alice In The Wonderland.

Whatever you are doing I'll just go with the flow.

Sabi niya sa isip at kinain ang cake kung saan niya nakita na may papel na nakaipit kaya kinuha niya yun at binuksan.

There are three men and I have five candies, I gave them two candies each, how many candies do I have now?

Napailing siya at mabilis na naisip ang sagot at tiniklop ulit ang papel sa baba.

Have you found your answer? Go to the central park for your next clue.

Napataas ang kilay niya sa nabasa at tumaas ulit sa kwarto at nagayos bago puntahan ang destinasyon. Sunod-sunod ang mga sinagutan niyang mga clues sa iba't-ibang lugar hanggang sa mapadpad siya sa beach.

Hindi siya tanga para hindi malaman kung ano ang pinanggagawa ng mga kaibigan niya.

Go back seven steps.

Sinunod niya ang nakasulat at nagtaka ng may kumalabit sa kanya

"Kuya para sayo daw" sabi ng isang bata kaya inabot niya ang rosas bago ito umalis, tiningnan niya ang papel na nakasiksik sa rosas at binuksan yun.

Go back to your first destination. I'm a rose. Where can you find me?

Nairita siya sa nakasulat, pinapunta pa siya dito sa dalampasigan pero ipapabalik lang pala siya sa bahay, ano toh kalokohan? Kahit naiinis ay bumalik na lang siya sa mansyon dahil sa kuryosidad sa kung ano ang naghihintay sa kanya.

"Sir Nathan, pinapabigay po sayo" sabi ng isang katulong at inabutan siya ng papel bago umalis kaya binuksan niya ito.

Are you ready? :)

For some reason ay napangiti siya sa nakasulat at naglakad papunta sa garden nila sa likod at pagbukas niya ng pinto ay na siya nagulat pa sa isang sigaw

"Happy Birthday!" sigaw nila at may confetti pang nahulog sa buhok niya "You all suck in surprising" sabi niya na ikinatawa nila

"At least we tried" sabi ni Gabriel at tumawa pero isang tao lang nakatuon ang atensyon niya sa nakangiti sa kanya.

Breaking The Code: The Hidden Project (Carnations Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon