"AAAAHHH!! BWISIT KA GABRIEL! BAT MO KO SINAKAY DITO?!" naiiyak kong sigaw habang nasa Viking kami
"WAAAAHH!! YEEEAAAHH!" masayang sigaw niya habang nakataas pa ang mga braso at tumatawa sa tuwa, jusko! Paano ba ako na punta dito? "AYOKO NA!"
"Wala ka bang pupuntahan ngayon Agatha?" tanong ni Tita habang sinusuot kay Ana ang kalo niya "Wala naman po" sabi ko
"Lalakarin ko si Sophia sa park at hahatidin ko si Ana sa piano lessons niya, ang Tito Neil mo naman may trabaho at si Nathan kasama si Drake. Magisa ka lang dito" sabi niya
"Okay lang po" sabi ko at ngumiti "Oh sige, magingat ka ah?" sabi niya kaya tumango ako bago sila makalabas ng pinto and I was welcomed with silence.
Saturday ngayon at nag-day off ang lahat ng katulong sa mansyon at si Nathan naman gaya ng sabi ni Tita ay kasama si Drake para pag-usapan tungkol sa nalaman namin two days ago, ano na ba ang gagawin ko dito?
Naka-hoodie ako na puti at itim na leggings pero nanatiling nakalugay ang buhok ko.
Napatingin ako sa pinto ng may kumatok dun, sino naman yun? Kumunot ang noo ko habang binubuksan ang pinto at mas kumunot ang noo ko sa kumatok
"Hi Agatha" sabi niya habang nakangiti "Gabriel anong ginagawa mo dito?" tanong ko
"Ang boring eh, nagkwe-kwentuhan sila Hazel at Trinity sa kwarto at wala ng ibang tao sa bahay, pinuntahan ko naman si Drake pero kasama niya si Nathan, alam mo naman kung gaano yun ka-seryoso sa buhay" sabi niya kaya nagsalubong ang kilay ko
"Anong kinalaman ko?" tanong ko "Tara, labas tayo" sabi niya at hinawakan ang pulsuhan ko
"H-Ha? T-Teka lang" sabi ko at aangal pa sana pero bigla niya akong hinila "Gabriel yung pinto!" sabi ko, jusko hindi ko pa yun na lolock!
"May body gaurd ka diyan" sabi niya "Kuya paki-lock ng pinto" sabi niya sa isang body gaurd ko bago ako hinila ulit
"Teka saan ba tayo pupunta?" tanong ko habang pinapaandar niya ang kotse "Sa Star City!" sabi niya kaya nanlaki ang mata ko sa gulat
"T-Teka!" sabi ko pero mabilis niyang pinaharurot ang kotse.
"Ayoko ng sumakay ulit dun" nanghihina kong sabi habang hinihingal pero tinawanan niya lang ako "First time mo ba dun?" tanong niya
"Hindi, nakasakay na ako dun dati pero nangbibigla ka naman eh!" sabi ko at hinampas siya ng paulit-ulit, parang nawala ang puso ko sa Viking kanina!
"Tara kain tayo" sabi niya. Kumain kami sa nagtitinda ng burger at shake at napagisipan namin na maglakad-lakad na muna sa amusement park
"Sa tingin mo ba magiging maayos lang ang lahat?" sabi niya habang iniinom ko ang cookies and cream na shake
"Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan" sabi ko kaya nagkibit balikat siya "Curious lang ako. What do you feel when everything is over?" tanong niya kaya natigilan ako sa sagot, ano nga ba?
Napabuntong hininga ako at kinain ang huling kagat ng burger ko bago tinapon sa basurahan "I'll be relieved, magiging masaya na din ang lahat" sabi ko at dinama ang simoy ng hangin
"Wala ng iiyak at masisirang pamilya, walang ng magdurusa at wala ng masasaktan pero hindi mo naman maiwasan na masaktan diba? Parte na yun ng buhay natin, we can now leave free, wala ng matatakot muli" sabi ko at nginitian siya and he stands there, breathless.
Inubos ko ang shake at tinapon sa basurahan at ganun din ang ginawa niya "Tara dun naman tayo" sabi niya at tinuro ang isang ride at halos manginig na ako sa takot ng makita kong tinuro niya ang roller coaster
"Gabriel wag naman diyan oh" sabi ko pero tumawa lang siya "Ano ba! Magiging masaya toh!" sabi niya at hinila ulit ako.
Mahigpit ang pagkakahawak ko sa railings ng makasakay kami sa roller coaster, hindi pa nga nagsisimula naiiyak na ako
"Wag ka ngang kabahan Agatha, magiging masaya toh promise" sabi niya at ngumiti "Kung hindi, ikaw ang una kong papatayin" sabi ko
"Ang brutal mo naman" sabi niya at ngumuso "Such sugar coated words" napalingon kami sa likod ng may magsalita at nagulat ako sa nakita
"Guguho na ata ang mundo Agatha. First time toh" sabi ni Gabriel "Ihampas kita diyan eh" sabi ni Drake at sinamaan ng tingin si Gabriel
"Why do you even want to ride here?" tanong ni Nathan na halata mong na bo-bored na "Sigurado ka ba dito? Bumaba na lang kaya tayo?" napalingon naman kami sa likod nila
"Nandito ka din pala?" sabi ni Drake kaya tinaasan siya ng kilay ni Trinity "Bakit? Ikaw ba ang may ari ng amusement park?" sabi niya
"Bakit? may sinabi ako?" pabalik na tanong ni Drake kaya umirap si Trinity habang tumawa lang si Hazel sa tabi niya
"Magiging masaya toh" sabi niya, tingnan mo nga naman kahit pinaghiwalay kami, nagtitipon parin kami sa isang lugar. Nagsimulang kabahan ang puso ko ng dahan-dahang umandar ang roller coaster
"Humanda ka sakin mamaya - GABRIEELL!" dahan-dahan ang pagsalita ko hanggang sa tuluyan na ngang naging sigaw ang mga salita ko.
Jusko po! Kung ito na ang katapusan ko, pakiusap kailangan ko pang talunin si Lysander at ang Hive, ayoko pang mamatay!! Amen.
"PAPATAYIN KITA DRAKE!!" malakas na sigaw din ni Trinity "Aray ko! Hoy! Anong problema mo?!" inis na sigaw ni Drake ng sabunutan siya ni Trinity
"LAGOT KA SAKIN GABRIEL! PAPATAYIN MO KO!!" mangiyak-ngiyak kong sigaw "WOOOOHH!" sigaw niya at naghalakhak pa habang chill lang na nakaupo si Nathan sa likod ko habang natatawang sumisigaw si Hazel sa tabi ni Trinity na walang tigil sa pagsigaw at pagsumpa kay Drake ng paulit-ulit
"LORD, PAPATAYIN KO PA PO SI DRAKE AT AAYUSIN ANG PANGIT NIYANG MUKHA! PUPUNTA PA PO AKO NG KOREA PARA PAKASALAN SI JEON JUNGKOOK AT KIM TAEHYUNG! MAY PANGARAP PA AKO LORD!!" sigaw niya
Kung kaya ko lang sana tumawa edi sana kanina pa ako tumawa sa sinabi ni Trinity pero hindi eh, parang naiiwan ang puso ko tuwing tumataas at bumababa
"Hoy anong pangit?!" sigaw pabalik ni Drake "IBABA NIYO KO DITO!!" malakas kong sigaw, iligtas niyo po ako dito lord!
BINABASA MO ANG
Breaking The Code: The Hidden Project (Carnations Series #2)
Mystery / Thriller_ Carnations Series #2: She survived being in the Isle Residence and survived the school of card games. Will Journalists Club find the answers to the mystery? And will Agatha finally break the code to this underworld? To this chaos? To this mind bre...
